Ilang minuto pa akong tulala habang nakatanaw kung saan lumabas si Olivia, damn I kissed a girl and I liked it.
I am really attracted to her? What does she mean by that, is she also attracted to me? But why? How? When? Andami kong tanong na wala akong sagot na mahagilap. Damn you Olivia, for making me feel confused like this. As far as I remember, I am straight. I liked Limuel.. Or did I really liked him? Argh, this is frustrating.
Lumabas narin ako't nasalubong ko pa si Kleo'ng mukhang hinahanap na ako.
"What took you so long?" nag aalaang tanong nito saakin nang makalapit, nginitian ko naman ito.
"Ah dumaan kasi ako sa kusina kanina, nahirapan akong hanapin sa lawak ng bahay ninyo" pagsisinungaling ko, mukha naman itong naniwala kaya niyaya ko na siyang bumalik kung nasaan ang mga kasama namin kanina.
Nang makarating ay agad na kumabog ang dibdib ko nang makitang nakatingin saakin si Olivia, I can't still believe that she let me call her second name. As far as I can remember Loren said that she hate it when people call her on her second name, only just close with her can call her on that name.
"Uy kantahan niyo naman kami, hindi bat gumagawa kayo ng banda? Dali na parinig" sabi ng katabi kong si Kleo. Nagtinginan naman ang apat dahil doon.
"Sure.. Wait I know a song favorite din ito ni Leigh e" makahulugang sabi ni Mallari'ng may birthday.
"Stop it, Mallari. No I won't sing it again" masungit na tanggi ni Leigh at inirapan pa nito si Mallari.
"Sus ang kj ni Leigh!" pang aasar ni Jhonny sakaniya.
Gusto kong matawa, halata sa mukha ni Leigh na napipikon na ito dahil salubong na salubong ang mga kilay niya.
Maang naman akong napatingin sa aking harap dahil naramdaman ko ang pagsipa ng kung sino man sa paa kong expose dahil naka heels ako. Masama ang tingin nitong nakatingin saakin at umirap, anlaki talaga ng problema nito saakin. Hindi ko nalang ito pinansin pa't bumaling nalang ulit sa apat na ngayon ay nakahawak na ng kaniya kaniya nilang Guitara.
Namangha naman ako dahil doon, they can play that thing? As I heared they are making a band and that's cool.
"This is the last time I'll play this, kung hindi mo lang birthday talaga" masama ang tingin nito sa kaibigan na tumatawa lang.
Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa pamilyar na musikang kanilang pinapatugtog, sobrang ganda sa pandinig ang sabay sabay nilang pag tugtog ng instrumento. May nag sstrum at nag pluplucking, ang sarap sa pandinig lalo na ang malamig na boses ni Leigh at Mallari.
"Wala akong pera, walang magarang sasakyan
At kung sasabihin, ako ay simpleng tao lang
Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundo
Pero aking maipapangakong"Hindi ko alam pero kusang napatingin ako kung nasaan si Olivia ngayon, hindi na ako nagulat nang makitang nakatingin rin ito sa aking banda. Busy ang lahat sa pagsabay sa kanta kaya confident akong hindi nila kami mapapansin sa staring contest naming ito.
"Araw-gabi, kaya kitang pagsilbihan
Hatid at sundo, ako ay lagi lang nandiyan
Pangako sa 'yo ay 'di na kita iiwanan"Napanguso ako dahil bigla itong kumindat saakin kaya agad akong napaiwas ng tingin sakaniya, napalagok ako sa basong hindi ko alam kung anong laman dahil bigla akong nauhaw. Nanlaki ang mga mata ko dahil alak pala iyon, huli na nang mapagtantong ubos na ang halos kalahating laman noon.
Umagos ang hatid nitong init sa aking lalamunan at napangiwi dahil sa pait ng lasa nito, nakaramdam rin ako ng pagkahilo matapos kong mainom lahat ng laman ng baso. I think it's the hard one that Kleo's drinking.
YOU ARE READING
Ruling the Wild Waves
RomansCOSTA DEL SOL SERIES 3. It's always been unfair since the beginning, no one can change the fact that our sphere are always been this cruel. But you still have a choice if you want to stay with that matter or keep going and fight for the waves of bat...