Entrance
Nick's POV:
"Good Afternoon, you may take your seats now" masiglang bati sa amin ni Ma'am Melanie, nakangiti pa siya habang merong sinusulat sa board at hawak ang isang libro sa kaniyang kamay.
Hindi kami gumalaw, marahil dahil inaakala namin ay papagalitan kami ni Maam dahil late na nga nagcutting classses pa kami gaya na lang ng pinagchichismisan namin kanina.
"Hoy g*go, 'di ba si Maam Melanie na 'yung teacher ngayon? G*go huwag na muna kaya tayo pumasok?"
"Gagi oo nga! Gagi!"
"Putek baka mapatalsik kaagad tayo sa school nito kapag nalaman ng counselor g*go"
"Oo nga, huwag na muna tayo pumasok"
"Nasisiraan na ba kayo? Baka kapag mas lalong hindi tayo pumasok ay mas lalo tayong mapapagalitan dahil dinitch natin ang afternoon clases natin. Hindi rin kayo nag-iisip ano?"
"Ih! Kasi, bakit kasi si Maam Mela pa teacher? Puwede namang sina Sir Wilson na lang ihhhh"
"Nangyari 'yan kung hindi ka pa nakipagsagutan sa 'kin kanina"
"Ikaw naman kasi eh"
"Naiimagine ko na kaagad pa'no tayo mapapatalsik sa school"
"Shocks 'yung records ko! 'Yung discipline ko! Omg, pa'no na 'yon?"
"'YUNG GOOD MORAL KOOOO AAAARRRRRGGGHHHH!!!!!"
Tumikhim si Maam kaya nagising ako sa mga pagrerelapse na ginagawa ko. ngumiti siya sa 'min at nagsalita sa kalmadong boses, "bakit pa kayo nakatayo riyan? Umupo na kayo, sakto hindi pa 'ko nagsisimula maglesson kaya umupo na kayo"
Nakatitig pa rin kami sa kaniya. Hindi kami makapaniwala kung si Maam Mela ba talaga 'tong kaharap namin o ibang personality niya lang? Baka kambal? Gagi, baka naman may sumapi na nito kay Maam? Bakit ang bait niya? Dapat sinisigawan na niya kami. Ano 'to? Nananaginip ba 'ko?
Napadako ang tingin ko sa first row, kumpleto sila. Naka all black ba naman eh. Nakasuot si Lucy ng isang hoody, nakasuot sa magkabilang bulsa nito ang kaniyang mga kamay. Mariing nakatitig siya sa 'min. 'Yung buong grupo nila nakatingin lang sa 'min habang kami ay nakatayo pa rin dito sa labas dahil hindi talaga kami makapaniwala sa mga nangyayari.
Una, si Maam Mela na naging mabait. Pangalawa, nandito ang buong grupo ni Lucy at siya na parang hindi siya nahiwa kanina. At pangatlo...may pangatlo ba? Wala.
Nauna na 'kong maglakad sa kanila dahil mukhang hindi sila gagalaw kapag hindi rin ako gagalaw. Kanina pa nakaupo si Luke habang kami rito ay nakatayo pa rin.
Naglakad na 'ko papalapit pero nang ilingon ko ang paningin ko sa row namin ay nalaglag ang panga ko.
"Mike" bulong ko. Kumpleto silang tatlo. Napakurap kurap ako, kinusot kusot ko na rin ang dalawnag mata ko, tiningnan ko na rin ang mga grupo ko.
"Totoo 'yan" napatalon ako nang mahina nang magsalita si Aimiesyl. Nasa pagitan na pala 'ko ng upuan nina Lucy at Aimiesyl. Shet grabe ganito pala magsalita ang isang 'to. Bigla bigla tapos halos bulong pa sa sobrang hina, sumasabay sa ihip ng hangin 'yung salita niya kanina.
Tiningnan ko siya, it took seconds before her eyes darted at me. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako. Hindi ko magawang tagalan ang pagtitig sa kaniya dahil sa paraan kung pa'no siya tumingin sa 'kin ng deretso sa mata. Tagos hanggang kaluluwa mo 'yung tingin niya gagstok.
YOU ARE READING
Sanctioned Avenue
Roman d'amourAng akalang normal lang na magiging katapusan ng junior high school ni Nick Maidon ay hindi na niya makakamit dahil sa merong tao sa kaniyang nakaraan ang babalik sa kaniyang kasalukuyan. Ang akala niyang pagbabalik nito ay para sa kaniya ngunit hi...