Maya-maya ay naisipan kong umahon na muna at uminom ng lemonade. Naitimpla na pala ni Tiff yun haha napatagal ata yung langoy ko.
Bumalik ulit ako sa ilalim ng puno at kumakain na rin nung cheesecake. Nagulat ako ng lumapit sa akin si Sir Xyrus.
Kinabahan ako dahil tumabi siya sa akin at pinagmasdan din ang dagat.
"Ang ganda ng naisip mong design dito Ms. Taw. Parang dinala mo yung Japan dito." Panimula niya.
Nakahingga ako ng maluwag dahil iyon ang sinabi niya. Jusko! Akala ko k-komprontahin niya ako sa nangyari nung isang gabi eh.
"Magugustuhan to ng mga magulang ko panigurado. Matanong ko nga, nakapunta ka ba sa Japan? Alam na alam mo kasi yung mga building." Dugtong pa ni Sir.
Bahagya akong napangiti sa kanyang papuri at napatango.
"Actually sir, nakapunta na talaga ako run. Pinanggayahan ko lang po talaga yung ibang resort dun. Beach house onsen po kung tawagin. May ilang Machiya house din po akong ginaya. Kung maaari po ay magtanim din sana tayo ng cherry tree dito para feel naman nilang nasa Japan sila." Mahaba kong lintanya sa kanya.
"Hmm i see." Maikli niyang sagot.
Kinabahan ako nang lumapit siya sakin at bahagyang dumampi sa aking balat ang kanyang malalaking kamay.
Tinapik niya ako ng marahan bago umalis at nagpasalamat. Hindi ko alam kung para saan yun kaya't nagtaka talaga ako.
Bago pa siya lumayo ay kaagad kong hinawakan ng marahan ang kanyang braso.
"Saglit Sir Xy, may itatanong lang po. Pede po ako manguha ng tirik dito? Madami kasi sa ilalim e."
"As much as you want miss. Para saan ba?"
"Omg! Thank you so much sir! Kay Papa lang po, paborito niya kasi yun sir! By the way po, may snack po doon" At tinuro ko ang gawi ni Tiff. "Pede po kayong kumaha doon!'' Dugtong ko pa sa aking sinabi at ngumiti sa kanya.
Tumango naman siya at tumalikod na. Tumungo naman siya sa gawi nina Tiff. Sa tingin ko'y nakipagchikahan rin.
Dali-dali kong inubos ang aking pagkain at lumusom uli sa tubig. Naghanap ako ng spot kung saan meron. Marami akong nakikitang tirik sa bandang kanan kaya agad akong nakakuha ng lima.
Kamay lang ginamit ko sa pagkuha kaya maingat talaga akong maiahon yun sa tubig.
Nagpahinga muna ako sa batuhan pagkaahon dahil hinihingal ako sa pagsisid.
Agad na dumampi sa mga balat ko ang sariwang simoy ng hangin. Na-miss kong pumunta sa ganito kasama si Papa. Hays.
Kung maibabalik ko lang ang mga panahon, mas pipiliin kong alagaan ng maaga si Papa kesa hayaan siyang ma-stress sa kampanya.
Sana talaga tumimbang agad ako sa kanya e. Bat di ko kasi napansin kagaad yung mga pagbabago sa katawan niya hahays.
Kesa mag-isip ng mga ganito ay pinili ko nalang mahiga sa batuhan at pinagmasdan ang kalangitan. Mabuti't hindi makulimlim ngayong araw kaya maaliwas sa paningin ang mga ulap.
Nabigla ako nang lumapit saking gawi si sir Xy. May dala dala pa siyang dalawang scoop net at tumabi sa akin upang umupo sa batuhan.
"Kailangan mo to Miss Taw para di masakit sa pagkuha. Kung kamayin mo lang kasi yun ay matatagalan ka talaga." Kalmadong ani niya sa akin.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay walang pasinsabi siyang naghubad sa harapan ko. Imbis na mag-iwas tingin ay napatulala ako sa kanyang katawan.
Jusko apakalusog. Batak na batak sa gym, may 8 packs na abs e. Bulong ko sa sarili. Ang lusog pa ng biceps niya, sarap pisilin.
