Chapter Thirteen

639 61 13
                                    

AUTHOR'S NOTE:

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.

Batian portion. Next chapter na po. (namiss ko na ito! =D )

=============================================================

BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com


CHAPTER THIRTEEN

"I'm sorry... Hindi pupwede ito."

Paulit-ulit na umeecho sa aking tenga ang mga katagang iyon. Para akong nabingi. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko'y tumigil ang paghinga ko. Nakatingin ako sa kawalan.

Napansin ko na lang na bumukas ang pinto ng Cable Car. Agad akong tumakbo palabas. Tinawag niya ang aking pangalan, ngunit bingi na ako. Ayokong marinig ang boses niya. Ayokong siya makita, kahit anino niya'y hindi ko nais makita. Napansin ko na lang na naglalakad ako sa kahabaan ng kalsadang punung-puno ng snow. Napakalamig ng hampas ng hangin, para itong karayom na bumabaon sa aking balat, masakit, pero bakit wala akong maramdaman sa loob ko?

Napansin ko na lang na narating ko na ang bus. Agad akong umakyat. Napansin kong puno na ang bus. Kami na lang ng taong iyon ang hinihintay, wala pa siya. Agad akong dumiretso sa pinakalikuran kung saan ang upuan namin. Umupo ako sa tabi ng bintana.

Sinuklob ko sa aking ulo ang hood ng jacket ko. Diretso akong nakatingin sa kawalan. Pakiramdam ko'y hindi ako humihinga. Para akong namanhid, wala akong maramdaman. Ilang saglit pa'y naramdaman kong may umupo sa tabi ko, alam kong siya iyon. Ayoko siyang makita. Kahit ang pangalan niya'y ayoko banggitin.

Naramdaman kong umandar na ang sinasakyan naming bus. Nabalot kami ng nakabibinging katahimikan. Ilang saglit pa'y nabasag ito.

"Ray... I'm sorry." mahina at alanganin niyang sabi.

Hindi ako kumibo. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso. Malakas ko itong hinawi.

"Don't touch me. Nadudumihan ang damit ko." pabulong ngunit matigas kong sabi.


***


Narinig ko ang pagtawag sa amin ng tour guide. Naramdaman kong tumayo siya. Ilang segundo ang lumipas at tumayo na rin ako. Nababalutan pa rin ng hood ang aking ulo habang nakayuko akong naglalakad palabas ng bus. Ilang saglit pa'y humalik ang swelas ng boots ko sa snow.

"Ray." Tawag niya sa akin sabay hawak sa balikat ko. Malakas kong hinawi at hinampas ang braso niya.

"Tanga ka ba at hindi ka makaintindi?" sigaw ko sa kanya. Wala akong pakielam kung may ibang taong makarinig. Bigla kong naramdaman ang galit. Galit sa aking sarili.

Napansin ko na lang na mabilis akong naglalakad. Ang alam ko'y papunta akong boat sa may Lake Ashi para sa river cruise.

Pagkarating sa boat ay agad akong umakyat sa second floor, walang bubong rito at walang tao. Narinig kong may sumunod sa akin, alam kong siya ito.

Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon