Bago kami makarating sa isla, ay nag text nako kay Tiff na paparating na ang bangka.
Natural lamang ang mga ilaw na binuksan para di masyadong kita ang mga decorations sa loob.
Pinauna ko na ng lakad si Mama sa counter para magpabook kunwari. Marahan niyang pinihit ang pinto't pumasok sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa pintuan ay biglang bumukas ang mga ilaw.
"Happy birthday Maam Arra!" Sigaw naming lahat.
Kitang-kita ko ang saya at gulat sa mga mata niya. Napatakip siya sa bibig ng makita ang mga dekorasyon sa paligid.
I dressed Mommy in a lovely long pink gown with sparkly beads and pretty lace.
The dress suits her perfectly. She looks stunningly beautiful at age of 50.Little did she know na yung dress na suot niya ngayon ay top ng gown. Dala dala ni Chase ang gown lace at inabot sakin. Kaagad ko namang sinuot kay Mommy iyon at inayos.
"Hays may paganito pa talaga kayo!" Singhal ni Mommy sakin at niyakap ako.
"You look gorgeous Mommy as always!" Sabi ko nang makatapos ng pag-aayos.
"Sus, nambola pa." Pabiro niyang pahayag sakin at hinampas pa ako sa balikat.
"Aray naman mhie!" Madamdamin kong ani bago pasimpleng sinenyasan si Chase na papasukin na sila.
Makalipas ang ilang sandali, tuluyan ng napaiyak na si Mommy ng isa-isang magsilabasan ang kanyang mga kaibigan dala-dala ang cake na may sindi na ng kandila habang kumakanta at pumapalakpak papalapit sa kanya.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you!" Sabay sabay nilang kanta na sinabayan rin namin.
"Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Pagtatapos namin ng kanta.
"Make a wish Mom!" Masaya kong sambit sa kanya.
I'm really happy that everything's going according to the plan.
She closed her eyes and blew the candle while wiping her tears.
"Happy birthday Mom! I love you!" Then i hugged her tight.
"I love you so much neyney! I'm really grateful that I have a daughter like you."
And she hugged me tighter."And now for the royal dance of our Queen Arrabella, Sir Cleo do the honor." Sabi ng dalawang emcee for tonight, Brian and Bryan Collins.
Dim music was played on the dancefloor entitled "Killing Me Softly" na ako mismo nag-cover. Mahilig kasi ako magtugtog ng mga instruments. Guitar cover ang ginagamit ngayon kaya apaka romantic pakinggan.
By the way, Sir cleo is my uncle at kapatid ni Papa. He helped me preparing the party kaya naging successful talaga. Nag volunteer kasi siyang tumulong kaya i gladly accepted it.
Habang lumalapit, may dala siyang isang golden yellow na rose at binigay yun kay Mommy bago sila nagsimulang magsayaw.
Syempre parang debu ang peg ni Mommy ngayon kasi araw niya to. Sinayaw din sya ng mga kaibigan niyang sina Tito Marky at Tito Daniel.
Sinayaw din siya nina Sir Hashi at ka-business partners nila. Hmm pamilyar si Sir sakin pero pinagsawalang bahala ko nalang.
Syempre yung last dance ay kay Papa, may dala siyang isang bouquet ng golden rose. Nakaupo pa rin siya sa wheelchair kaya tinutulak siya ni Chase papunta kay Mommy.
"Happy birthday Love" sabi ni Papa sabay abot ng rose. Yes nakakasalita na siya ngayon pero di pa makatayo ng matagal kaya nakaupo pa rin siya sa wheelchair.
"Queen Arrabella of Cervantez Palace, i would like to dance you pero i cant stand still kaya kiss muna ibibigay ko. Can i?"
"King Luke of Cervantez Palace, of course love you can kiss me."
"I love you so much my queen"
"I love you more my king."
Ang sweet nila tingnan ni Mommy. Sana ganyan din yung dadating sa akin.
