9: SOMETHING IS WEIRD

64 4 5
                                    

THIRD PERSON's POV

''Ano? Sigurado ka ba diyan?'' tanong ni Ethan Park sa isang tauhan niya.

''Yes Boss ang totoo ilang buwan ko nang minamanmanan ang bahay ng kamag-anak ni Stell Ajero dito sa Japan. At napansin ko na palagi silang umaalis at isang lugar lang ang pinupuntahan nila.'' sabi ng tauhan niya. Kasalukuyang pinanonood ngayon ni Ethan Park ang recent interview ng SB19 sa isang talk show havang kauaap sa kabilang linya ang tauhan niya.

''Saan?''

''Sa Isang Ospital, Boss.'' sagot nito.

''Ospital?'''

"Yes Boss. Dito sa Nagoya University Hospital.''

''Sige ituloy mo lang ang ginagawa mo, sigraduhin mo na mabalitaan mo ako sa susunod na tawag ko sayo.'' bilin niya rito bago tuluyang patayin ang tawag.

Pinanonood ni Ethan Park ang interview ng Boys. Wala siyang ibang maramdaman kundi galit at inis. Dahil sa kabila ng plinano niya, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga taong minsan niyang naging mga alaga.

''Hindi pa tayo tapos Boys, dahil nag-uumpisa pa lang tayo.''

------

VELLE's POV

Linggo ngayon at wala kaming pasok, pero hindi kami makalabas at hindi namin magawa ang gusto namin dahil kailangan naming mag stay lang rito sa safehouse. Nasa sala silang lahat habang ako naman ay nandito lang sa kwarto at naglilinis.

Nagdecide akong lumabas para magluto na ng lunch ng maabutan ko silang nanonood ng movie sa may sala.

''Stell! Strawberry Frappe!'' salubong sa akin ni Justin ng makalabas ako ng kwarto inabot niya sa akin ang Strawberry Frappe na galing sa Starbucks.

''Nagpadeliver kami, at alam ko iyan ang favorite mo kaya iyan na lang ang in-order ko.'' sabi niya at tsaka nginitian ako. Nagdadalawang isip akong kung tatanggapin ko ba o hindi ang alok sa akin ni Jah. Pero nakita kong nakatingin sa akin sina Pablo at Ken at hinihintay na kunin ko ang inaalok ni Justin sa akin.

''Sandali----Oy!'' biglang lumabas si Josh na walang damit pang-itaas mula sa kwarto nila at ng makita niya ako ay dali dali niyang sinuot ang damit niya na nakasabit sa balikat niya.

'Napapano 'to?'

''Ákin na lang iyang Strawberry Frappe!'' sabi ni Josh at hinablot ang drink sa kamay ni Justin at tsaka tumingin sa akin.

''Ha?! Eh kay Stell yan! Yung Matcha ang order mo diba---''

''Ayoko na nun! nagbago bigla ang isip ko, Strawberry Frappe na lang pala sakin.'' palusot na sabi ni Josh. Alam ko na kinuha niya iyon para hindi ko mainom dahil alam niya na allegic ako doon.

''Ang gulo mo naman, oh siya ito na lang Stell, Strawberries. pinadala iyan ni Mama para sayo daw.'' sabay abot naman sa akin ni Justin ng isang tupperware na punong-puno ng strawberries. Kukunin ko na sana ng biglang may kamay na kumuha doon. Si Ken.

''Penge ako. Parang gusto kong mag-shake ng Strawberry.'' sabi ni Ken at walang emosyon na nagpunta sa kitchen.

''Ehhh? Para kay Stell yan eh! Ano ba kayo?!'' parang naguguluhan sabi ni Jah, Ang totoo ako rin naguguluhan na.

The Substitute StarWhere stories live. Discover now