Napabalikwas kami ng may biglang may kumatok sa pintuan ng kotse. Dali-dali kaming napaayos ng sarili. Pagkatapos mag-ayos ay lumabas naman siya ng kotse upang tingnan kung sino yun.
"Sir Xy, nakalimutan niyo po yung phone nyo sa counter. Mabuti't ako kaagad ang nakita nito sir." rinig kong ani nung kumatok. Bar tender pala dun sa counter dahil naaninag ko siya mula sa salamin.
'Kaclose niya siguro kaya kilala siya. Aish! Anong pake ko sa kanila! Aaminin ko sa sarili kong nabitin ako pero nakakahiya jusko!' Pagkausap ko sa sarili.
"Sige salamat." At pumasok na siya sa loob ng kotse.
Nagkatinginan lang kami sa isa't isa. Hindi malaman kung itutuloy pa ba namin.
"Miss shall we continue?"
Hindi ko siya sinagot. Iniisip ko nalang na baka makilala niya pa ako kung magtatagal pa ako sa loob ng kanyang kotse.
Dahan dahan siyang lumapit saking mukha.
Akmang hahalikan niya ulit ako ngunit kaagad ko siyang naitulak pabalik sa kanyang kinauupuan.
Mabilis akong gumalaw upang makalabas at tumakbo papunta sa kotse ko.
"Miss wait!" Lasing na sigaw niya pa.
Mukhang pipigilan pa niya ako kaso mabilis akong nakalayo at nakatago sa loob ng kotse ko.
"Tang-ina Tawney! Bat ka nagpadala sa kanya!" Panenermon ko pa sa aking sarili.
Imbis na pakaisipin ay pinaandar ko nalang ang kotse para umuwi na sa bahay. Natanggal kalasingan ko dahil sa mga nangyari. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang gawin iyon sakin. Inaamin ko na may parte sa aking katawan na nagustuhan ko naman yun pero tangina client ko yun e.
"Ang rupok mo talaga self! Sana lang talaga di ka niya nakilala." Sigaw ko pagkarating sa kwarto ko.
Nag-chat ako kina Chase na nakauwi na ako. Quarter to 11 na rin nung makarating ako sa bahay. Alam kong tulog na sina Mama kaya di ko na sila inabala pa.
Agad akong tumungo sa banyo upang linisin ang sarili at makapagpalit na ng damit. Ramdam ko pa rin ang pagkahilo at susuka suka akong lumapit sa banyo.
Matapos magpunas ay nahiga na ako sa kama at pinilit na makatulog ngunit patuloy kong naiisip ang mga halik ni Sir Xyrus.Pilit kong winaksi iyon sa aking isipan ngunit patuloy pa ring naiisip yon. Nakakairita! Naisip kong libangin nalang ang sarili sa pagbabasa ng nobela ni KIB.
Nakakailang kabanata palang ako pero naboboryo na rin ako sa pagbabasa. Hindi pa rin ako antok kaya't naisipan kong magtimpla nalang ng gatas at tumambay nalang muna sa maliit na balkonahe ng aking kwarto.
Binuksan ko ang sliding door at umupo sa abakang duyan. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa kalangitan. Nagniningning sa ganda.
Bawat kislap ay para bang nagpapahiwatig na, 'andito lang kami lagi, di ka namin iiwan.' Bahagya akong napapakalma tuwing tumitingin ako sa dito.
BINABASA MO ANG
Under Starry Nights
Mystery / ThrillerA woman of gratitude. That's how they knew Tawney Svetlana Zielle, but they had no idea that she was hiding a terrible secret from everyone. She's kind, cheerful, and compassionate. She has been pretending to everyone her entire life. However, th...