18
Nick's POV:
Noong una ay hindi namin nakita kung sino ang pumasok dahil sa apat na guards na humilera sa magkabilang pintuan. Nagulat na lang kami nang pumasok si Lucy at tuloy tuloy at dere-deretso ang lakad papunta sa hagdan. Naka-all black outfit nanaman siya. Walang emosyong mababakas sa mukha niya pero sapat na ang awra at presensiya niya para sabihing nagpipigil lang ng galit ang isang 'to at pinapakalma ang sarili sa paraang hindi mahahalata ng iba.
Napunta 'yung baril na hinagis niya kanina malapit sa double door na pintuan sa ilalim ng hagdan.
Hindi man lang lumingon sa gawi namin si Lucy. Ni-side eye wala talaga, dere-deretso lang ang lakad niya pero hindi siya nag-iisa. Si Lucy ang nangunguna sa mala-train-train chu-chu nilang grand entrance. Where's the red carpet? Pa'no ba naman kasi maiintimidate na sana 'ko kaso para nanaman silang kulto.
Pagkatapos pumasok ni Lucy ay nakasunod sa kaniya sina Aimiesyl at Bea sa magkabilang gilid niya sa likod, sunod naman si Michael na mag-isa lamang at walang kasabay, magkahilera sila ni Lucy, sa likod naman niya ay ang kambal, sina Kevin at Kaiven. Lahat sila ay naka-all black outfit, merong naka black silk leather jacket at naka black cap, lahat sila ay ganito nanaman ang porma. Black silk pants, black boots, black tshirt, black silk leather jacket, black cap, black mask, at black rectangular shades. Si Lucy nanaman ang naiiba dahil hindi siya naka black tshirt, naka black spaghetti strap croptop siya at naka black cargo pants. Ang hilig ng spaghetti strap at cargo pants ng isang 'to. Shet andami nga talaga ng nagbago sa kaniya. Awit.
Naalala ko tuloy ang bansag ko sa kaniya noong hindi ko alam na siya pala 'yun noong first day of class. She's the black tulips among the black roses. At mukhang pinanindigan nga niya iyon dahil siya lagi ang naiiba.
Akala ko ay sila lang ang magkakasama pero nagulat ako at nanlaki ang mata nang makitang andami pa palang nakasunod sa kanila. Meron silang mga hawak na baril sa kaliwang kamay at ang iba naman ay sa kanan.
Hindi sila pareho ng grupo ni Lucy. Andami nila! Tig-dadalawa lang din ang mala-train-train chu-chu nila, para nga silang Ying Yang eh. Merong nakaputi, meron nakablack. Hanep!!!!
Kulto talaga dahil sa arrangement!
Black, white
White, black
Black, white
White, blackHanep!!! Ano 'to?! Kailan pa nasali si Luke sa kulto nila Lucy? Saka bakit nandito si Lucy sa bahay ni Luke g*go?!
Hindi rin sila lumilingon sa direksiyon namin pero nararamdaman naman siguro nila 'yung presensiya namin ano? Buti nga multo nararamandan nila eh, kami pa kayang tao...?
Sinusundan lang nila si Lucy paakyat, nagsimula na ring gumalaw ang grupo namin na pinangungunahan ni Jordan. Sinundan namin siya at sumilip. Meron pang double door sa itaas kaya do'n sila pumasok. Awit hindi na tuloy namin makikita kung anong ganap.
Naupo na kami dahil hindi pa rin nauubos ang mga taong papasok lang nang papasok.
"What......the........f*cking........hell........Luke.........???????" Tanong ni Megan habang nakatingin sa kawalan at gulat na gulat.
"T*ngin* lagi mo na lang kaming ginugulat sa tuwing makakasama ka namin Luke, t*ngin*, ano 'yun? Nandito si Lucy? Sina Aimeisyl?! What the hell? Hindi ka na nga talaga nagsasabi sa 'min" naiinis na usal ko sa kaniya. Biglang nagbago mood ko dahil hindi na sa 'min nagsasabi ni Luke, although dati rin naman pero iba na ngayon, t*ngin*.
"Bw*sit, pa'no ka namin pagkakatiwalaan niyan kung kami mismo hindi mo pinagkakatiwalaan?" Si Darwin.
"T*ena, hindi na ikaw 'to Luke. Dati naman nagsasabi ka sa 'min kahit papaano, pero ngayon?" Umiling na bulyaw ni Jordan na sa mukha pa lang ay galit na galit na.
YOU ARE READING
Sanctioned Avenue
RomanceAng akalang normal lang na magiging katapusan ng junior high school ni Nick Maidon ay hindi na niya makakamit dahil sa merong tao sa kaniyang nakaraan ang babalik sa kaniyang kasalukuyan. Ang akala niyang pagbabalik nito ay para sa kaniya ngunit hi...