Chapter One

3K 95 17
                                    

Enjoy reading guys! After three years of hiatus, nakapagsulat na rin ng bagong story. Yey! Anyway I'm looking forward sa mga magiging comments niyo. ^_^

You can add me on my facebook, tara usap tayo. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35

Please follow my blog na rin. Thanks in advance!
https://gabbysreroute.wordpress.com/


============================================================================


CHAPTER ONE

Tag-ulan ng panahong iyon. It could've been an ordinary rainy season, but it's not.

Nagising akong mabigat ang ulo. Dumilat ako. Bumungad sa aking katawan ang malamig na temperatura. Inikot ko ang aking mga mata; tanging dilaw na dim lights lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng mala-yelong lamig ng aircraft cabin. Nanginginig ako. Naramdaman kong may nakapatong sa aking ulo, humihilik. Hindi ko napigilang matawa sa narinig. Napatakip ako sa aking bibig, baka may magising. Hinawakan ko ang ulong nakapatong sa akin at dahan-dahan kong inayos ito habang ako'y umayos naman ng pagkaka-upo.

Madilim man ay inaninag ko ang kanyang mukha, mahimbing siyang natutulog. Muli kong naalala ang posisyon namin kanina; nakahilig ako sa kanyang balikat habang ang ulo niya'y namamahinga sa aking ulo. Napansin ko na lang na nakangiti ako, nakikisabay rin ang puso kong lumulundag sa sayang nararamdaman. Lalong lumakas ang panginginig ko. Kilig bang matatawag ito? Ewan, siguro. Ang alam ko lang ay masaya akong kasama siya. I know he's straight at may girlfriend. Pero hindi ko maiwasang kwestyunin ang sekswalidad niya dahil sa mga nangyari sa amin nitong nakaraang apat na araw.

Napahikab ako at nag-inat. Muli akong dinalaw ng antok. Muli akong humilig sa kanyang braso. Dahan-dahang linapit ng kanan kong kamay ang kanyang ulo sa akin upang dito'y muling mamahinga. Naamoy ko ang kanyang blvgari perfume, lalaking-lalaki ang amoy nito. Pinikit ko ang aking mga mata. Malamig ang buong kwarto pero ramdam ko ang init ng aking katawan at init ng kanyang balat.

This rainy season is no ordinary, for me it's our season. Para sa akin, bawat patak ng ulan mula sa langit ay biyaya dahil siya ang kasama ko. Namahinga ang aking diwa sa kanyang bisig. Iyon ang huli kong naalala.

***

"Aray!" nabagsakan ang kanang paa ko ng isang malaking maletang kulay gray. Pinutol nito ang paglalakabay ng aking isip sa nakaraan. It is now winter season here in Japan at Narita Airport kaya bumili ako ng dark brown leather boots, kabago-bago nabinyagan agad.

"Sorry." he apologized. Naka-itim na hoodie jacket siya. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakapatong ang hood sa kanyang ulo. Pinulot nito ang kanyang maleta.

Napapikit ako sa sakit. Ramdam ko ang pagpintig-pintig ng parteng tinamaan ng malaki at mabigat na maleta.

"Lintik naman kasi Ray, six years ago na iyon pero sa tuwing sumasakay ka ng eroplano ay lagi mo pa ring naaalala ang eksena niyo noon. Ayan kakaisip mo, binagsakan ka ni tadhana ng maleta para magising ka sa realidad." sigaw ko sa sarili ko. Inapakan ng kaliwang paa ko ang kanan kong paa. Diniin ko ito na para bang pinipisil-pisil upang hindi mamaga, magkapasa, o kung ano pa man. Siguradong marurumihan ang aking bagong biling sapatos, ngunit wala akong pakielam. Ang sakit kayang mabagsakan ng maleta sa paa.

Few seconds passed ay nakita ko na rin ang aking blue urban luggage, umiikot ito sa baggage carousel kasama ang iba't-ibang bag. Alam kong akin ito dahil bukod sa kulay at disenyo ng bag ay tinalian ko ito ng iba't-ibang kulay ng ribons na para bang sumisigaw ng "Hoy Ray ako ito, ang maleta mong may colorful ribbons! Kunin mo na ako dahil nahihilo na ako kaiikot."

Pagtapat ng maleta ko sa akin ay mabilis ko itong kinuha. Inayos ko rin ang leather crossbody bag kong dumadausdos mula sa aking balikat. Tiningnan ko ang oras, 10 minutes na lang at aalis na ang airport limo sa labas; nasa Japan ako kaya hindi uubra ang filipino time habit. Mabilis kong hinatak ang maleta palabas ng baggage claim area. Nang malapit na ako makalabas ay bigla kong naramdaman ang pantog ko, parang sasabog ito.

"Putcha naman oh. Kahit kailan wrong timing." sabi ko habang malikot kong iniikot ang aking mga mata, di nagtagal ay nahagip nito ang isang comfort room, medyo may kalayuan ito. Agad akong tumakbo habang hinihila ang aking maleta, rinig ko pa ang masiglang tunog ng mga gulong nito.

Papasok na ako ng CR nang lumabas ang isang matangkad na lalaki at nabangga ako, tinamaan ako sa braso't balikat. Nahulog ang aking bilugang ray-ban shades na naka-ipit sa aking blue polo.

Narinig kong nag-sorry ang nakabunggo sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin. May hinahabol ako at kailangan kong pakalmahin ang pantog ko para makalabas na rin agad ng airport. Mabilis kong pinulot ang aking shades at nagmadaling pumasok sa loob ng CR habang hinihila ang aking maleta.


ITUTULOY

Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon