Chapter 12

0 0 0
                                    

The following day, I went to the company to get the papers I needed. 

"Good morning, Madame." Bati ng mga employees na kasalubong ko. I just gave them small glance and smiled. I checked my employees works before going to my office.

I immediately did the ones I had to lay out by doing different home designs. Mabuti't puro mga modern house naman ang gusto ng mga client ko kaya't madali lang sa akin na gawin at tapusin kaagad.

Nang sumapit ang hapon ay kaagad akong nag-ayos upang pumunta sa office nina Bryan. Tapos na rin naman ako sa aking ginagawa kaya't wala nang saysay para manatili dito sa aking office.

Ilang minuto pa akong nagbyahe bago makarating sa police station na kinaroroonan ni Bryan. Kaagad akong bumaba sa kotse. May police na nakatayo sa may pintuan kaya't kaagad akong lumapit sa kanya at nagtanong.

"Good afternoon sir, is Officer Collins here?" 

"Good afternoon miss. Nasa office pa po siya ni Chief Castro. Paantay nalang po dyan sa upuan." sagot niya at tinuro ang couch sa loob.

Tumango ako sa kanyang sinabi at piniling i-text nalang siya na andito na ako gaya ng usapan namin kahapon. Naupo na ako sa couch at nag-antay sa kanya.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit di pa rin talaga siya lumalabas mula sa office kaya't naisipan kong libangin muna ang sarili sa pagbabasa ng isang storya dito sa aking cellphone.

Maya-maya pa'y dumating na siya sa harapan ko ng di ko namamalayan. Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya sa aking harapan kaya't muntikan ko pa siyang mabato ng aking cellphone. 

Sinalubong niya ako ng malamig na titig at pinasunod sa kanyang office desk.  Napakurap-kurap naman ako bago sumunod sa kanya.

"Bwesit ka Yhan, muntikan na akong atakihin sa puso." komento ko sa kanya pagkarating sa desk niya. Tinitigan niya lang ako ng masama bago umupo sa upuan niya. 

"Kasalanan ko bang focus na focus ka sa binabasa mo?" malamig niyang sabi sa akin.

"Che! Ang tagal mo kasi, bwesit nato." Sabi ko sa kanya at umupo na sa katapat niyang upuan kahit hindi niya pa ako pinauupo.

"Pinatawag ako e." sagot nya naman sakin at tinaasan pa ako ng kilay bago sinamaan ng tingin.

"Ang cold mo talaga tea." komento ko sa kanya at inirapan siya.

"Kailangan kasi tea." Pabulong niyang sabi sa akin at tinuro pa ang mga kasamahan niya sa labas.

Tumango nalang ako sa kanya na tila sumasang-ayon sa kanyang sinabi. Kahit na sa kaloob-looban ko'y natatawa talaga ako sa kanyang sinabi. Pinilit kong iwinaksi sa aking isipan ang mga katagang kanyang sinambit at piniling itanong nalang siya.

"Ehem... So kamusta yung mga nakuha natin sa bathtub tea? May results na ba?"

"Mukhang matatagalan pa tea." sagot ni Bryan sakin.

"Matalino ang nakaisip ng ganoong lason. Alam niyang matatagalan talaga tayo sa pag-imbestiga dahil mahirap nga talagang ma-detect ang ganun." Dugtong niya pa sa kanyang sinabi.

"May point ka tea..." Sagot ko naman sa kanya. "Pero ano naman ang motibo nila kay Mommy Yhan?" Dugtong ko at nag-isip-isip.

Umiling-iling nalang siya sa akin bilag sagot.

"Wala naman akong maalalang may ginawang masama si Mommy sa ibang tao kaya't nakakapagtaka na may gumawa nito sa kanya." Dugtong ko pa.

"Nagtataka rin ako tea e. Pwede naman kitang tulungan rito basta lagi kayong mag-ingat ni Tita." Sagot niya sakin.