Pagkatapos nilang magsayaw ay nagsimula nang magbigay ng mga gifts yung mga bisita kay Mommy. Pinatapos ko muna lahat bago ako lumapit sa kanya.
"Mom, here's my gift for you. Mamaya nyo na po buksan sa kwarto. Iloveyousomuch Mom." And then i hugged her.
"I love you too neyney"
Nagsimula na ring kumain ang mga tao kaya't minabuti naming kumain na rin.
Matapos kumain ay nagsimula na ang sayawan kaya't nagpaalam sakin si Mommy na pupunta siya sa kwarto at mag h-hot bath muna. Sinamahan namin siyang dalhin ang mga gamit sa kwarto bago bumalik na sa party.Syempre nagsimula na kaming mag-inuman nina Chase after umalis ni Mama. Kompleto kaming magkakaibigan kaya't napagpasiyahan naming Galaxy GSM Blue yung iinumin ngayong gabi para light lang yung tama sa amin.
"Cheers!" Sigaw naming lahat ng malagyan na ang kanya-kanya naming wine glass.
"Woahhhh ang sarap talaga nito!" sigaw ko sa kanila dahil medjo lumalakas na yung tugtog sa loob.
"Ay tea yung dare pala namin last time, sa pagkakatanda ko after nun bigla kang umuwi, anong nangyari?" Biglang tanong ni Chase kalaunan.
"Ang random ha... Pero yung tinuro nyo kasi sakin na halikan ko ay isa sa mga client ko, jusko nakakahiya kaya yun teh kac after nung smack ko sa kanya, hinila niya ako pabalik. Akala ko nga mawawala na yung bataan ko hahahhahaha char! Nahiya lang talaga ako sa kanya kasi baka makilala niya ako bigla. Kaya pinili kong tumakbo at umuwi."
"Sinong client yan tea?" Tanong naman ni Brian.
"JUskooooo mga tea, si Sir Xyrus! HIndi ko nga alam kung naaalala niya e kaya nahihiya ako makipag-usap sa kanya."
"Hahahahahahahahaha sana maalala niya, gusto mo itanong ko?" Sagot sakin ni Brian.
"Gusto mo batok tea?" Sabay taas ng kamao ko sa mukha niya.
"Ito naman di mabiro!" At umatras siya papalayo sakin habang tumatawa.
Inubos na namin yung isang litro bago nagpasyang makisayaw sa dance floor.
Light lang ininom ko kasi inaantay kong bumalik si Mama. Si Papa naman ay natulog na dahil 9 pm na rin ng gabi.
Hindi ko alam kung bat antagal ni Mommy. 30 minutes na kasi ang nakalipas at di pa rin siya lumabas e. Mas mabuting silipin ko muna siya sa kwarto, baka nakatulog na kasi siya sa higaan.
Tinungo ko ang daan papunta sa room ni Mommy bago kumatok.
"Mom are you asleep?" Sabi ko ngunit walang nagsalita kaya't pumasok na ako sa kwarto.
Hmm wala siya sa kama pero andito yung mga gamit niya. Kompleto at walang kulang. Iniisip kong nasa loob pa siya ng rest room kaya tiningnan ko.
"Ma, dito ka ba?" Sambit ko bago pumasok.
"Ma? Ma? Bat dito ka ho natulog?" Ginising ko si Mama ngunit wala akong natanggap na response mula sa kanya.
"Ma, Ma?! Hindi magandang biro to Mhie."
▁▂▃▄▆ ☾ ⋆*・゚⋆*:✧*⋆.*:✧:*⋆゚・*⋆☾ ▆▄▃▂▁
Author's Note: Don't forget to vote if your reading online(•3•)♡
BINABASA MO ANG
Under Starry Nights
Misterio / SuspensoA woman of gratitude. That's how they knew Tawney Svetlana Zielle, but they had no idea that she was hiding a terrible secret from everyone. She's kind, cheerful, and compassionate. She has been pretending to everyone her entire life. However, th...