Pagkapasok ng bahay, nagulat ako dahil nag aantay si Mama sakin sa dining table kaya't agad ko siyang nilapitan.
"Sorry Ma, na-late ako ng uwi. Napa-enjoy po ako sa sketch e hehe." Nagmano at nag-kiss muna ako sa pisngi ni Mama bago umupo.
"Okay lang yun nak. Kamusta sa kampanya? Mukhang nag e-enjoy ka talaga ah."
"Okay naman Ma. Wala naman pong masyadong problema."
"That's good to know then. Let's eat! Manang sumabay ka nalang sa amin pagkatapos mo mailapag yung mga pagkain."
"Si Papa po?" sabi ko habang nakatingin kay Mama.
"Nakatulog na, alam mo naman yung mga effects ng gamot niya."
Tiningnan ko ang mga nakahain sa lamesa. Mayroong potato salad, adobo at tinolang manok.
"Ackkkkkkkk! Yung paborito kong tinolang manok! Ikaw nagluto nito Ma?" Masaya kong sabi habang naglalagay na ng pagkain sa plato ko.
"Oo neyney, marami yang papaya at dahon ng sili!"
'Mukhang mapaparami kain ko ngayon haha!' Isip isip ko.
"Salamat Ma! Ansarap niyo po talaga magluto hihi!"
"Dahan dahan lang kumain neyney, baka mabulunan ka."
Tumango nalang ako kay Mama bilang pagsang-ayon. Naalala ko na may pupuntahan pa pala ako bukas at kailangan ko yung ipaalam kay Mama.
Pero bago yun inubos ko muna lahat ng pagkain na nakalagay sa pinggan ko. Food is life kaya pero maintained ko naman weight ko kaya di ako gaanong tumataba.
Makalipas ang ilang minuto ay naubos ko na ang pagkain. Inabutan naman ako ni Manang ng tubig kayat agaran ko naman iyong ininom.
"Ma may pupuntahan po kami ng team ko bukas. Sa Sta. Maria po iyon kaya malayo layo po yung byahe."
"Abay ang layo naman nak. Anong gagawin nyo run?"
"Sisimulan na po kasi namin yung pinapagawa ni Mr. Lavestra kaya po kailangan po nila ako doon."
"Mag-iingat ka anak ha? Dahan lang sa pag-drive."
"Opo Ma." Tumayo ako't humalik sa pisngi nya. "Matutulog nako Ma, maaga pa po kasi ako bukas. Good night po!"
"Good night neyney!"
Hinalikan niya rin ako sa pisngi at sinenyasan na mauna na sa taas. Nakita ko na niligpit na nila ni Manang ang hapagkainan bago ako tumungo sa kwarto ko sa itaas.
May sarili naman sana akong bahay na maliit kaso mas gusto kong nakikita ko sina Mama para kampante ang loob ko. Mas masaya kaya na naaalagan mo magulang mo.
Pagkarating sa kwarto ay nahiga kaagad ako sa kama at pinikit ang aking mata. Hindi ako makatulog dahil sa kabang nararamdaman ko para bukas. Jusko nahihiya tuloy akong pumunta roon dahil sa nangyari kagabi. Sana talaga di niya ako nakilala at di niya maalala yun.
Iwinaksi ko sa aking isipan ang nangyari at pinaghanda ko nalang yung mga gamit na kailangan doon para di na rin ako mag abala pa bukas. Mahirap kaya mag rush no!
Kinabukasan ay naghilamos kaagad ako pagkagising habang pinapaiinit ko pa yung shower. Naghanda na ako ng susuotin sa kama bago maligo dahil mainit na rin naman yung tubig.
Masakitin kasi akong babae kaya kailangan kong mag init talaga ng pampaligo ko araw araw. Dati si Manang pa naghahanda nito kaso tumatanda na rin siya kaya sinabi ko na yung mga magagaan na gawain nalang muna ang gawin niya. Tutukan niya nalang sina Mama sa pag aalaga.
BINABASA MO ANG
Under Starry Nights
Gizem / GerilimA woman of gratitude. That's how they knew Tawney Svetlana Zielle, but they had no idea that she was hiding a terrible secret from everyone. She's kind, cheerful, and compassionate. She has been pretending to everyone her entire life. However, th...