"Sige, salamat tea. Una na ako ah?"

Umalis kaagad pagkatapos kong sabihin iyon.Naisipan kong dumiretso na pauwi dahil sa wala na rin naman akong gagawin sa kompanya.

Pagkarating sa bahay ay mag-aalas kwatro palang ng hapon, naisipan kong magluto nalang muna ng adobong manok para sa hapunan.

Naghuhugas ng plato si Manang  pagkapasok ko sa kusina.

"Oh iha, ang aga mo namang nakabalik ngayon." Sabi niya at bumaling sa gawi ko ng maramdaman niya ang aking presensya. 

Agad naman akong lumapit at nagmano sa kanya.

"Wala na rin po kasi akong gagawin sa kampanya Manang kaya naisipan kong umuwi nalang po." Sagot ko sa kanya. "Ako na po magluluto ng ulam, may karneng manok pa po ba sa freezer? Gusto ko pong magluto ngayon ng adobong manok hehe." Dugtong ko pa.

"Meron pa iha." Sagot naman sakin ni Manang.

Agad akong tumungo sa freezer at hinanap ang karneng manok. Nang makita ko na ay kaagad ko iyong binabad sa tubig para lumambot kagaad.

"Nahanap mo na ba iha?"

"Opo manang."

"Oh siya, sige, tapos na rin ako dito. Ako na magsasaing iha. Bantayan mo nalang ha?"

"Sige po." 

Nagsaing nga kaagad si Manang bago umalis sa kusina. Kaya ang ginawa ko naman ay naghanap na ako ng mga kakailanganing sangkap sa pagluluto. 

Una akong naghiwa ng bawang at sibuyas sa tamang size lang, yung medyo malalaking hiwa. Pagkatapos ay hinugusan ko na ang mga patatas. Hiniwa ko naman ito into cubes pagkatapos mabalatan.

Naghanap naman ako ng tidbits pineapple sa cabinet at kaagad kong binuksan ang lata nun para makuha yung pineapple juice.

Nang matapos ko na ang paghahanda ay pinainit ko na ang kawali sa gas range in medium heat at naglagay ng mantika doon.

Habang pinapainit ko ang mantika ay hinango ko naman sa tubig ang karne ng manok mula sa pagkababad.

Ilang sandali pa ay mainit na nga ang mantika kaya't sinimulan ko nang magluto. Inuna kong iprito ang manok. Inantay ko muna itong mag-golden brown bago sinunod kong igisa ang bawang at sibuyas.

Nilagyan ko na ng tubig ang kawali na sakto lamang at hindi lalagpas sa karne ng manok. Inantay ko muna itong kumulo bago ko ito nilagyan ng toyo.

Saktong dami lang ng toyo ang nilagay ko. Tinikman ko muna ito at tinantsa kung gaano karami ang ilalagay kong mga pampalasa.

Isang sandok ng asukal ang inuna kong ilagay at inihalo-halo para matunaw ito kaagad. Sinunod kong ilagay ang isang teaspoon ng suka. Pagkatapos ay nilagyan ko rin ito ng limang paminta na buo at paminta na durog bago inilagay ang isang dahon ng laurel.

Inaantay ko itong kumulo ng tatlong minuto bago tikman uli.

"Hmm kulang pa ng kaunting asin." Bulong ko sa aking sarili.

Isang kurot ng asin ang inilagay ko at inantay muli na kumulo. Ilang minuto na ang lumipas at napagpasyahan kong lagyan na ito ng patatas at pineapple tidbits. Inantay ko ulit itong kumulo bago ko bahagyang tinusok ang patatas.

"Medjo hilaw pa." Pagkausap ko ulit sa sarili.

▁▂▃▄▆ ☾ ⋆*・゚⋆*:✧*⋆.*:✧:*⋆゚・*⋆☾ ▆▄▃▂▁

Author's Note: Don't forget to vote if your reading online(⁠•3•⁠)⁠♡

Under Starry NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon