Papunta ako sa parking lot ng may tumawag saking pangalan sa di kalayuan.
"Tawtaw! Ikaw ba yan?!" she said.
I was shocked. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko agad kung saan nanggagaling yung boses. But sadly, I can't remember her name.
With a confused look I ask her, "What?"
"Grabe parang walang pinagsamahan, ang cold ha... The rumors were true, nakabalik ka na talaga. After years, bigla ka nalang uli nagpakita dito satin. How are you? Nagulat talaga ako na makita ka dito Taw. Anyways, I was gonna ask you kung saan ka nanggaling? Bat bigla ka nga bang nawala before our graduation? You know i missed you a lot." mahabang sabi nung babae at mahigpit nya akong niyakap kaya't bahagya ko siyang tinulak papalayo sakin.
Jusko! Nakakarindi! Andaming tanong tss.
"Eh really? I can't remember who you are. Di ko alam kung nangangamusta ka ba talaga. The fuck. Kita mo naman na okay na okay ako oh tss..." At dali-dali akong tumalikod upang tumakbo.
"Taw sandali! Sorry! Saglit lang──" May mga sinambit pa siyang mga salita ngunit di ko na pinakinggan pa.
Kilala ko siya pero kailangan ko muna siyang maiwasan sa ngayon. Mag-antay ka lang Chandra. Magagamit rin kita sa mga plano ko.
Tumakbo ako ng mabilis para makarating kaagad sa kinaroroonan ng kotse ko. Laking pasasalamat ko't hindi nya ako hinabol pa hanggang dito.
Unti unti pumatak ang mga luha ko nang maalala ang mga nangyari noon.
Anim na taon na rin ang lumipas ngunit patuloy pa rin akong hinahabol ng nakaraan ko.
Wala pa ring nagbago, masakit pa rin talagang maalala yung mga paghihirap na naranasan ko. Isa si Chandra Levy sa nagpahirap sa buhay ko.
Muntik ko nang makalimutan, may dapat pala akong puntahan. Tiningnan ko ang relo at 9:33 am na pala.
"Shit! Shit! Mal-late na'ko sa flight nina mama kung iiyak lang ako dito! Argh! Ano ba yan! 10:30 am pa naman ang alis nila. Baka di ako makaabot kung di ko bibilisan. Malayu-layo pa naman ang airport dito. Letcheng babae yun. Feeling close." Bulong ko pa sa aking sarili.
Mabilis kong pinatakbo ang kotse sa daan. Nasa gitna pa naman ako ng highway kaya bumubusina ako sa mga sasakyan sa unahan ko kaso muntikan pa akong makabunggo ng motor, buti nalang nakontrol ko kaagad.
Ang bingi din kasi kanina pa ako busina ng busina mas lalo pang pumagitna ang tanga. Buti nalang talaga di ko siya naabot.
Halos paliparin ko na ang kotse sa pagmamadali. Mabuti't walang traffic ngayong araw.
Thanks God, I arrived safely at the airport. I checked my watch again, it's 10:13 am now.
Pagka-park ng kotse ay bumaba kaagad ako at hinanap sina Mama. I was relieved when I saw them at the waiting area.
"Ma! Pa! I'm here!" I shouted. Napalingon nga sakin sina mama kaso bumaling naman sakin ang mga tingin ng ibang pasahero.
Shit! Nakakahiya.
Tumakbo ako ng mabilis papunta kina mama.
"I'm sorry Mom, Dad! Damn it. Meron kasing ipis na lumapit sakin kanina kaya ako na-late. Ang ingay nya po, feeling close hays. Nabwebwesit pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Tapos dumagdag pa yung binging driver ng motor sa daan kanina, ang gago e, binubusenahan na nga ayaw pang tumabi tss. Lalo pa syang pumagitna mabuti't di ko sya nasagi e. Uh yah, muntik ko na pong makalimutan, ito na po yung pinapabili nyo saking food. Gutom na po ba kayo? Sorry po talaga kung natagalan ako." Tuloy tuloy kong sabi.
BINABASA MO ANG
Under Starry Nights
Misterio / SuspensoA woman of gratitude. That's how they knew Tawney Svetlana Zielle, but they had no idea that she was hiding a terrible secret from everyone. She's kind, cheerful, and compassionate. She has been pretending to everyone her entire life. However, th...