1: The Twin Sister

180 5 5
                                    

STELLVESTER AJERO's POV

"And we are...., " Pablo's spill as our Pinuno.

"SB19! Goodnight Guys! Goodnight Mahal naming A'tin!" Sabi ko. Katatapos lang ng ginawa naming Fan Meet Concert. Ito ang Homecoming Coming Concert namin for our Filipino Fans pagkatapos ng ilang buwang World Tour namin.

Oo nakakapagod, pero part yun ng trabaho namin at yun ay ang mapasaya ang A'tin. Lagi naming sinasabi na wala kami ngayon kung hindi dahil sa kanila. Kaya mas lalo pa kaming nag-i strive sa ginagawa namin dahil alam naming inaasahan nila na laging maganda ang inihahanda namin para sa kanila.

Ang bilis ng panahon, 5 years na rin ang nakalipas Mula nang mag-debut kami as a group, ang totoo, lahat kami ay hindi inakala na aabot kami sa ganitong punto ng Singing Carreer namin. 5 years na kami at marami pa kaming plano para sa grupo at para sa mga fans namin.

"Hay! Sa wakas Guys! Magkakaroon rin tayo ng mahabang pahinga! Woooh!" Sigaw ni Josh ng makabalik na kami sa Dressing Room namin.

"Congratulations Mga Dre! Isang Era na naman ang natapos natin." Sabi ng aming Pinuno. Si Pablo.

"Kaya nga, Congratulations sa ating lahat Guys! Deserve natin ng bakasyon at pahinga!" Banggit naman ni Justin na sumalampak na sa sofa.

"Basta ko, uuwi muna ako sa amin, pero saglit lang din, may ginagawa kasi akong bagong kanta." Imik naman ni Ken.

"Ikaw Vester, saan ka magbabakasyon ngayon?" tanong sa akin ni Pablo.

"Hmm. Ako? sa Japan." lagi naman ako doon pumupunta eh. Tsaka doon nakakapagrelax talaga akon ng maayos.

"Japan? na naman? diba galing ka na dun last time?" nagtatakang tanong ni Josh.

"Oh baket Josh? nasa karapatang pantao ba na bawal bumalik sa Japan kapag galing ka na doon? Tsaka ikaw ba ang mamasahe sakin?" pinaiinit na naman nitong Jaskalen na to ang ulo ko.

"Haha, Relax Dre, nagtatanong lang naman ako. Napapansin kasi namin wala ka nang ibang pinupuntahan kundi sa Japan." sabi ni Josh na naki pag-apir pa kay Pablo.

"Teka nga, hindi kaya may babae ka nang binabalikan sa Japan na hindi namin nalalaman ha?" banat naman ni Pablo.

"Hindi kaya may itinatago ka ng asawa sa Japan ha? Baka naman may anak ka na rin ha!" imik naman ni Josh Cullen.

"Bakit ba kasi sa dinadami ng pupuntahan mo doon pa. Ang lamig lamig don!" sabi ni Ken habang nagliligpit ng gamit.

"Baka naman fan na fan lang siya ni Hello Kitty, kayo naman haha! " imik naman ni Justin na tawang tawa pa.

"Nakakatawa yon Justin?! Eh kung Sarguhin ko kaya ang mga mukha niyo?! Ang tindi niyong mag imagine eh no! Bat di kaya kayo maging writer? Tapos itong Justin na to ang mag-direct?!" sabi ko at nagtawanan naman sila.

"Hahaha! Oh siya sige na! Napipikon ka naman agad eh!" sabi ni Pablo.

"Wow ha! Ate Chona! Coming from you?! Nakakahiya sa Patience mo ha!".

"Hahaha! Basta bumalik ka rin agad! Marami tayong naka schedule na engagements next month. Tsaka syempre huwag mong kakalimutan ang pasalubong namin ha?"

"Yelo! papasalubungan ko na lang kayo ng Yelo! Tutal Winter naman dun ngayon! Diyan na nga kayo!" sabi ko sabay umalis na.

Nang makarating ako sa sasakyan ay naghihintay na sa akin si James at si Xi-Ann.

"Anong oras flight mo bukas Stell?" tanong ni James sa akin.

"Hmm. Mga 8am."

"Kelan ang balik mo?" tanong naman ni Xi-Ann. Napalingon naman ako mula sa Driver seat. "Uwi agad? haha, di pa nga ako nakakarating doon, pauuwiin mo na agad ako! Mami-miss mo lang ako eh...Ayiiieee...". pang-aasar ko rito.

The Substitute StarWhere stories live. Discover now