Sumapit ang sabado, kaya maaga akong gumising dahil maaga kaming gagayak ni Mamá papunta sa bahay ng mga Laurent.
Iti ang unang beses kong makaka punta sa bahay na pinagtratrabahuan ni Mamá kaya hindi ko maiwasang kabahan at makaramdam ng hiya sa hindi malamang dahilan. Aware akong mayaman ang mga ito dahil nabanggit ito ni Mamá.
"Tara?"
Bungad ni Mamá pagkalabas ko nang pinto ng aming kwarto. Nginitian ko naman siya at tumango bilang sagot.
Paglabas namin ng bahay ay agad naming salubong si Mang Rico kaya nagkabatian sila ni Mamá dahil mag kaibigan ang dalawang ito. Ako ay tahimik lang naman sa tabi ni Mamá, hindi naman talaga ako mahilig makipag socialize.
"Oh siya sige Rico mauna na kami.." paalam ni Mamá nang matapos silang makapag usap.
Sumakay kami ni Mamá ng trysikel dahil kabilang baranggay lang naman daw iyong bahay ng mga Laurent.
"Para Isko, dito na kami... Oh heto ang bayad"
Tumigil kami sa tapat ng isang malaking modernong bahay, habang tinitignan ito mula rito sa aking kinatatayuan ay hindi ko maiwasang manliit. Hitsura palang ng harap ng bahay ay nag susumigaw at umaapaw na ito sa karangyaan. Kung bahay pa nga itong matatawag, mansiyon na ito eh.
"Halika na pumasok na tayo sa loob 'nak" wala sa wisyong tumango ako at sumunod kay Mamá.
Pumasok kami sa maliit na gate at bumungad sakin ang malawak na front yard. Hindi mo ito makikita pag nasa labas ka dahil natatakpan ito ng nagtataasang gate. Malawak ang parking space na may ibat ibang uri ng mamahaling sasakyan habang sa kabilang banda ay may mini garden doon, sobrang ganda.
Nakaramdam ako ng panliliit, nararapat bang andito ako ngayon?
"Ayos ka lang ba, Anak?" nag aalalang tanong ni Mamá sakin nang lumapit ito.
"A-Ah opo Má.." mahinang sagot ko.
Iwinaksi ko ang lahat ng hindi magandang pag iisip sa aking isipan, nag pokus nalang sa gagawin.
"Halika sa kusina at magluluto ako, tulungan mo akong mag ayos sa Lanai"
Ininstruct ako ni Mamá kung anong dapat kong gawin habang siya ay nag luluto kasama ko naman ang isang katulong nila.
"Tama ba itong ginagawa ko, Ate Precy? Pasensya na ha naabala pa kita" sabi ko dito.
"Nako ayos lang ano kaba Acine siguro kung wala lang bisita iyang si Ma'am Gab ay hindi ka naman aabalahin ni Ate Anicia" bibong sagot niya saakin.
"Sinong Gab?" takang tanong ko.
"Ah anak iyon ng amo namin dito, Unica Hija kaya sunod sa layaw.." kwento nito.
"Ahh.."
Nang maayos namin ang mga gagamitin nila para sa agahan ay siya namang may dumating na dalawang matanda na sa palagay ko ay si Mr. and Mrs. Laurent.
"Magandang umaga ho Ser, Ma'am" bati ni Ate Precy sa mga ito.
"Morning, bago?" turo ni Mr. Laurent saakin.
"Ah hindi Ser anak ni Ate Anicia"
"Ah, ikaw pala ang anak niya. Napaka gandang bata aba" nakangiting sabi ni Mrs. Laurent.
"Magandang umaga ho, Mr. and Mrs. Laurent" nakangiting bati ko sa mga ito, bigla namang tumawa si Mrs. Laurent na ipinagtaka ko.
"Nako so formal of you, just call me Tita Riley and this Glen" pakilala niya.
"Okay po.."
Nagpaalam na ang mga ito upang pumunta sa Lanai, hindi naman pala sila tulad ng inaakala kong mga matapobre at masama ang ugali. Siguro hindi naman lahat ganoon.
YOU ARE READING
Ruling the Wild Waves
RomanceCOSTA DEL SOL SERIES 3. It's always been unfair since the beginning, no one can change the fact that our sphere are always been this cruel. But you still have a choice if you want to stay with that matter or keep going and fight for the waves of bat...