A/N: EYYYYYY!! Ngayon ko lang ito na upload, Sorry po dahil naka focus kasi ako last week sa 'How To Love Again,Teacher Ali'..Im really thankful, and grateful sa mga nagbibigay ng support sa mga stories ko sa Tiktok. Hopefully one day, magkaroon din ako ng marami followers dito sa Wattpad.🙏
Hope you enjoy the Update.😊🤗
-bbmariatinnie
VELLE's POV
"Hahahaha! Kaya hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon Single ka pa! hahaha!" natatawang sabi ni Vester habang kumakain ng noodles.
"Ang yabang mo naman!" sabi ko rito. "Bakit ikaw may Girlfriend ka na ba ha?"
"Haha! Ako pa ba? Marami ako nun noh! Hindi ka ba nanunuod ng mga interviews ko?? In relationship ako with A'tin kaya marami akong girlfriend! Hahaha!" napairap na lang ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko. Siya nga pala ang tinaguriang Pambansang boyfriend ng A'tin. Pero curious talaga ako kung may nagugustuhan na itong loko lokong to.
"Pero seryoso, as in yung nagugustuhan mo talaga, wala pa? o ayaw mo lang aminin ha?" pagpipilit ko rito. Bigla naman siyang natigilan at biglang nagseryoso ang mukha nito.
"Yung totoo? Meron naman....sana.. kaya lang kasi.. feeling ko, hanggang kaibigan lang ang tingin niya sakin eh." sabi nito tsaka kumuha ng tempura para kainin ito. "Siguro may kailangan pa akong patunayan sa kanya." sabi niya. Likas na masayahin talaga itong si Vester, pero ako bilang kambal niya alam ko na sa mga sinabi ay may lingkot sa puso niya na hindi ko maipaliwanag.
"Hmm.. Ipapakilala mo nga sa akin. May picture ka ba diyan? Patingin nga nang makilatis ko." sabi ko rito.
"Hmm...Picture? wait. Meron siyempre." sabi niya aat tsaka kinuha ang cellphone bago tuluyang tumitig sa akin. "Pero hindi ko ipapakikita sayo!"
"Araaay!" pinisil na naman kasi niya ang ilong ko.Yan ang lagi niyang ginagawa para inisin ako.
"May Duty ka ba bukas?" tanong niya sakin habang kumakain pa rin ng strawberries.
"Meron. 16 Hrs akong duty bukas.Bakit?" tanong ko sa kanya habang nagsuot ng ng facemask. Alergic kasi ako sa Strawberries. Yun ang pinagkaiba naming dalawa ni Stell, Favorite niya ang Strawberries, samantalang ako ay allegic sa prutas na iyon.
"Wala naman... Bat kasi nagprepare ka ng strawberry eh! Gagala sana ako bukas, kaya lang kung naka duty ka, ako na lang."
"Syempre favorite mo yan diba? Hindi ba pwedeng sa susunod na araw ka na lang gumala. Day Off ko nun. Magpahinga ka na lang bukas." sabi ko sa kanya. Alam kong hindi rin naman siya makikinig sa akin dahil sadyang napakalakwatsero nito.
"Nako, alam mo naman ayokong napipirmi ako sa bahay, tsaka sayang ang araw Bal, okay lang, ako na lang ang gagala bukas, tapos sa Off mo gagala ulit tayo." sabi nito at nginitian pa ako.
Nasa ganoon kaming sitwasyon na parang naramdaman kong may taong nakatingin sa amin mula sa labas.
"Bakit Ate? Anong meron?" tanong sa akin ni Vester nang mapansin niyang pilit kong inaaninag kung may tao sa labas
"H-Ha?! Ah-eh, para kasing may tao sa labas eh" sabi ko habang hindi pa rin maialis ang tingin sa labas ng pinto.
"Nako naman! tinatakot mo lang ang sarili mo eh! Wala yan! baka guni guni mo lang yun!" sabi ni Stell na tulpy pa rin sa pagkain niya. Hinayaan ko na lang yun dahil gaya ng sabi ng kambal ko, baka guni guni ko nga lang iyon.
YOU ARE READING
The Substitute Star
FanfictionStellvester Ajero one of the member of International, well known Filipino group SB19. But there is one thing that people don't know about. She has an identical twin sister, Starvelle Ajero a registered nurse that has based in Japan. Stell decided t...