AUTHOR'S NOTE:
First of all, I would like to thank everyone who tried to read my story. I promise na iimprove ko pa ang pagsusulat ko para sa inyo.You can add me on my facebook, tara usap tayo. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35Please follow my blog na rin. Thanks in advance!
https://gabbysreroute.wordpress.com/Lastly, gusto ko lang po malaman niyo na FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week. Depende po pag feeling ko bitin ang latest chapter. Hehehe.
Muli, MARAMING SALAMAT!
Heto na at makikilala niyo na sa chapter na ito ang makakasama ni Ray sa tour at sa story na ito. ^_^
============================================================================
CHAPTER TWO
Nagsalubong ang aming mga mata. Nangungusap ang mga ito. Para akong natutunaw sa mapanuksong titig ng kanyang mga mata. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso, parang may libo-libong kabayo ang tumatakbo rito. Hindi ko rin alam kung humihinga pa ako, nanginginig ako na parang natatae. Bakit naman kasi siya ganito? He's always like this. Alam ba niya ang nararamdaman ko? Kung alam nga niya'y pinaglalaruan ba niya ako? Ewan ko.
Matagal din kami sa ganoong titigan ngunit naputol ito nang bigla niyang pitikin ang mga mumo ng biscuit papunta sa aking mukha. Nalasahan ko ito; maalat, nakanganga pala ako.
"Pwe!" habang binubuga ko ang mga mumo ng biscuit na na-shoot sa aking bibig. Pinunasan ko rin ang mukha kong puno ng mumo. Malakas siyang tumawa.
Habang siya'y tumatawa ay mabilis akong gumanti; pinagpag ko ang wrapper ng biscuit na may kasamang mumo sa kanyang mukha't bibig. Kumakain kasi kami noon at may hawak na mga wrappers na aming pinagkainan.
Gumuhit ang inis sa kanyang mukha, bilang ganiti'y kiniliti niya ako sa tagiliran. Pilit ko itong pinigilan dahil malakas ang kiliti ko rito ngunit sadyang masmalakas siya sa akin. Hindi namin napigilang mag-ingay at magtawanan.
"Hoy! Ang gulo niyo!" sigaw ng isang kasama namin sa tour bus. Kakagaling lang namin noon sa forbidden city sa beijing, china. Tatlong oras mahigit din kami umikot roon, pagod ang lahat ngunit parang wala kaming kapaguran ng lalaking ito, patuloy ang kulitan at kwentuhan namin habang ang lahat ay pagod at natutulog sa loob ng malamig na bus. Parang amin ang mundo.
***
"Ano ba iyan Ray! Pati sa biscuit naaalala mo siya." sabi ko sa sarili ko sabay dahan-dahang kinagat ang biscuit. Ninamnam ko ito. Ingat na ingat rin akong hindi magkalat, nasa Japan ako at medyo mahigpit sila sa cleanliness. Kapansin-pansin din ito kahit sa loob ng tour bus na inuupuan ko ngayon dahil may kanya-kanyang plastic bag ang bawat upuan.
Habang ngumunguya ay napansin kong halos occoupied na ang lahat ng seats ng tour bus maliban sa tabi ko. Nasa pinaka-likuran ako ng bus kaya nakikita ko ang mga kasama ko sa tour. Pansin ko na lahat ay foreigner; may German, Belgian, American, at French; ako lang ang Pilipino. Pag sinuswerte nga naman oh. Loner ang peg ko sa loob ng isang buong araw, city tour pa man din. Hay.
Napabuntong hininga ako. Tinuon ko na lang ang aking mata sa labas ng bus. Pinanood ko ang pagdaan ng mga sasakyan at paglalakad ng mga tao sa kalsada. Ramdam ko rin ang mainit na sinag ni haring araw na tumatagos sa salamin ng bus papunta sa aking balat. Hindi ito kainitan dahil bukod sa maaga pa'y winter season ngayon sa Japan.
BINABASA MO ANG
Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)
RomanceIf you will rank your chances from 1 to meeting your true love. What will it be? This is a story of a bisexual guy and a straight man, their paths crossed while on a vacation in Japan. Together, they go to places and discover things about each other...