Starvelle 's POV
Huminga muna ako ng malalim. Nakaharap ako ngayon sa salamin at may hawak hawak akong gunting.
"Wala na 'tong atrasan,Starvelle. Para kay Stell. Kaya mo to." Pagkausap ko sa sarili ko. Desidido na akong umpisahan ang paggupit sa buhok ko ng biglang kumatok si Mama sa pintuan ng CR dito sa kwarto ni Stell sa Ospital.
"Velle, anak?" Pagbukas ni Mama. Tinignan ko naman siya mula sa repleksyon sa salamin. Kahit na kinausap ko na si Mama tungkol dito at bakas pa rin sa mga mata niya at pag-aalala niya sa balak kong gawin.
"Ma....." Hinawakan ko ang kamay niya at lumabas ng pinto. "Wag ka nang umiyak diyan, ako pa rin naman si Starvelle eh, magpapanggap lang ako bilang si Stell, wag ka nang mag-alala sakin Ma." Sabi ko at niyakap ko siya.
"Anak, hindi mo naman maiiwasan na matakot ako para sayo, tignan mo nga ang kapatid mo, walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising, natatakot lang ako na baka mangyari din sa iyo ang nangyari sa kakambal mo-----" magsasalita pa sana si Mama pero pinutol ko ang sasabihin niya.
"Ma, wala pong mangyayari sa aking masama. Promise.Iingatan ko po ang sarili ko. At isa pa, kasama ko naman sina James at Xi-Ann eh."sabi ko kay Mama at ibinigay ko sa kanya ang gunting.
"Ma, ikaw na lang ang maggupit sa akin, dapat kapareho po ng buhok ni Vester ha?" sabi ko at ngiinitian siya. Nakita ko naman napangiti rin si Mama.-----------------------
"Ay Oh! Hala! Ate Velle! I-Ikaw na ba talaga yan?" hindi makapaniwalang tanong ni James. Gulat na gulat siya sa nakita niyang hitsura ko ngayon. Maski ako rin naman ay nagulat na kaya ko pala talagang maging si Stellvester! Napatingin tuloy ako kay Stell na nakahiga sa Hospital Bed at pakiramdam koay para akong nanalamin dahil magkaparehong-magkapareho kami ngayong nagpakulay na rin ako ng buhok!
"Grabe, Ate, kamukhang kamukha mo na talaga siya." sabi ni Xi-Ann. Napansin namin na medyo naluluha-luha si Xi habang nakatingin siya sa akin.
"Uy, Xi-Ann! Ano't umiiyak iyak ka diyan? Masyado naman tong emotional eh, gigising rin yan si Stell kaya isave mo na lang yang luha mo, para sa tears of joy mo pag nagising na siya. Kaloka ka." sabi sa kanya ni James.
"So since, next week ay babalik ka na sa Pilipinas bilang si Stell, wala na tayong ibang oras para magprepare pa, kaya ngayon na natin gawin ang discussion natin." sabi ni James.
Inilabas niya ang laptop niya at iniharap ito sa akin. Nandito kaming lahat kasama si Mama at si Papa.
Ngayon ay isa isang ipapakilala sa akin nina James at Xi-Ann ang mga taong possibleng makasama ko sa pagbabalik sa Pilipinas bilang si Stell.
"Una siyempre ang Boys, dahil sila ang lagi mong makasama. Hindi sapat na kilala mo lang sila as your groupmates, mahalaga rin na makilala mo sila bilang best of your friends. Let's start with....Josh Cullen."
"Siya ang eldest among your Group members. Tip number one, wag kang magpapatalo sa mga pangbabarda niya sayo." sabi ni James na medyo ikinalito ko naman.
YOU ARE READING
The Substitute Star
FanfictionStellvester Ajero one of the member of International, well known Filipino group SB19. But there is one thing that people don't know about. She has an identical twin sister, Starvelle Ajero a registered nurse that has based in Japan. Stell decided t...