7: JOSH's INSTINCT

53 6 7
                                    

VELLE POV

Sa mga sumunod na araw ang naging madali na lamang para sa akin ang pagpapanggap bilang si Stell. Sa ilang linggo kasi na ganito ang lagi kong ginagawa ay unti-unti na rin akong nasasanay.

Sinisikap ko na matutunan ng mabilis ang mga dance steps na ititinuturo sa amin, Napag alaman ko kasi kina James at Xi-Ann na sa five boys ay si Stell at si Ken ang mabilis maka pick up ng Steps.

Nasasanay na rin ako sa Voice Range ni Stell. Nung una ay medyo nahihirapan ako dahil nahahalata na babae ang boses ko. Pero sa paglipas ng araw ay napag-aaralan ko na kung paano control-in ang boses ko.

Habang nagda-dance practice kami isang araw para sa Upcoming Guesting namin ay biglang dumating si Yani sa Practice Room.

''Guys, i-inform ko lang kayo ha, may kaunting pagbabago sa wardrobe niyo for tommorow.'' sabi nito. May interview guesting kasi kami sa isang beach resort sa Palawan.

''You need to wear a sando and Summer Shorts kasi may portion doon na maglalaro kayo.''

''Naku po, yari! Ang tiyan ni Pablo!'' nag-alalang sabi ni Pablo.

''Naku naman, si Ken, Josh at Stell lang naman ang dapat nagsasando eh, iyang tatlo iyan ang batak sa gym eh!'' sabi ni Justin.

''Lalo na yung broad shoulder ni Stell, diba Stell?'' nakakalokong tanong sa akin ni Josh habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

''Kaya mo rin naman mag-topless diba, Stell." sabi naman ni Ken. Hindi ko maipaliwanag pero may kaba akong nararamdaman sa tingin na iyon sa akin ni Josh. Pero hindi ko ma-explain.

''H-Ha?! haha! required bang m-mag t-topless? I-I mean k-kasi ano eh ahm---''

''Bakit Stell, may problema ba?'' tanong sa akin ni Pablo. Dumagdag sa kaba ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin. ''Bakitt? baka may itinatago ka?''

''A-Ahm, w-wala naman. k-kaya lang kasi, medyo hindi na ako nakakapag gym ngayon, m-medyo tinatamad akong magpunta sa gym ngayon. K-Kaya baka h-hindi a-ako magkakapag-topless.." Palusot na sabi ko.

Hindi ko alam kung bakit parang nag iba ang pakiramdam ko sa kwartong ito. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang kinikilatis ako.

''Haha! Bakit parang namumutla ka? Kalma, kami lang to, bakit ba parang kinakabahan ka kasi.....Stell?'' ayun na naman ang sarcastic way na pagkakabanggit ni Josh sa pangalan ko.

''Ahm, hahaha! wala lang, baka gutom lang ako. Kayo naman kahit naman siguro kayo diba mamumutla rin kayo kapag nagugutom na. Hahaha!'' natatawang sabi ko. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko sa mga nangyayari.

-------

"Ate Velle, malaking malaki ang pagkakahawig mo kay Stell, pero hindi sa body figure niya." sabi ni Xi-Ann. Iniisip namin kung paano namin susulusyunan ang problemang ito

"Grabe naman, hindi na natapos yung mga problema natin, hindi ba pwedeng makisama ang universe sa mga nangyayari, until maging ayos ang lahat? Ate Velle, nagagawa mong itago yung babae mong katawan sa malalaking damit pero hindi na ngayon, Ate Velle! Take note ha, pinagta-topless ka pa!" nagpapanic na sabi ni James.

"Anong gagawin natin? Sino ba naman kasi ang nakaisip na ipabago pa yung concept ng susuotin eh, namomroblema tuloy tayo." Reklamo ni Xi-Ann. Nasa ganoong sitwasyon kami ng biglang sumulpot si Josh.

"Anong nangyayari dito? May problema ba?" Seryosong tanong ni Josh habang nagpapalipat lipat ng tingin sa aming tatlo.

"W-Wala naman, Josh---"

The Substitute StarWhere stories live. Discover now