10: PABLO's Weird Feeling

28 4 7
                                    

‎VELLE POV

‎"Ahm, i think kaya na namin ni Ken. Kami na lang siguro ang magda-dive sa tubig." Rinig naming sabi ni Josh. Gagawin kasi namin ngayon yung scene para sa MV ng I Want You.

‎"Actually lahat naman kayo ay magda dive talaga, tapos mamimili na lang--"agsasalita pa sana ang writer ng biglang putulin ni Josh ang pagsasalita nito.

‎"Pero kasi sinisipon yata si Stell eh, diba Stell?" Tingin sa akin ni Josh. Pilit niya kasing binabago at pinakikiusapan ang Writer at Producer na baguhin ang concept ng MV. The original plan was we should get dive under water, manipis lang ang shirt na suot namin, at once na mabasa yun malalaman at makikita nila ang bandage sa katawan ko.

"And may mga prior commitments kami this week kaya baka pwedeng i consider kasi baka magkasakit siya."

‎"Hmm.. infareness kay Josh ha, natutulungan niya tayo sa mga ganitong bagay.." sabi ni James at tsaka tumingin sa akin.

‎"Buti na lang talaga at nandiyan si Josh. hindi nga tayo nagkamali na sabihin sa kaniya ang totoo." Bulong naman ni Xi-Ann.

Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginagawa ito ni Josh. May pagkakataon siyang sabuhin ang totoo sa lahat pero mas pinili pa rin niyang manahimik. Nakakatawa lang na sinabi niyang hindi niya itotolerate ang tungkol sa pagpapanggap ko bilang si Stell, pero ngayon siya na mismo ang nagdadahilan para hindi mabuking king sino talaga ako.

‎"Ako na lang." Napatingin naman ang lahat kay Pablo. Pati ang ilan sa mga Staff ay nagkatinginan rin. Hindi nakatakas sa mga mata angmakahulugang tinginan nina Josh, Ken at Justin.

‎"Pero Pablo--"

‎"Kaya ko. Tsaka sandali lang naman diba?" Sabi ni Pablo.

‎"Pero thallasophobic ka." Nag-aalalang sabi naman ni Josh.

‎'Thallasophobic? May fear of underwater si Pablo?'

‎"Ano naman? Tsaka saglit lang naman yun eh,kaya ko yun kaya ako na lang---"

‎"Hindi. A-Ako na lang." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Bahala na.

‎"Wag na Stell." ani Pablo. "Wag nang matigas ang ulo mo, Ako na lang." Sabi niya at tsaka lumapit sa mga staff para mag umpisa nang ayusan siya.

‎"Sa tingin niyo kaya ni Paulo yan?" Tanong ni Ken habang nag aayos kami. Nakita namin na ino-orient si Pau sa gagawin niya.

‎"Oo naman, tsaka ang pinakabest way to deal with trauma is to face it. Your fears. Malay natin ma overcome na ni Paulo yung trauma niya sa ilalim ng tubig this time." Sabi ni Justin. Nagkatinginan kami ni Josh at nakita ko sa itsura niya ang pag aalala para kay Pablo. Siguro maging siya ay hindi kumbinsido sa gagawin ni Pablo.

‎"Ok,, and...Cut!" Que ni Justin na siyang director ng MV na ginagawa namin. "Ahon ka na Pau." Sabi niya. Pero nagkatinginan kaming apat dahil ilang beses ng tinatawag si Pablo pero hindi pa rin siya umaahon!

‎"Pau? " Lumapit kaming lahat sa pool para hanapin si Pablo.

"Pablo? PAU!" Tawag sa kaniya ni Josh.

The Substitute StarWhere stories live. Discover now