Chapter 11

0 0 0
                                    

Kaagad akong nagbihis at tumungo na sa hospital. Saktong ala-una ng hapon ako nakarating at nagpasyang hanapin si Doc Chavez.

"Miss nurse, nasaan po si Doc Chavez?" Sabi ko paglapit sa counter area.

"Nasa office po Madam." Sagot niya sakin na may ngiti pa sa kanyang labi.

Kaagad akong nagpasalamat at tinungo ang daan papuntang opisina ni Doc.

"Good afternoon Doc, ready na po ba yung results?"

"Good afternoon Ms. Taw, ito po." 

Inabot niya sakin ang isang papel na nakalagay sa brown envelope. Kaagad ko namang tiningnan kung ano nga ba ang nakapagpahilo kay Mama.

"Thallium? What is this, Doc?" I questioned her as I scan through the results.

"It's a type of poison that is not immediately noticeable because of its tasteless and odorless appearance. Your Mom got exposed on it for almost one hour. Kaya nga she felt really dizzy inside the tub. Delikado yung lason nayon miss kaya't mabuti nga ay kaunting dosage lamang ang natanggap niya." 

"OMG! I knew thallium is one of the element in periodic table but I didn't know that it can be used as a poision.''

"Yes, you are correct Ms. Taw, but being exposed to it for an extended period of time is quite harmful. Luckily, konti lang yung na absorb ng katawan ni Madam."

Tumango tango ako sa kanyang sinabi.

"Mabuti nga po kaunting dose lang po eh! By the way, thank you so much Doc Chavez. Una na po ako, i have a lot to do pa po."

"It's my duty Miss Taw, your welcome. Ingat ka."

Binigyan ko na lamang sya ng ngiti at umalis na. While driving, I wonder where Mom was exposed to thallium.

Nakakapagtaka na siya lang ang naexpose dito kaya impossibleng nasa pagkain. Isa lang ang naiisip kong dahilan kung saan ito nanggaling, nasa room ni Mama for sure.

Kailangan kong ipaimbestiga to kay Bryan. Sabi ko sa aking isipan.

Pagkarating na pagkarating sa resort ay hinanap ko kaagad si Bryan. Pumunta ako sa room nila at kumatok. Pagkabukas ng pinto ay yung kakambal ni Bryan ang nandito kaya't tinanong ko kaagad siya.

"Tea asan kakambal mo?"

"Nasa duyan yun kanina, tingnan mo nalang tea kung andun pa siya." Antok niyang sabi sakin.

"Sige salamat." Sabi ko't tumalikod na.

Mabuti't nakita ko kaagad si Bryan sa duyan. Dahan dahan akong lumapit para sana gulatin siya kaso ako pa yung nagulat sa narinig ko.

"Alam kong andyan ka sa likod Taw, anong kailangan mo?"

"Hays ano ba yan, paano mo ba ako naririnig? Dahan dahan na nga akong naglakad Yhan e."

"Ano nga ulit trabaho ko tea?" seryoso niyang sabi.

"Police detective."

"Alam mo naman pala e. Ano kasi yun tea?" 

"Sungit. Oo na sasabihin ko na Yhan." Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita muli "Ganito kasi yun, naalala mo yung nag inuman tayo kagabi? Diba umalis ako para pumunta kay Mama?"

"Oh tapos?"

"Nadatnan kong walang malay si Mommy sa bathtub at inaapoy ng lagnat tapos dinala kaagad namin siya ni Chase sa ospital kagabi." Pabulong kong sabi sa kanya.

"Kaya pala di ko kayo mahagilap kagabi." Seryoso nanaman niyang ani.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo pero kasi hindi ko alam kung saan na-expose si Mama ng thallium Yhan. Kaya nais ko sanang imbestigahan mo ang kanyang kwarto ngayon. Nagkakatahan pa naman sila dun sa hall ngayon e."

"Thallium? Delikado yun ah. Teka bat sa kwarto?"

"Siya lang ang na-expose sa lason nayun tea kaya yung kwarto kaagad naisip ko."

"Tama ka imposibleng sa pagkain talaga dahil maapektuhan din tayo kung sakali. Siya sige kuhain ko muna mga gamit ko dun."

