Dumiretsyo muna kami sa bahay para maibigay yung tirik kay Papa at kumain ng tanghalian. Naligo muna ako, pagkatapos ay bumyahe uli papuntang kompanya.
"Aish! Grabe parang andami ko atang nabuhat at pagod na pagod yung katawan ko." Reklamo ko pagkarating. Dumeritso agad ako sa mini bed room dito sa office at nagpahinga muna.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya't agad akong napabalikwas nung kumatok sa kwarto si Tiff.
"Mam, Andito po si Madam Arrabella, nais daw nya po makita."
Tumango ako sa kanya at tumungo muna sa banyo upang ayusin ang sarili.
Simpleng sage green na squared neck off shoulder puff sleeve dress ang suot ko ngayon. Nag ayos muna ako saglit sa banyo bago lumabas ng karto at pumunta kay Mama, Arrabella Fay Cervantez ang buong pangalan ni Mama kaya't kilala rin siya ditong bilang Madam Arrabella. Hinalikan ko kaagad siya sa pisngi at niyakap.
"What are you doing here Mom?" Malambing kong sabi sa kanya.
"Just visiting my daughter. Are you tired neyney?"
"Not anymore mom, kakagising ko lang po kasi. Di ko po namalayan na nakatulog po ako, why po?"
"Aww that's good then, i want to lend your time if you wont do anything this afternoon. Can we go shopping for groceries and go to mall? Pwede mo bang masamahan si Mama?"
"Sure Ma, wala na rin po akong gagawin ngayong hapon. Mag c-check lang po ako ng papers hehe."
"Let's go then! Let's go to the parlor, i miss going there!"
Bago umalis ay binilin ko muna kay Tiff ang office. Nagsisimula ng trumaffic ang byahe dahil mag a-alas tres na ng hapon. Medjo natagalan kami pero nakarating naman.
Una naming pinamili muna ang mga kailangan sa bahay at binilhan na rin namin ng paboritong biscocho si Papa bago dumiretsyo sa mall. Kasama namin si Alzir kaya't hindi kami nahirapan sa pagdala.
Si Alzir ang personal driver namin ni Mama. Anak siya ni Manang kaya't malapit na talaga sila sa amin at tinuturing na rin naming kapamilya.
Iniwan namin ang pinamili sa kotse at pumunta na sa mall. SM Levinian's Mall ang napili naming puntahan. Pagmamay-ari to ng pamilya ni Chandra Levy kaya ganyan ang pangalan.
Kaagad kaming tumungo sa parlor at nag relax. Pagkatapos ay nag-spa kami ni Mama at nagpa-manicure at pedicure. Ito lang ang paboritong bonding namin at minsan lang talaga to.
Matapos ang ilang oras ay nagpasya kaming umuwi na.
"Pa, may binili kami!" Tawag pansin ko kay Papa ngunit hindi man lang lumingon ng bahagya.
Nasa sala siya nanonood ng paborito niyang action series kaya minabuti kong itago muna ang tinapay sa aking likod bago lumapit. Bahagya pa siyang nagulat dahil tinapik ko siya ng maarahan sa balikat.
"Papa yung favorite mo!" At pinakita sa kanya yung dala kong biscocho.
Binuksan ko naman yun at binigay sa kanya. Buti nga ngayon ay nakakagalaw na siya ng kaunti pero di pa rin nakakapagsalita. Na m-miss ko na marinig yung boses ni Papa hays. Sana maka-recover kaagad siya.
Kita ko naman na masaya niyang kinakain yun at bumalik uli sa panonood kaya di ko na siya inabala pa at umakyat na sa kwarto para magpahinga.
Umupo ako sa aking kama habang nagbabasa uli ng nobela ni KIB dahil di pa ako dinadalaw ng antok.
Nagpatimpla nalang ako ng gatas kay Manang para antukin. Nasa kalagitnaan na ako ng kabanata nang marining kong kumatok si Manang.
"Nak, yung gatas mo..." Malambing na ani ni Manang sakin.
