"Acine, kanina pa kita hinahanap..."
Rinig kong humahagos na tawag ni Loren saakin, napansin kong hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan niya iyong babaeng kanina pa nakatingin saakin ng seryoso.
Pilit akong tumayo kahit na mahapdi ang aking isang paa, napangiwi ako nang maramdaman kong sumagi sa sahig ang may sugat kong paa.
"Ayos ka lang ba? Hala may sugat iyang paa mo kaya mo bang maglakad?" sunod sunod na tanong ni Loren habang may nagaalalang expresiyon sa maganda nitong mukha.
Kahit masakit ay pilit akong tumango dahil nakakahiya naman kung aabalahin ko pa ito, malaki ang sugat ng paa ko ngunit pipilitin kong maka paglakad.
"Ate Olivia, kanina ka pa ba nandiyan?" gulat na tanong ng katabi kong si Loren sa babaeng nakatayo sa hindi kalayuan samin habang nakahalukipkip at parang bored na bored na pinapanood kami.
So siya pala iyong Ate Olivia'ng tinitukoy nito. She's pretty indeed, but looks like a grumpy woman. Sobrang sungit ng mukha niya, kamukhang kamukha nito ang kanilang Lola.
"Yeah, I'll just get back my jet ski"
Nnapalunok ako nang marinig na naman ang boses nitong napakalamig, ngunit kahit ganoon ay sobrang feminine parin ng boses niya.
Naglakad na ito palapit saamin, at dahil malawak ang broad walk ay malaya itong nakapag lakad papunta sa banda ng jet ski. So kaniya pala iyan?
"Tara na Acine, we need to treat your wound" nag aalalang baling saakin ni Loren.
"Okay let's go– Aww"
Impit na napasigaw ako nang maramdaman ang kirot mula doon nang maiapak ko ang may sugat kong paa. Damn this stupidness of mine.
Halos maiyak ako dahil hindi pa ito ganito kasakit kanina, mukhang malalim nga ang sugat nito dahil sobrang kirot niya na.
"Wait me here mag papatawag ako ng tauhan ni Lola–" natigil ito nang huminto sa harap namin ni Ate Olivia at seryosong tinignan kami pareho.
Nagulat kami sa sunod nitong ginawa, mas lalo na ako, bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Binuhat ako nito na parang wala lang, mas matangkad itong hindi hamak saakin dahil narin sa mas matanda ito ng ilang taon.
Ramdam ko kung gaano ka init ang aking mga pisngi dahil sa sobrang lapit ng mukha nito saakin ngayon, kita ko kung gaano kaganda ang mukha niya. Sobrang kinis at puti ng balat nito, parang never pa atang nadapuan ng lamok or nagkaroon ng tigyawat man lang.
"Kumapit ka't huwag kang tumingin saakin kung ayaw mong mahulog"
Napaiwas akong ng tingin nang marinig ang boses niya, agad naman akong kumapit sakaniya. Her tagalog accent is giving me something, what's happening to me? This is weird.
"Oh anong nangyari?" gulat na bungad saamin ng matandang kausap ni Loren kanina.
Naramdaman kong ibinaba ako ni Ate Olivia sa upuang kahoy, agad naman itong nawala pagkatapos noon at hindi na ulit nagpakita pa.
*
"Kaya mo bang umuwi?" nag aalalang tanong saakin ni Loren, pinahiram ako nito ng maluwag na tsinelas upang gamitin dahil hindi ako pupwedeng mag sapatos sa lagay na ito.
"Oo naman, sobrang nakakaabala na ako sainyo Loren" nahihiyang turan ko't nahihiyang tumingin sa matandang nakatingin lang saakin ng seryoso.
Nakakakaba naman ang mga tao dito, jusko ha. Si Loren lang ata ang hindi seryoso kung tumingin, halos lahat sila'y mukhang masusungit at may galit sa mundo.
"Anong abala, kasalanan ko nga kung bakit ka nagkasugat ng ganiyan" galit nitong saad na ikinailing ko lang at hindi na siya pinatulan pa.
"Oh siya sige na mauuna na ako, Loren gumagabi narin e" paalam ko dahil tanaw kong papalubog na ang araw sa dagat.
YOU ARE READING
Ruling the Wild Waves
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 3. It's always been unfair since the beginning, no one can change the fact that our sphere are always been this cruel. But you still have a choice if you want to stay with that matter or keep going and fight for the waves of bat...