"Done checking me out miss?" Natatawa niyang ani habang nakahawak pa sa kanyang beywang.
Naputol ang pagpapantasya ko ng marinig ko ang kanyang mga sinabi. Umiinit ang pisngi ko sa hiya kaya't agad akong napatungo sa dagat at piniling sumisid sa ilalim.
Pagkaahon ko'y nagulat pa ako dahil nasa harapan ko na pala siya ng di ko namalayan. Inabot niya sakin ang net.
"Gamitin mo na to, baka masugatan ka pa."
"Ah sige, salamat." sagot ko naman sa kanya.
Agad akong nag iwas ng tingin. 'Jusko ang hot niya tingnan' sabi ko sa aking isipan at kinalimutan kaagad yung naisip ko.
Nilagay ko nalang doon ang mga nakuha ko at sumisid muli. Marami rami na akong nakuha dahil sa tulong ni sir. Sobra 20 na rin ata ang nakuha ko kaya hinugasan ko na yun lahat.
"Ito oh lalagyan nyan." Sabay abot sakin nung baunan. Kaagad ko naman yung tinanggap at nagpasalamat sa kanya.
'Bibigyan ko nalang siya, total tumulong siya sakin kanina.' sabi ko sa isipan ko.
Marami rami rin ang nalagay ko sa baunan kaya't humingi pa ako ng lalagyan kay sir para mabigyan siya. Matapos hatiin ay nagbihis na ako upang makatulong na rin sa kanila sa paghahakot ng kahoy na tutungtungan nila sa paggawa ng building.
Na-soil test na rin ng engineer to kaya wala akong prob sa pagpapatayo dito. Andito rin naman si Engineer Brian Collins. Siya yung babaerong friend ko sa bar haha kung naaalala nyo.
Muntik ko nang makalimutan ibigay kay Sir Xy yung tirik haha! Buti nalang nakita ko siya sa ilalim ng puno at nilapitan kaagad.
"Sir Xy?"
"Yes Miss Taw?"
Tiningnan ko siya sa mga mata at inabot yung baunan sa kanya.
"Ibibigay ko lang po itong tirik sir. Marami po kasi e. Salamat rin po pala sa pagtulong sa pangunguha nito sir xy hehe"
Para akong napaso ng hawakan niya ang mga kamay ko. Napatitig ako sa brown na brown niyang mata ng ilang segundo bago binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko at mas nilapit pa ang kanyang sarili sakin.
"Drop the formality Taw, pag tayong dalawa lang, you can call me Xy if you want." Tsaka hinawi niya ang buhok ko at inipit sa tenga ko. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
"Can i kiss you?" Bulong niya sa tenga ko.
"S-sir what are you doing? W-what did you just say?" Pabulong ko ring sambit.
"Oh shit, shit, Im sorry Miss Taw." Paghingi niya ng paumanhin bago lumayo ng bahagya sa akin.
"Shit! I can't really resist if she's around huh?" Rinig ko pang bulong nya sa sarili bago sumulyap sa akin kaya agaran akong umiwas ng tingin.
Okay its really awkward here. Isip isip ko
Makalipas ang ilang minutong pananahimik ay nagsalita ulit siya.
"Uh salamat miss, nag abala ka pa. Tsaka your welcome." Sabi niya naman at nagmadaling tumalikod. Namumula pa ang tenga niya bago gawin yun at di mapakali!
He's so cute but im confused. He's acting strange right now. I really thought that he's going to kiss me! Thanks God he didn't!
Nag-decide na rin kami ni Tiff na bumalik na sa kampanya bago magtanghalian nang makaramdam ako ng pagod ngayong araw. Ibinilin ko nalang muna kay Brian ang lahat bago ako umalis.
▁▂▃▄▆ ☾ ⋆*・゚⋆*:✧*⋆.*:✧:*⋆゚・*⋆☾ ▆▄▃▂▁
Author's Note: Don't forget to vote if your reading online(•3•)♡
BINABASA MO ANG
Under Starry Nights
Mystery / ThrillerA woman of gratitude. That's how they knew Tawney Svetlana Zielle, but they had no idea that she was hiding a terrible secret from everyone. She's kind, cheerful, and compassionate. She has been pretending to everyone her entire life. However, th...