"Pasok po..."
May pag aalala sa kanyang mukha ng makapasok na siya sa aking kwarto.
"Iha anong bumabagabag sayo at di ka pa inaantok?" Sabi niya bago iabot sakin yung baso ng gatas.
"Wala naman po, sadyang nakatulog lang po talaga ako kanina kaya po di ako makatulog agad hehe. Salamat po sa gatas."
Inubos ko kaagad ang gatas at inaabot ang baso kay Manang.
"Sana antukin na po ako. Good night Manang!"
"Good night iha" sabi niya bago lumabas.
Makalipas ang ilang minuto ay di pa rin ako antok. Napagpasyahan kong lumabas muna ng kwarto at magpahangin sa playground sa di kalayuan.
Bata palang ako ay paborito ko nang tumambay dito. Hindi ko alam pero hindi ko to nakakalimutang puntahan. Sa duyan ako kaagad umupo at tumingala sa langit.
"Andaming stars, ang ganda!" Sabi ko sarili.
"Sabi nila kapag namamatay yung tao, magiging isang bituin at babatayan yung mahal nila sa buhay." Dugtong ko pa.
"Hi lolo, miss na kayo ni lola, gabayan niyo muna po ako ngayon ha? Thank you so much po!" Bulong ko habang nakatingin sa langit.
"Ano ba yan, ang ingay ingay mo naman po, nagpapahinga po ako sa loob ng slide e──" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng isang batang babae. 'Pamilyar siya sakin.' isip isip ko.
Mayroon siyang dala dalang maliit na bag sa likod. Naka-pink floral dress ang bata at halata mong may kaya sa buhay dahil sa malagatas nitong kutis.
Masasabi kong maganda siya paglaki dahil medjo bilugan ang kanyang mukha, mahaba rin ang kanyang pilik mata, kulay tsokolateng mata, makapal na kilay, matangos na ilong at kulay rosas na labi. Mahaba rin ang kanyang buhok na hanggang baywang niya at nagkukulay tsokolate kung masinagan.
"Ate hello? Naririnig mo po ba ako?"
Naputol ang aking pag-iisip ng mag salita siya muli.
"Ah oo, di ko alam na may bata pa dito. Akala ko kasi mag isa lang ako dito." Sabi ko nalang sa kanya.
Pano ba naman kasi yung slide dito ay pabilog, yung may bubong ba kaya di basta bastang mahahalata na may tao sa loob.
"Pasensya na, di ko alam na andyan ka bata. Tsaka anong oras na bat andito ka pa sa labas? Baka nag aalala na mga magulang mo sayo. By the way, what's your name baby?" Dugtong ko pa.
"Ingay nyo po talaga ate haha! Im Lyra po, 8 years old, how about you po?"
"Im Tawney baby girl, so bat ka nga nasa labas ng bahay nyo? Nawawala ka ba?"
Umiling iling muna siya bago sumagot.
"Galit po kasi ako kay kuya kaya andito po ako pero alam ko naman po daan pauwi ate. Takot lang po talaga akong bumalik."
"Gusto mo bang ihatid kita?"
"Huwag na po, dito po muna ako. Galit pa rin po ako sa kanya. Hmmpppp bye po akyat po uli ako dun ate. Hayaan nyo po, hinahanap na rin po ako nun."
Hinayaan ko nalang syang humiga ulit sa slide habang hinayaan ko naman ang aking sarili na dumuyan at pagmasdan muli ang mga butuin sa langit.
▁▂▃▄▆ ☾ ⋆*・゚⋆*:✧*⋆.*:✧:*⋆゚・*⋆☾ ▆▄▃▂▁
Author's Note: Don't forget to vote if your reading online(•3•)♡
BINABASA MO ANG
Under Starry Nights
Mystery / ThrillerA woman of gratitude. That's how they knew Tawney Svetlana Zielle, but they had no idea that she was hiding a terrible secret from everyone. She's kind, cheerful, and compassionate. She has been pretending to everyone her entire life. However, th...