"So tonight, let's witness how Mauve and Lim's clan united-"
Natigilan ako kasabay ng pag banggit ni Laurence sa mga katagang iyon sa kabilang linya.
"Acine! Acine si Abuelo.. A-Acine where are you? Si Mamá kasama mo ba? We need you here please tell Mamá to come here asap.. si Abuelo nasa hospital"
Halos mabitawan ko ang cellphone kong hawak at nagmamadaling tumakbo upang hanapin kung nasaan sila Abuela. Natigilan ang lahat dahil sa biglaang pagtakbo ko, ngunit wala na akong pakealam dahil sobrang nawawasak na naman ako ngayon.
"Anong nangyayari Acine? Ayos ka lang ba?" naguguluhang tanong ni Abuela'ng nakaupo kasama sila Tita Laura't Mikael kasama ang pamilyar na mga mukha saakin. Seryoso at nagtataka ang mga ito.
"A-Abuela.." nangingig ang boses ko, kahit sila Tita Laura'y nag aalala narin, tumunog ang telepono nito na rinig namin dahil sa katahimikan ng palagid.
"We need to go back now, Abuelo's in the hospital" agad na napatayo si Abuela dahil doon.
"What?" gulat na sigaw niya.
Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari, the next thing I know is napapaligiran na kami ng mga tauhan ni Abuela. Nauna ng umuwi sila Tita kasama si Abuela habang ako'y papunta na sana sa kotseng sinakyan ko kanina nang maramdamang may humawak sa aking braso.
"What's happening?" A cold yet sweet voice lingered on my ears. At sa boses na iyon ay kilala ko na kung sino ito, I gulp before looking back at her.
Nanghina ako nang makita ito ng malapitan, kanina ko pa siya gustong lapitan ngunit sobrang daming nangyari. I miss her so much.
"Olivia.." mahinang tawag ko sa pangalan nito, wala naman itong naging reaksyon na ikinasikip ng dibdib ko.
"You don't know how much it means to us this night, Acine" galit ito, base sa kaniyang expresiyon ay kaya nitong makasakit.
"N-Nasasaktan ako Olivia.." hirap kong inaalis ang pagkakahawak nito sa aking braso. Natigilan naman ito, ngunit matigas parin ang expresiyon nito.
"How can you go back here like nothing happened? Are you really like that, Acine huh? You don't even care about others feeling? You're going back here like you didn't leave us hanging, you still have the courage to ruin this special night for us" natigilan ako, galit na napabaling ako sakaniya, kita ko ang gulat sa mga mata nito ngunit agad ring napalitan ng panlalamig.
Sobra akong nasasaktan ngayon, para akong pinupunit dahil sa mga nalalaman ngunit wala akong magawa't hayaan itong mawasak hanggang sa wala na akong maramdamang kakapitan, ngayon ito ang isusumbat niya saakin? Wala na ba talagang katapusan itong sakit na nararamdaman ko?
"You don't even know everything, so stop talking like you know everything. Nieves" iyon nalang ang huli kong binitawang salita bago sumakay ng sasakyang kanina pa nag aantay saakin.
Pinahid ko ang luhang umalpas saaking
mga mata't hindi na ito nilingon pa, I really loved her. But I didn't know that loving her is this hurt as hell. Hindi ko siya masisisi kung galit siya sa pag iwan ko sakaniya, ngunit wala siyang karapatang questionin ang nararamdaman ko. Wala siyang alam.Pag dating ko ng gabing iyon sa Mansion ay agad kaming nag flight lahat kasama si Kuya, ipinagpaliban pa nito ang kaniyang kasal dahil narin sa lagay ni Abuelo. Lahat kami ay lumipad papuntang Espanya ng gabi ding iyon.
*
Isang gabi ay tulala lang akong nakaupo sa tabi ng higaan ni Abuelo habang binabantayan ito, ilang gabi na itong comatose. He's still not waking up, nagngingilid ang mga luhang hinaplos ko ang palad nitong halata na ang katandaan dahil sa kulubot na.
YOU ARE READING
Ruling the Wild Waves
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 3. It's always been unfair since the beginning, no one can change the fact that our sphere are always been this cruel. But you still have a choice if you want to stay with that matter or keep going and fight for the waves of bat...