Kabanata 5

25 0 0
                                    

It's been a week since that day. Hindi narin na ulit na yayain ako ni Mamá sumama sa Mansion ng mga Laurent, bumalik na raw ulit sila sa Manila dahil doon ang mga ito nag aaral.

Papasok na ako sa school ngayon dahil Preliminary Exam namin ilang gabi rin akong puyat kaka review dahil may inaalagaan akong grado. Kaya halata sa akin ngayon ang pagiging puyat, isinawalang bahala ko nalang ito dahil ang mahalaga nama'y makapasa.

"Hey"

Sinalubong ako ni Loren, isa sa mga ka block kong close ko narin.

"Hi, aga ah" ani ko.

Napa kamot naman ito sa kaniyang batok tila nahihiya, ganiyan siya palagi sa tuwing nagkakausap kami.

"Ah, inaabangan talaga kita"

Kumunot naman iyong noo ko dahil sa pagtataka, at bakit naman niya ako aabangan?

"Bakit may problema ba?" takang tanong ko sakaniya.

Sabay na kami ngayon nag lalakad papunta sa room na pag eexaman namin mamaya. Alas otso palang ng umaga pero marami ng mga studyanteng nagkalat sa bawat sulok ng paaralan, marahil may mga kaniya kaniyang exam din.

"Wala naman.."

Halata sakaniyang may gusto itong sabihin pero hindi niya lang masabi.

"Hmm ikaw bahala" turan ko.

Nang makarating kami sa pinto ng silid ay agad naman ako nitong pinigilan kayat napa hinto ako sa pagpasok at napatingin sa kamay nitong nakakapit sa braso ko.

"S-sorry.. Ano kasi" kinakabahang binitawan nito iyong braso ko.

Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong hinahawakan ako ng walang pasabi, huminga ako ng malalim upang pigilan ang inis na namumuo sa aking kaluoban bago ito binalingan at seryosong tinignan.

"Ano ba? Kanina pa kita tinatanong, kung wala kang sasabihin, pwede lubayan mo muna ako? Mauuna na ako sa loob" inis kong sabi bago ito nilagpasan.

"Acine!"

Tinawag pa niya ako pero hindi ko na ito pinansin at nag tuloy tuloy ng pumunta sa pwesto kung nasaan ang upuan ko. Badtrip akong naupo doon.

"You okay?" Kleo asked.

"Mukha bang oo?"

Hindi ko naman maiwasang mag sungit dahil hindi parin humuhupa ang inis na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, wala namang ginagawang masama si Loren. Nagbuntong hininga nalang ako bago tinuon ang atensyon sa reviewer ko, ngunit agad rin namang sumuko, wala rin naman kasing pumapasok sa isip ko dahil talagang walang wala na ako sa mood. Kulang na kulang ang tulog ko tapos iyon pa ang ibubungad ni Loren sa umaga ko, sino bang hindi maiinis hindi ba?

"Good morning class......" dumating si Prof. Gloria para sa unang test namin ngayong araw.

Nag instruct ito kung paano ang exam at ang duration nito, isang oras lang pwedeng itake ang test at 60 items ito. Madali ko lang naman itong natapos dahil halos lahat ng scope nito ay naaral ko.

Tahimik lang akong naka yuko dahil nakakaramdam na ako ng matinding antok. Ito na ata ang epekto ng ilang araw kong pag pupuyat, pasimple akong humihikab nang mapansin kong palingon lingon saakin si Loren dahil nasa harap lang ito sa right side, at nang makita niyang nakatingin ako sakaniya ay agad itong umiwas at pinamulahan ng pisngi.

Napataas naman ang kilay ko dahil doon, she's acting weird. Ilang minuto pa ay unti unti naring natapos ang iba ko pang kaklase, kaya nag pass na ang mga ito.

Ruling the Wild WavesWhere stories live. Discover now