Dumating na si Chase dala-dala ang lomi at tubig para aming tatlo.
"Thank you, Chase." I said and smiled genuinely.
"Oum yes welcome, anong sabi ni Doc tea?"
"Ok na daw si Mama."
"That's good then." Sambit niya sakin bago bumaling kay Mommy. "May nararamdaman po ba kayo tita?"
"Uhm wala naman, gutom lang."
"Ay tita ito na po yung lomi."
"Thanks."
Nagsimula na kaming kumain at pagkatapos ay pinainom ko na ng gamot si Mama bago natulog uli.
May kumatok sa pinto kaya't napabangon ako, 5:37 na ng umaga, kayat't pinagbuksan ko ng pinto yung kumatok, si Doc Chavez pala.
"Good morning Doc."
"Good morning miss. I'm gonna check Madam Arra again."
Tumango ako sa kanya at hinayaang lumapit siya kay Mommy. Chineck nya lahat bago nagsalita.
"Okay na po ang lagay ni Madam miss. Pwede na po kayong umuwi ngayong 6. Pero yung urine test po matatagalan pa, 1 pm nyo pa po pwede kunin."
"Sige Doc, salamat po."
Ginising ko na sila para maghanda ng umalis at umuwi kaagad. Pagkarating sa resort ay tulog pa sina Papa. 6:25 am palang naman kasi kaya maaga pa talaga.
"Chase wala kang pagsasabihan nito huh?"
"Bakit tea?"
"Baka magpanic sila especially si Papa pag nalaman niya to." Sabi ko sa kanya bago ihatid si Mama sa kwarto.
Pinatulog ko nalang uli si Mama sa kanyang kwarto para makaagpahinga pa siya.
Nag-decide na rin akong matulog sa kanyang tabi dahil tinatamad na akong pumunta pa sa kwarto ko.
Tanging gutom ang naramdaman ko pagkagising. Pasado alas nuebe na ng umaga ng ako'y magising. Kaagad kong ginising si Mama upang siya'y makakain na at makainom ng gamot. May sinat pa siya kaya kailangan niyang uminom pa.
"Ma?" Tawag ko sa kanya habang kumakatok sa kanyang pintuan. Pumasok nalang ako dahil di naman siya sumagot.
"Ma? Tara na po kain na po tayo at mag swimming." Gising ko sa kanya.
Saglit lang niyang dinilat ang kanyang mga mata bago bumalik uli sa pagtulog.
"Ma naman, tara na po"
"Hmm saglit" sagot niya naman sakin.
"Malilipasan po kayo ng gutom niyan Ma."
"Ito na neyney babangon na"
Hanggang mamayang hapon pa kami sa resort kaya't may swimming pa kami ngayong araw. Kaagad kaming nagbihis ni Mama ng swim suit bago pumunta sa kinaroroonan nina Papa.
Nandito pa rin ang iilang guests kaya't mararami rami pa ang tao. Kaagad kaming kumain ng iba't ibang seafood na hinanda ng mga staff para sa amin.
They prepared shrimp scampi, steamed lobster, crabs with garlic, clam soup, baked salmon, oyster bienville, grilled bangus at fried tilapia. May sinigang pa na lapu lapu at ubod ng sarap. Busog na busog ako sa dami ng nakain ko.
Di rin nila pinalagpas yung tirik with calamansi. Syempre si Papa na ang halos makaubos nun dahil sa sarap.
"Tara tea swimming?" aya sakin ni Adrienne.
"Nagpapatunaw pa ako tea, mauna na kayo. Susunod nalang ako."
"Antayin ka nalang namin tea para sabay sabay tayong maligo." Sabi naman ni Sam.
"Sige tea."
After 10 minutes ay nag-decide na akong hubarin ang top ko. Simpleng black aerie wrap one-piece swimsuit ang suot ko ngayon.
Inaya ko na silang maligo sa dagat bago sabay sabay kaming lumusom sa ilalim ng dagat. Malilim naman yung part na pinapaliguan namin kaya't di masyadong mainit.
