Chapter 5

27 2 1
                                    

Meet

Luke's POV:

"Yes?" Sagot ko sa kakakatok pa lang na kapatid kong si Lucy. Nakasuot lang siya ng isang kulay itim na sando na merong red heart sa gitna at kitang kita kong wala siyang bra dahil walang strap sa kaniyang balikat. Nakalugay rin paharap ang kaniyang buhok na kulay itim na may halong kemikal na kulay pula. Dahil sa sando ang kaniyang suot ay kitang kita ko rin ang marka ng kaniyang nakaraan, marka ng sakit, at marka ng galit. Her scars, I always drew stars around her scars, around scars means her whole body. Her whole arms, hands, and legs. Nakasuot lang din siya ng dolphin shorts. Habang ang suot ko ay sandong puti at nakikita ang angking kagwaphan ng biceps ko at itim na shorts.

"What's your facebook password?" Diretsiyahang tanong niya habang ang tingin ay nasa laptop pa rin at iniiswipe ang mouse pad. She didn't even bother to take a glance of me. How dare you, sister.

"Why?" Tanong ko at tinaas ang isang kilay.

"You guess"

"Lah. Putek na 'to. Tinatanong nga kita kasi hindi ko alam kung bakit eh tapos isasagot mo hulaan ko. Mukha ba 'kong manghuhula sa paningin mo? Minsan kapag kinakausap kita nabobobo 'ko. Kapag kinakausap kita para tuloy akong nakikipag-usap sa robot at kailangang merong puzzle na buuin para makuha ko ang sagot. Minsan ka na nga lang magsalita puro puzzle pa laman ng bawat iniiwan mong salita, naknamp*cha naman" walang prenong sabi ko habang hinihilot ko ang sentido ko dahil sa papuzzle puzzle na salitaan nito ni Lucy.

Tinalikuran niya lang ako at nagsimulang maglakad. "Tingnan mo 'tong batang 'to. Hoy!"

"Bea" tanging sabi niya na nagpatigil sa 'kin. Grabe ang isang 'to. Isang salita lang 'yng sinabi niya pero napatigil na kaagad niya 'ko habang ako, sa dami dami kong sinabi wala man lang nagawa 'yon para mapatigil siya sa ginagawa niya sa laptop niya.

Hindi ko na siya hinabol at sinara na lang ang pintuan ko.

<3 <3 <3

Lucianne's POV:

"Bea" sabi ko kay Kuya nang hindi siya nililingon. Halos matawa na 'ko dahil sa halatang pagkatigil niya. Tinry ko lang namna kung gagana ba talaga 'yung pangeexperiment ko sa kaniya.

Pumasok pa talaga siya sa kwarto niya eh lalabas din naman siya riyan mamaya.

<3 <3 <3

"It's the recent knowledge I learned in psycholgy. When someone stopped upon hearing, smelling, seeing, touching, tasting that object or whatever it is, it means it's true, it contains something that it should be hidden. Hindi dapat malaman ng iba dahil kapag nalaman ng iba, siyempre magugulat ka, matitigilan ka kung paano nila nalaman, it will just show them na tama ang hinala nila na meron ka ngang tinatago. At 'yung nalaman mong 'yon ay sikretong wala siyag pinagsasabihang iba. Ibig sabihin lang ay tama nga 'yung natutuhan kong 'yon. I already know your password, Kuya, what makes you think I can't directly hack into your account?" Tinaasan ko si Kuya ng kilay habang natatawa. Ang t*nga t*nga niya kasi hehe joke lang. "It just proves that his password actually consists of Bea. What a wrong move to do. Dapat nagpatuloy lang siya sa ginagawa niyang pagtatalak para hindi ko mahalatang natigilan siya dahil sa sinabi ko. Paano na lang kung kalaban 'yon? Edi malalaman nilang mahalaga si Bea sa kaniya. Tsk tsk tsk. Hindi naman nagiisip 'tong kapatid kong 'to. This is the reason why I mostly don't show any expression to the people. Threats are just around the corner. Pagpikit mo lang hindi ka na makakadilat dahil impyerno na ang bubungad sa 'yo. Gano'n kabilis ang mga kalaban. We should not get affected by what they would throw on us." malamig kong sabi habang pinagmamasdan silang lahat na narito.

Sanctioned AvenueWhere stories live. Discover now