Kabanata 10

7 0 0
                                    

Lumipas na naman ang mga araw, nakapasok narin naman ako kahapon. Biyarnes ngayon, huling araw ng klase namin. Nasa huling subject na kami, abala akong nakikinig, medyo inaantok ako dahil nag basa ako ng romance book ni Jonaxx kagabi, sobrang ganda kasi talaga ng story niya.

"Okay class that's all, dismissed"

Halos mapatalon ako sa tuwa nang marinig iyon, uwing uwi narin kasi ako, gusto ko ng matulog at magkapag-pahinga.

"Kanina pa kita napapansing wala sa sarili, Acine" rinig kong sabi ni Kleo sa tabi ko kaya agad ko itong tinignan sabay nginitian.

"Antok lang, anong oras na kasi ako nakatulog kagabi" paliwanag ko habang inaayos ang gamit.

"Hmm.. Uwi kana?" tumango ako dito, "Huwag mong kalimutan bukas ha, party ng pinsan ko you should come with us" agad akong natigilan.

Oo nga pala paano ito, hindi ko naman pwedeng tanggihan si Kleo dahil sa pagkakalilala ko sakaniya paniguradong magtatampo ito. Nginitan ko siya at pilit na tumango.

"Formal party ba iyan?"

Naglalakad na kami ngayon palabas ng room. Alas dose na ng tanghali kaya mainit init na ang atmospira, naka suot lang naman ako ng Type B uniform namin at black miniskirt namin sa Type A na pang ibaba, ganoon rin si Kleo ngunit naka pants ito.

"You can wear whatever you want, knowing Mallari ayaw na ayaw noon ng formal party. She wants to celebrate her birthday at peace, kung pwede nga lang huwag na siyang mag celebrate dahil sa kaonti ng mga bisita niya" natatawang kwento nito, napatango ako't may napagtanto.

Hindi lahat ng mayayaman ay sunod sa luho't gusto nila. Hindi naman pala lahat ay katulad ng ibang mayayaman na halos waldasin na ang mga milyones nila para lang sa isang karaniwang araw. I know occasions is indeed important, but you can do it special without spending so much money to make it special. Spending with your loveones on your important days is much more special, just having an simple dinner and little chitchats makes you feel contented. But I know, we have different perspective in lifes. It's my own perception, because I grew up in a simple lifestyle and loving parents of mine.

"Hoy kinakausap kita"

Napakurap ako dahil sa lakas ng boses ni Kleo, sinamaan ko ito ng tingin. Mukha ba akong bingi?

"Alam mo nagtataka ako kung bakit kita naging kaibigan, dati naman tahimik ka" pang asar ko sakaniya kaya inirapan niya lang ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong nasa parking area na pala kami, ganoon na ba ako ka lutang at hindi ko napansing nakarating na kami dito?

"Kanina pa ako kwento ng kwento dito hindi ka naman nakikinig, oh basta ha bukas susunduin kita sainyo. Alas cinco ng hapon, papaalam kita kay Tita Anicia, bye see you"

Sumakay na ito sa kaniyang sasakyan, kumaway pa ito bago paandarin. Nag aabang na ako ngayon ng masasakyan sa waiting shed dito sa tapat ng school, kita mula rito ang tirik na tirik na araw sa kalsada. Napatingala ako sa kalangitan, makulimlim na naman ang mga iyon, sana nga'y huwag munang umulan dahil baka maabutan na naman ako, wala pa naman akong dalang payong.

Patingin tingin ako dahil baka may dumaang jeep o bus man lang, ngunit sa kasamaang palad ay wala parin talaga. Napabuntong hininga ako sa ikalimang pagkakataon. Nang may humintong pamilyar na sasakyan sa harapan, I know this car. Ilang beses na akong nakasakay dito, nakakapagtaka pa dahil pumarada pa talaga ito sa hihintuan ng jeep, mayroon pa naman na akong natanaw papunta dito.

Paparahin ko na sana ang jeep nang bumaba ang samalin ng itim na SUV, tumambad doon ang mukha ni Loren.

"Sabay kana, Acine"

Ruling the Wild WavesWhere stories live. Discover now