Transferees
Nick's POV:
Lucy..............
She smiled once again after her introduction, her eyes formed a thin line at halos mawala na ang mga mata niya dahil singkit siya at mas lalo siyang nagiging mas singkit tuwing ngumingiti o tumatawa man siya. Her visible and big dimples that were not really dug deep whenever she smiles and laughs.
No new......still you......Lucy.....
Bakit ngayon ka lang?! Where have you been? Ikaw ba talaga 'to? Panaginip ba 'to? Nananaginip lang ba 'ko? Nananaginip na ata 'ko ng gising naknamp*cha masama 'to sa kalusugan. Siguro sa kaiisip ko sa kaniya nakikita ko na siya sa harapan ko kahit parang hindi naman totoo ay parang gusto kong maniwala.
Tama tama, kaiisip ko lang sa kaniya 'to kaya mukhang nakikita ko na rin siya mismo sa harapan ko. Hindi na babalik 'yun si Lucy, bakit ba 'ko umaasa pa? Naknamp*cha naman.
Totoo ba 'to? Am I seeing you again?! Naghahallucinate na ba 'ko? Kung naghahallucinate nga ako handa akong magpakabaliw para lang masilayan ka ulit. Your face, your smile, your eyes, your dimples, my Lucy. Kung panaginip man 'to handa akong huwag nang magising para lang makita ka pa ulit. For the last time, I don't want to let go of these hallucinations nor this dream.
Before her sweet smile disappeares, I saw that she looked at our direction, my direction to be specific. Nang takpan niya na uit ang kaniyang mukha ng hood ay yumuko kaagad siya at nagpamulsa. I can't see her face anymore and the emotions hiding behind that face of hers. But I bet she's back to her lifeless and emotionless face.
What happened to my baby...?
Humakbang naman ng isang beses palapit ang katabi niyang babae nang humakbang paatras si...Lucy.
Her hair is short, it was above her shoulder. I already have a clue on who she might be. If Lucy is here.......maaari kayang nandito rin.....siya....?
I looked at Darwin on my side. I was expecting for him to be shocked too but my expectations fell when I saw him smirking straightly at me. Nakapangalumbaba pa siya habang ang dalawang siko ay nasa lamesa at dalawang kamay na pinapatungan ng kaniyang matigas na ulo at baba.
"Good morning, I am Aimiesyl Ria F. Sanchez." nagpabaling ang tingin ko sa harapan habang nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya. Aimiesyl....
Binalik ko ang aking tingin kay Darwin na mukhang tangang nakangiti ng nakakaloko na may bahid ng pagkatamis tamis na ngiti habang winawagayway ang kaniyang ulo sa magkabilang direksiyon. Huh tingnan na lang natin kung makakangiti ka pa kung malaman mong nasa harapan mo na si Aimiesyl.
Tila wala na siya sa kaniyang sarili habang nginingitian ako. Hindi ata nito narinig ang sinabi ng bagong nagpakilala eh. Ang narining lang ata nito ay 'yung kay Lucy. Kinaltukan ko siya kaagad habang nakakunot ang noo ko dahil naiirita na 'ko sa pagmumukha niyang may naglalarong pangaasar nanaman na balak.
Tumingin siya sandali sa harapan at binalik ang tingin sa 'kin pero binalik niya rin agad ang kaniyang tingin sa harapan ng sobrang bilis at nakita kong ngayon, nandito na ang Darwin na baliw na kilala ko. Ibang baliw na Darwin kanina, ibang baliw na Darwin din ngayon. Gulat na gulat ang kaniyang mukha. Kinailangan ko pang itaas muli ang bibig dahil malalaglag na ito sa sahig at malapit nang pasukan ng langaw ang kaniyang bibig. Amoy kanal kasi.
Binalingan ko ng tingin sa harapan at nagulat ako nang malaman kung bakit papasukan a ng langaw ang bibig ni Darwin. Dahil mabaho talaga ang bunganga niya, joke. Nakatingin or shoud I say, nakatitig ngayon ng mariin si Aimiesyl kay Darwin. Pero...while Darwin's eyes were sparkling, Aimiesyl's eyes have no reaction upon seeing her long time no see ex-boyfriend.
YOU ARE READING
Sanctioned Avenue
RomanceAng akalang normal lang na magiging katapusan ng junior high school ni Nick Maidon ay hindi na niya makakamit dahil sa merong tao sa kaniyang nakaraan ang babalik sa kaniyang kasalukuyan. Ang akala niyang pagbabalik nito ay para sa kaniya ngunit hi...