6: PABLO's BIRTHDAY

29 4 6
                                    

VELLE POV

"DIPAPHY HARTBY PINUNO!" Nagulat kami sa surprise ng Staff at Crew pati na rin ng iba naming mga kakilala at kaibigan nang makapasok kami sa Dance studio. Katatapos lang ng meeting namin

"Birthday mo, Paulo?" Tanong ko. Wala akong idea na birthday niya pala ngayon.

"Hahaha, Joke ba yan Stell?" Natatawang tanong ni Jah. Siguro nagtataka sila kung bakit hindi ko naalala na birthday ngayon ni Pablo.

"Asus, kunyari lang yan eh, silang tatlo binati na ako kanina pa, ikaw simula pa kaninang umaga hindi mo pa ko binati, may surprise ka sakin no?" Umaasang tanong ni Pablo sa akin.

"H-Ha?"

"Ilabas mo na yung regalo mo!" Pangangatyaw ni Josh.

"Oo nga." Segunda pa ni Ken

"Ikaw na lang ang hindi nagreregalo kay Pablo." Sabi naman ni Justin.

"Naku, impossibleng nakalimutan mo Stell na birthday ni Pablo ngayon, kaya kung wala kang regalo at sasabihing nakalimutan mo talaga ang birthday niya, iisipin namin na ibang tao ka." Sabi naman ni Yani na nasa gilid.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ako magpapalusot.

"Ahm... Ano kasi eh--- ahm." Nag-iisip ako ng biglang humahangos na dumating si James kasama si Xi-Ann.

"Stell! Ito na yung surprise gift mo para kay Pa--- ay! Huli na ba kami? Happy Birthday Pau!" Buti na lang at Biglang dumating si James at tumingin ng makahulugan sa akin..

"Nagtext kami sayo ate,diba? Di mo narecieve?" Pabulong na tanong sa akin ni James habang inaabot sa akin ang paper bag.

"Hindi ko pa nachecheck ang phone ko " bulong ko naman.

"Ayun naman pala, meron. Akala namin wala eh."

"Oh. Happy Birthday." Sabi ko kay Pablo nang iabot ko sa kaniya ang paperbag.

"Salamat, haha parang napipilitan ka lang eh,haha! Ano ba to?"

"Ha?! Eh..." Sumulyap ako kay James para tanungin kung ano ba yung laman ng regalo.

"Syempre aalamin mo! Buksan mo kaya! , kaya nga surprise diba! Pambihira ka naman Pablo! Di sana sinabi mo di ko na lang yan binalot." Gusto kong ma-proud sa sarili ko dahil unti unti ko nang nagagaya ang paraan ng pambabara ni Vester sa mga kaibigan niya

"Hahahah, oo nga naman!"

"Ano ba--- Teka, Customize Microphone?! Stell naman! Alam mong ayokong nireregaluhan ako ng ganito diba? Masyadong mahal to!" Medyo nagulat ako sa naging reaksyon ni Pablo.

Napansin ko rin na natigilan sina Justin,Ken at Josh,aging sila ay hindi makapaniwala sa laman ng paperbag na ibinigay ko kay Pablo.

Masama ko namang tinignan si James dahil ako mismo ay hindi alam ang sasabihin ko.

"A-Ah! Hahaha! Paulo naman! Ano ka ba, wag kang .mag aalala kasi.... N-Natawaran ko yan. Oo tama! Natawaran ko yan kaya hindi naman yan ganun kamahal hahaha! Mura lang yan, maniwala ka. Haha"

"Ehhh??" -Justin

"San mo ba yan binili? Sa Divisoria?haha!" Natatawang tanong ni Ken.

"O sa Surplas? Hahaha!" Banat naman ni Josh. Kaya alalong nagtawanan ang mga tao rito.

"Pero Stell kahit na---" magsasalita pa sana si Pabalo pero pinigilan ko na siya.

The Substitute StarWhere stories live. Discover now