Chapter 9

16 2 0
                                    

Rescue

Nick's POV:

"Aray! P*t*ngin* talaga!" Mahinang daing ko habang hinihimas ang binti kong kakakagat pa lang ng mga lamok. Kanina pa 'ko, kami, pinapapak ng lamok dito dahil sa puwesto ng pinagtataguan namin.

Isa isa lang, lahat kayo makakatikim sa 'kin. Makasipsip naman mga lamok dito, p*ta bakit kasi dito pa namin napiling magtago. Wala pa talagang aircon hanep.

Nasa isang lumang pabrika kami, maraming mga nakakalat na mga gamit, meron pang pangpabrika talaga. Sinundan namin si Luke kanina dahil sa kagustuhan ng tropa. Late na rin kami kanian kaya hindi na kami nagatubili pang sumunod sa kaniya.

"Sh*t" hiyaw ni Jordan kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Itinaas ko ang hintuturo ko at tinapat sa bibig, senyas na manahimik ang g*go na 'to at sinamaan ko siya ng tingin.

"Dito" I mouthed at them and motioned myself entering the factory. Sa entrance pa lang kasi ay nakita na namin sina Mike, Henry, at Elias na nakikipagpatayan nanaman. Umakyat si Luke sa isa sa mga hagdanang tago sa mata ng mga tao.

Akmang aakyat na rin kami nang magsalita si Megan, "isn't that Lucy, Nick?" Nanliit na matang tanong niya sa 'kin at tinuturo ang direksiyong 'yon.

Mula rito sa kinatatayuan namin habang paakyat kami ng hagdan at nakayuko ay kitang kita namin sina Lucy at ang grupo niya.

Nakasuot siya ng isang black cargo pants, black boots, black jacket, black pants, black mask, at ang pamatayan niyang black rectangular shades. Hindi ko makita nang maayos kung anong suot niyang panloob sa jacket dahil nakaside view lang siya.

"G*go, hindi ba natin tutulungan sina Mike? G*go andami nila" ani Jordan.

"Kaya nila 'yan, sisiw lang sa kanila 'yan" sabi ng pinakatahimik sa grupo at umiingay lang kapag usapang patayan — ay este labanan na ang usapan.

"Let's...maybe trust Lucy" wala sa sariling sabi ko.

"G*go ka ba?" Baling ni Megan sa 'kin na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Baka kasi may plano sila kaya pinapanood lang nila"

"Tama si Nick, manood na lang din muna tayo" gatong pa ni Zane kaya nginisian ko siya.

"T*ngin* niyong dalawa, gusto niyong panoorin na lang nating 'yung mga kagrupo nating mabugbog? Gumagaya lang kayo kay Lucy at ng grupo niya na nanonood lang, t*ngin* niyo ring dalawa eh" natatawang tanong sa 'ming dalawa ni Mila na para bang hindi pa makapaniwala sa inaasta naming dalawa. Isa sa mga tahimik din at nagsasalita lang kapag tungkol na sa tropa ang pinaguusapan.

"Gagalit ka kaagad, chill muna kasi tayo, init init na nga ng panahon, ang init pa ng ulo mo" sabi ni Zane at nakangisi na kay Mila. Gustong gusto talaga ng sir*ulo na 'to na binibw*sit si Mila pero hindi naman sumasakay sa mga trip niya si Mila kaya minsan ginagamit niya ang tropa para makuha ang atensiyon niya dahil alma niyang ito ang kahinaan niya.

"Oo, mas mainit talaga ulo ko kaysa sa panahon kaya huwag niyong sinisimulan dalawa. Halika na at tulungan sina Mike"

"Huwag na, kaya nila 'yan, ang kulit mo naman eh"

"Aray!" Sabay naming mahinang sigaw at hinimas ang tuktok ng ulo namin. "Nasisiraan na ba kayo ng bait dalawa? Nainlove lang kayo sa Lucy, baliko na 'yang mga utak niyo t*ngin*"

Sanctioned AvenueWhere stories live. Discover now