"Sige tea, salamat. Aantayin nalang kita, sasama ako sayo."

Tumango siya sa aking sinabi at bumalik na muna sa room nila. Nag-aantay ako sa labas ng pintuan ng kambal ng marinig kong nag-uusap sila.

"Bro, aanhin mo yan? Bat ka magdadala ng ganyan?" Rinig kong tanong ni Brian sa kanya.

Shit wag mong sabihin Bry. Kinakabahan kong sabi sa aking sarili at napapikit.

"Wala, gusto ko lang magpicture ng mga kakaibang halamang nakita ko dun sa likod. Matulog ka na nga diyan, ang pungay pa ng mata mo." Seryoso niyang ani kay Brian.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang marinig ko ang sinabi niya kay Bri.

"Oo na Bry, para ka talagang tatay." Natatawang sambit ni Brian sa kanya kaya't mahina rin akong napatawa dito sa labas.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may dala siyang camera. May ziplock at gloves rin para sa aming dalawa.

"Grabe lagi mo ba tong dala?" Nagtataka kong tanong sa kanya nang magsimula na kaming maglakad at agad naming tinungo ang kwarto para makapag-imbestiga kaagad siya.

Tanging tango lang ang kanyang responde sakin kaya di ko nalang siya kinulit.

Tamad talaga magsalita kahit kailan. Pahayag ko sa aking isipan.

"Diba sa bathtub mo siya nakita tea?" Kaagad niyang tanong sakin pagkarating sa kwarto.

"Oo." 

Pagkatapos ko sabihin yun ay agad niyang tinungo ang bathtub at nagmasid. Hindi pa nalinis kaagad ni Mama ang bathroom kaya may chance kaming mahanap kung saan na-expose si ng thallium. Maya-maya'y nagtanong ulit si  Bryan.

"Pagkagising ni Tita ano kaagad nireklamo niya?"

"Nahihilo siya pero sabi niya bago daw siya mawalan ng malay ay nahihilo na talaga siya."

"Naamoy o nakahalo sa liquid ang maaaring dahilan nito. Alam mo naman na hindi kaagad yun mapapansin diba?"

"Oo tea, sinabi sakin ni Doc Chavez."

"Impossible naman na galing sa resort na gamit yung magiging dahilan nito tea. Sa tingin ko sinadya talaga."

"Oums tama, puro gifts lang naman dinala namin dito kaya maaaring dun rin yun galing." sagot ko naman sa kanya. 

Nilibot ko ang aking paningin at kaagad napansin ang kandilang tunaw sa gilid ng bathtub. 

"Ito tea? Wala namang kandila sa mga bathroom nyo diba? Pede ba to?"

Tumango na lamang siya sa aking sinabi bago lumapit siya sa bandang gawi kung saan naroroon ang kandila at kinuha ito gamit ang dala dala niyang zip lock. Kinuha rin nya ang tubig, at rose petals sa loob ng tub.

Tiningnan niya rin ang airconditioner ng kwarto ngunit wala ring napansin na kakaiba dun. Kaagad nalang kaming lumabas at tumungo sa kwarto nila ni Brian. 

Pagkarating doon ay natutulog na ng mahimbing si Brian sa kama kaya't naitago ni Bryan ang mga nakalagay sa zip lock ng walang nakakakita. 

"Ikaw na bahala dyan tea, bukas nalang ako pupunta sa station nyo. Mauuna na ako salamat." Sabi ko't umalis kaagad ng kwarto nila.

Tinungo ko ang daan pabalik sa aking kwarto para mag-imis na ng gamit at natulog na muna.

Lumipas ang dalawang oras at nakarating na rin kami sa bahay. Kaagad kong kinamusta si Tiff sa kompanya. Napanatag ako't wala namang problemang nangyari doon. Pinili ko nalang na matulog uli sa aking kwarto dala na rin ng pagod.

▁▂▃▄▆ ☾ ⋆*・゚⋆*:✧*⋆.*:✧:*⋆゚・*⋆☾ ▆▄▃▂▁

Author's Note: Don't forget to vote if your reading online(⁠•3•⁠)⁠♡

Under Starry NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon