"Hmm... Ang bango naman nyan neyney." Biglang pagsulpot ni Mommy sa aking tabi.
Bahagya pa akong napahawak sa aking dibdib dahil sa pagkagulat na may nagsalita malapit sa aking likod. Pano ba naman malapit si Mommy sa bandang tenga ko kaya napataas talaga yung balikat ko dahil sa gulat.
"Ano ba yan My! Muntik ng humiwalay kaluluwa ko sa gulat!"
Napatawa nalang si Mommy sa aking sinambit bago siya nagsalita uli.
"Sorry na nak pero bat ang aga mong nakauwi ngayon?"
"Wala na po kasing masyadong gagawin sa kompanya Ma kaya po pinili ko nalang umuwi kaagad."
Tumango tango naman si Mommy sa aking sinabi habang tinitingnan ang niluluto ko.
"Gusto mo bang tikman mhie?"
"Sige nga nak para masabi kong pwede ka ng mag-asawa."
"Ma naman, wala pa yan sa isip ko!" Nanlalaking mata kong sabi sa kanya.
She chuckled before answering me. "Im aging neyney, i want a granddaughter as soon as possible but i know your not still ready."
"Awwww my Mommy is so cute. Time will come Mom and I'm just waiting." I answered honestly. "I'll give you a beautiful granddaughter like me Mom." I added.
Mom nodded and hugged me tight so i hugged her back. I immediately let go after seconds of clinging on Mom and gave her a spoon of adobo for her to taste.
Agad nyang kinuha sa akin ang kutsara na may sabaw at tinikman.
"Even the taste is excellent, neyney! You'll be a great wife and mother!"
I chuckled when i heard what she said.
"Of course Ma, kanino pa ba ako magmamana?"
"Sakin syempre." She genuinely smiled habang hinihimas ang buhok ko. "Actually, Im a little bit hungry already pero ang aga pa para maghapunan." Dagdag pa nya kaya agad akong tumingin sa orasan.
Nasa taas kasi ng pinto ng kusina yung orasan. Square shape ito na ang kulay ay black and gold. Butterfly naman ang desenyo nito kaya't cute itong tingnan.
"Hindi pa luto yung patatas Ma eh, tsaka 5:47 palang po." Sabi ko sa kanya na ikinatango niya nalang.
"Sya sige, akyat uli ako. Kakausapin ko lang Papa mo."
"Opo My."
Pagkaalis ni Mama ay ilang minuto pa akong nag-antay para maluto ang patatas. Kaagad akong pumunta sa aking kwarto ng makumpirmang luto na nga ito.
Nagbihis ako ng pambahay pagkapasok sa aking kwarto. Simpleng sando at shorts ang isinuot ko. At dahil maaga pa nga ay kinuha ko muna ang librong binasa ko nung isang araw. Hindi ko pa kasi ito tapos dahil naging busy din talaga.
Umupo na ako sa kama at nagsimulang magbasa. Hell University ni Knight In Black ang binabasa ko ngayon at nasa bandang kinikilala palang ni Zein si Ace ang binabasa ko.
Maya maya'y nag-ring ang cellphone ko sa bag. Naiinis akong tumayo dahil naputol ang pagbabasa ko. Habang nagbabasa ay sinagot ko iyon ng di tinitingnan kung sino ang caller.
"Hello Taw?" Sagot ng nasa kabilang linya.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko ng marinig ang boses ng isang lalaki na tila malungkot ang tono kung magsalita.
Nagtataka ako kung bakit ganun ang kanyang pananalita.
"Hello? Andyan ka ba Taw?" Sagot uli ng nasa kabilang linya.
Nag-loading pa ako at iniisip kung sino ang tumawag. Gulat akong napasara ng libro nang mapagtantong nabobosesan ko siya kaya't nagtataka kong sinilip ang pangalan ng caller at tama ang hinala ko. Siya ang tumatawag!
"Hala sorry Bri!" Nanlalaki kong mata na sagot ko sa kanya. "Nagbabasa kasi ako tea kaya di kita nasagot. Siya nga pala bat ka ba napatawag Brian?"
"Wala naman. Pero... Sana bisitahin mo naman yung resort ni Sir Xyrus. Malapit na kasi naming matapos tea. Bisita ka kung kailan ka free pero sana bukas o sa isang araw na, para makita mo na rin kaagad." Mahaba niyang lintanya.
Nahihimigan kong malungkot talaga ang tono ng kanyang pananalita kaya nagtataka ako sa kanyang inaasta.
"Ah sige, sige. Yun lang ba? Ang lungkot mo kasi pakinggan ngayon. May problema ka ba?" Nag-aalala kong tanong kay Brian.
Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Free ka ba taw? Inom naman tayo oh...""Sige ba, free naman ako ngayon tea, saan ba?" Tanong ko sa kanya.
"Kina Sam naman tayo tea! G?" Pilit nyang pagpapasigla sa kanyang boses.
"G ako dyan tea!"
"8 pm sharp ha? Yayayain ko rin naman sina Chase! Bye Taw!"
"Sige tea, Bye!"
Agad ko namang binaba ang tawag at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nasa kalagitnaan na ako na first time nakita ni Zein si Dark na siyang alagang pusa ni Raze.
Ilang minuto pa ang lumipas, napagpasyahan ko nang bumaba upang tumulong kay Manang sa paghanda ng hapunan.Nang matapos na kami ay sinabi ko na kay Manang na ako na ang aakyat sa kwarto nina Mama para sila'y tawagin.
"Ma, Pa, kain na po tayo." Malambing kong sambit sa kanila bago lumapit at nagmano.
"Sige nak." Sabay nilang sagot sa akin.
Inalalayan na namin si Papa mula sa pagkakahiga sa kama patungo sa kanyang wheelchair para umupo bago namin ibinaba sa kusina. Pagkatapos ay inalalayan muli namin siya na makaupo siya sa tifanny chair ng kusina bago kami nagkanya kanyang tumungo sa upuan.
Bale 10 ang upuan sa kusina, kahit lima lang kami sa loob ng bahay ay mahaba pa rin ang kinuhang lamesa nina Mama.
Nagsimula na akong magdasal para ma-bless ang aming pagkain. Yes, hindi man halata na nag-p-pray ako pero maka-Diyos naman ako no.
"Dear Lord, maraming salamat po sa mga biyayang ipinagkaloob nyo sa amin. Kahit na... Kaming lahat ay nagkakamali sa isip, salita, at gawa. Lagi kayong nandito upang kami'y patnubayan tungo sa tamang landas ng aming buhay. Pasensya na po sa mga bagay na nagagawa namin sa pang-araw-araw na buhay. Hinihiling ko po na basbasan mo po ang mga pagkain na nakahain ngayong gabi. Nawa'y magsilbi po itong lakas para sa amin. Gabayan nyo rin po kami sa isip, salita, at gawa Panginoon. Ito lamang po ang aming samo't dalangin sa tanging pangalan ni Hesus."
"Amen." Sabay-sabay naming sambit.
Nagsimula na kaming kumain at nag kwentuhan kami nina Mama kung anong nangyari ngayong araw. Hindi ko lang sinabi na pumunta ako sa station nina Bryan dahil baka ma-stress pa si Papa lalo kapag nalaman niya. Kahit si Manang ay di ko pinagsabihan tungkol don.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam ba ako sa kanilang aakyat na ako sa kwarto.
"Ma, Pa, una na po ako sa taas. Maliligo po ako sa kadahilanang... Nagyayaya po sina Brian na lumabas muna kami ngayong gabi." Magalang kong pagpaalam sa kanila bago bumaling sa gawi ni Alzir na siyang kasabay rin namin lagi sa pagkain. "Alz tulungan mo lang si Mama na akyatin sa kwarto si Papa. Salamat."
Tumango lang sakin si Alzir dahil di pa siya tapos kumain.
"Sige anak, ingat sa pag-drive ha?" Sabi ni Mama.
"Tsaka nak, wag masyadong marami ang inom." Paalala naman sakin ni Papa.
"Opo." Sagot ko bago magbeso sa kanila at tumungo na sa aking kwarto.
▁▂▃▄▆ ☾ ⋆*・゚⋆*:✧*⋆.*:✧:*⋆゚・*⋆☾ ▆▄▃▂▁
Author's Note: Don't forget to vote if your reading online(•3•)♡
BINABASA MO ANG
Under Starry Nights
Mystery / ThrillerA woman of gratitude. That's how they knew Tawney Svetlana Zielle, but they had no idea that she was hiding a terrible secret from everyone. She's kind, cheerful, and compassionate. She has been pretending to everyone her entire life. However, th...