Factory
Nick's POV:
"O.....M.....G" mabagal na pagkakabigkass ni Megan habang nakatakip sa kaniyang bibig ang ang kaniyang kamay. Nanlalaki rin ang kaniyang mga mata na obvious na dahil sa sobrang pagkagulat.
Nakaupo kamaing paikot sa mga upuan dito sa dulong bahagi ng classroom. Ang iba ay nakaupo sa lamesa at ang iba naman ay nakaupo sa upuan mismo.
Tumingin siya sa 'min, specifically sa akin.
"Hindi ko alam ganito pala katindi 'tong si Lucy"
"What? The hell are you talking about? Saka bakit ka ba sa 'kin nakatingin?"
"Obviously because you were her ex-boyriend here? Duh?" Sabi niya bago Iniabot sa 'kin ang cellphone niya para tingnan ko. Hinawi ko pa ang buhok ko pagilid para makita ko nang buo ang nasa cellphone niya.
Credentials of Vote Straight, Vote Wise, Vote Tide!
President — Tide, Lucianne Gemini
Nilagpasan ko na ang iba at mabilis na binasa na lang de joke iniscan ko lang talaga. Ang haba kaya. Lipat. Lipat. Lipat. Naknamp*cha ilang page ba 'to?
"G*go, ilang page 'to?" Tanong ko habang iniswipe pa rin.
Bumalik ako sa pinaka unang page para magbilang, "One, two, three, four, five, six, seven, eight—what the hell? Ang haba gagi, akala ko aabot pa 'to ng sampo eh"
"Gusto mo ba? Puwede naman, hahabulin niya this school year" sabi ni Luke habang nakanguso at nasa ibabaw nito ang ballpen niya.
"Close kayo?" Tanong ni Megan.
"Yeahh, we became close especially I'm the protocol officer she took"
"Why did she took you anyway?"
"Lagi niya raw nakikita na ako ang nagsasaway sa paligid ko. Hindi ko naman natanggihan kasi clout chaser ako hahahha joke lang baka maissue, 'di pa naman nageeleksyon"
Magtatanong pa sana 'ko kung saang school ba talaga nag-aral si Lucy kasi parang base sa mga nasa credentials niya ay hindi naman ganito 'yung kinwento niya sa 'kin 5 years ago...o talagang nagbago nga talaga siya nang hindi ko alam pero hindi ko na nagawa dahil biglang tumunog ng malakas ang cellphone ni Luke.
Napatingin kami ro'n habang ang mukha niya naman ay biglang naging seryoso."I have to take this, excuse me" sabi niya at tumayo na.
"What if sundan natin? HAHAHA baka girlfriend niya na 'yun pre! Panahon na nating makichismis" sabi ni Jordan na nakaupo sa lamesang partner ng kinauupuan kong upuan.
"Tara pre. HAHAHAHHA excited na 'ko. Siya pa naman nagsabi na 'di natin sure kung wala ba talaga siyang ex-gf" gatong ko pa. "Sanaol nag=comeback 'di ba? HAHAHHAAHHA!" Tumayo na 'ko at sabay kaming dalawa ni Jordan sa harapan na naglalakad. Nakasunod naman sa 'min sina Megan at Darwin.
Hindi pa nakakalayo si Luke dahil nakita pa namin siyang lumiko sa right side ng room floor namin. Sinundan namin siya at para na kaming mga tanga rito dahil dahan dahan ang hakbang namin at nakayuko pa para hindi kami makita ng ibang estudyanteng nasa classroom na nila.
Bakit kailangan sa malayo pa? Kung sa'n sa'n pa 'to pumupunta si Luke eh sasagot lang naman ng tawag naknamp*cha.
Mukha na kaming mga estudyanteng tumatakbo para sa buhay namin palayo sa mga zombies dahil sa aksyon na ginagawa namin. Ganito kapag sir*ulo ang iyong buong tropa.
YOU ARE READING
Sanctioned Avenue
RomanceAng akalang normal lang na magiging katapusan ng junior high school ni Nick Maidon ay hindi na niya makakamit dahil sa merong tao sa kaniyang nakaraan ang babalik sa kaniyang kasalukuyan. Ang akala niyang pagbabalik nito ay para sa kaniya ngunit hi...