"Ma tara na po, swimming tayo!"
Pag-aaya ko pa kay Mama na nakaupo pa sa cottage.
"Saglit lang nak!"
Kaagad niyang hinubad ang kanyang robe at dali daling lumusom din sa tubig. High waist bikini na kulay yellow ang suot ni Mama.
'Hays kahit 50s na siya ay litaw pa rin ang ganda niya.' Sabi ko sa aking isipan.
"Ang ganda talaga ng Mommy ko!" Proud na proud kong sabi. Ngumiti lang sakin si Mama at lumusom na sa tubig.
"Ansarap ng tubig!" Sabi ni Mommy pagkaahon.
"Natikman mo Ma?!" Pabiro ko namang saad sa kanya.
"Ewan ko sayo taw!" Sagot sakin ni Mama sabay mahinang kutus sa ulo ko.
"Ouch Ma ha... Masakit yun." pabirong sabi ko bago ko siya sinabuyan ng konting tubig dagat sa mukha.
"Ah ganun pala ha..." sabi ni Mama bago ako sabuyan ng tubig.
*splash, splash, splash*
Mabilis akong tumakbo papalayo kay Mama para hindi siya makaganti sa akin. Para kaming mga bata na nagsasabuyan ng tubig. Naghahabulan at nagkakantyawan. Tuwang tuwa naman si Papa na nanonood pala saming dalawa ni Mama.
Hays, kung andito pa si Papa ay ako nanaman kawawa nito sa kanilang dalawa. nakakamiss naman yung mga panahong nagagawa pa namin yun. Sana gumaling na si Papa.
Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Mama at pinagsasabuyan ako ng tubig. Hindi pa nakontento't kiniliti niya pa ang likurang bahagi ng aking leeg.
"Ma, tama na po hahaha" Sabi ko't pilit na kinikiliti rin siya sa kanyang tagiliran.
"Ikaw nauna kaya babawi talaga ako neyney hahahaha"
"Ah ganun po mhie ha..."
Mas kiniliti ko pa siya ng todo kaya't nabitawan niya ako ng tuluyan. Tumakbo kaagad ako papunta sa likod ni Papa at sumunod naman kaagad si Mama.
"Ma tama na po, napapagod na po ako..." Sabi ko na hingal na hingal sa paghinga. Tiningnan ako ni Mama ng may pag-aalala, kaagad siyang kumuha ng tubig at binigay yun sa akin ng makalapit na sa aking gawi.
"Napasobra ata ako ng gigil sayo nak, sorry..." At niyakap ako ng marahan.
Niyakap ko rin siya pabalik at sinabing okay lang yun.
Nang makabawi na ay lumangoy na uli kami ni Mama at nanatili pa sa tubig ng ilang minuto bago nag-decide na umahon na.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nag-ayang maglaro sina Chase ng volleyball. 11:27 na ng umaga kaya pwede pa akong sumali sa kanila.
Ilang minuto din akong nakipaglaro at nagpasyang umupo muna para magpahinga.
*Yo-hohoho, Yo-hohoho
Yo-hohoho, Yo-hohoho*Pag-ringtone ng aking cellphone. Tiningnan ko kung ano yun. Putcha muntik ko nang makalimutan yung blood test result ni Mama. Mabuti't nailagay ko agad sa reminders ng calendar ko at naschedule sa alarm.
Nagpaalam muna ako kay Papa na may pupuntahan ako kung sakaling hanapin man nila ako.
▁▂▃▄▆ ☾ ⋆*・゚⋆*:✧*⋆.*:✧:*⋆゚・*⋆☾ ▆▄▃▂▁
Author's Note: Don't forget to vote if your reading online(•3•)♡
BINABASA MO ANG
Under Starry Nights
Mystery / ThrillerA woman of gratitude. That's how they knew Tawney Svetlana Zielle, but they had no idea that she was hiding a terrible secret from everyone. She's kind, cheerful, and compassionate. She has been pretending to everyone her entire life. However, th...