Ngayon ang araw ng simula ng aming klase, kinakabahan man ay gumayak na ako. Maagang umalis si Mamá dahil bago mag alas siete dapat ay andoon na siya sa bahay ng mga Laurent at ang oras naman ng uwi nito ay alas cinco ng hapon dahil may mga kasambahay namang naka stay sa bahay ng mga Laurent kaya nakaka uwi ng maaga si Mamá.
Dahil unang araw palang naman ay pinayagan kaming mag suot ng kahit ano dahil wala pa namang binibigay na school uniform saamin. Nang makapag ready na ay agad akong lumabas ng bahay at isinara ito.
Naglakad ako palabasan upang mag antay ng masasakyang jeep o kahit bus man lang. Tinignan ko ang relong pampulsuhan ko upang icheck kung anong oras na. May trenta minutos pa ako para sa unang paksa ko ngayong araw, nang may humintong jeep ay agad akong sumakay at nagbayad.
Nakarating rin naman ako agad sa tapat ng malaking Unibersidad, agad naman na akong bumaba. Marami raming studyanteng nagkalat sa labas ng paaralan at ang ibay labas pasok sa entrace.
Kabisado ko naman na itong University dahil ilang balik narin ako rito, iyon lang ay wala parin akong kaibigan sa kadahilanang wala akong panahon para doon. Hindi rin naman ako approachable na tao.
May ilan ilang napapalingon saakin at ang iba'y ngumingiti kaya ginagawaran ko rin sila ng tipid na ngiti kahit hindi ko naman sila kilala. Ilang minuto pa ay nahanap ko na ang room ng aking subject para sa oras na ito. May ilan ilang mga studyanteng nakaupo pero wala pa ang Instructor, kaya nakahinga ako ng maluwag at naghanap na ng mauupoan.
Magulo ang iba dahil siguro magkakakilala na sila ang iba naman ay may kaniya kaniyang mga mundo, naupo lang ako sa pinakagitnang upuang bakante para hindi ako mahirapang makita at marinig ang discussion kung sakali.
Ilang minuto pa ay dumami na kami dito sa room at may pumasok naring naka casual attire na nasa mid 40's na lalaki. Mybe our instructor for this subject. Natahimik naman ang kaninang maingay na silid. Tumikhim ang lalaking nasa harap at seryoso kaming tinignan isa isa, sa pustora niya ay halatang isa siya sa mga instructors na strikto.
"Good morning class, I am Atty. Ryan Maurisyo adress me by Atty. Maurisyo and I'm handling your Law of Oblicon subject this whole semister. And no need to introduce one by one, I only need a one piece of short index card then write you whole name in it together with your block. Now go"
Bumilis naman ang tibok ng puso ko hindi dahil sa instruction nito kundi dahil Atty. pala ito. Agad naman akong naglabas ng isang pirasong index card at isinulat ang pangalan ko doon pati block.
"Miss paki pass"
Napalingon ako kung kaninong kamay iyon. Isang babaeng nakasalamin ngunit maangas tignan ang nag abot niyon tinaasan lang naman ako nito ng kila saka inabot nito saakin ang hawak niyang index card. Wala akong nagawa kundi abutin ito dahil nag sasalita na sa harap si Atty. Maurisyo ipinasa ko nalang rin kasama ng saakin.
Nang maipasa ay bumalik na ulit ako sa aking upuan at laking gulat kong nasa tabi na nito at prenteng naka upo ang babaeng naka salamin kanina. Nakatingin lang naman ito sa kaniyang hawak na libro at palagay kong libro ito ng aming subject. Mayayaman nga naman.
Naupo na ako at finocus nalang ang atensyon sa harap kung saan nag bibigay na ng instruction si Atty. Maurisyo at ang kaniyang rules and regulation about his subjects.
"Do you get it? Sa next meeting ay mag uumpisa na akong mag discuss and ready for our graded recitation. Available ang books natin sa library pwede kayong bumili doon hindi ako nagbibigay ng hand outs para sa module natin kung gusto niyo ay mag take down notes kayo bahala kayo sa buhay ninyo..." marami pa itong sinabi pero isa lang ang naintindihan ko.
Magkano kaya ang librong iyon? Kasiya pa kaya ang natitirang pera ko para makabili. Binayaran ko kasi last time iyong first sem tuition ko kaya ilan nalang ang natirang perang naipon ko galing sa part time ko noong bakasyon.
YOU ARE READING
Ruling the Wild Waves
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 3. It's always been unfair since the beginning, no one can change the fact that our sphere are always been this cruel. But you still have a choice if you want to stay with that matter or keep going and fight for the waves of bat...