Chapter Ten

739 68 4
                                    

AUTHOR'S NOTE:

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.

Batian portion. Next chapter na po. (namiss ko na ito! =D )


=============================================================


BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
BLOG: gabbysreroute.wordpress.com


CHAPTER TEN

Napako ang mata ko sa kanyang mga mata. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw. Para akong hindi humihinga. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Nanginginig din ang aking kalamnan, hindi ito gawa ng basa kong damit, marahil ay gawa ito ng 'di maipaliwanag na nararamdaman ko sa kanya.

Ilang saglit pa'y yumuko siya. Patuloy pa rin akong nakatitig sa maamo niyang mukha. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon na iyon, naramdaman ko na lang ang malakas niyang tinapik sa aking sapatos, senyales na tapos na niyang idikit ang nasirang swelas ito gamit ang glue.

"Ingat ah. Baka masira na naman 'yan." sabi niya sabay ngiti. Pasimple siyang tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin, naiilang ako na kinikilig.

"Hindi naman kasi masisira iyan kung hindi ka clumsy." sabi ko sabay tingin sa kisame. Pasimple akong ngumiti.

"Sa susunod kasi 'wag bumili ng pekeng sapatos."

Tumingin ako sa kanya, nakita kong nakatingin siya habang nakangiti at labas ang dimples. Shit! Napansin ba niya ang smile ko kanina?

"Peke ka 'dyan. Sipain kita eh gusto mo?" sabi ko sabay bahagyang usod ng paa ko na nakaharap sa kanyang mukha.

Tinukod niya ang dalawang kamay niya sa puting dingding sa pagitan ng balikat ko. Dahan-dahan niyang linapit ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Tatlo o dalawang pulgada na lang ata ang layo ng kanyang mukha sa akin. Para akong natameme, hindi ako makagalaw, hindi ako makaimik. According to my standard, hindi naman kasi talaga siya gwapo pero ang lakas ng dating niya sa akin.

"Gawin mo, kung kaya mo." mahina at malambing niyang sabi sabay kindat at smile. Naramdaman ng mukha ko ang mainit niyang hinga.

Napalunok ako. Bahagya kong tinaas ang aking ulo as a sign of confidence. Ngumisi ako.

"Don't challenge me Rome. Hindi mo alam ang kaya kong gawin. 'Wag mo akong sagarin."

"Talaga? Halikan mo nga ako!" matigas niyang sabi.

Kinikilig man sa narinig ay sinubukan kong 'wag ipahalata ang nararamdaman ko sa kanya. Dahan-dahan kong linapit ang mukha ko sa kanya, isang pulgada na lang ang layo ng aming mukha. Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ng aking palad ang kanyang mukha pababa sa kanyang leeg. Napansin ko ang pagbabago sa kanyang mga mata, mapupungay na ito ngayon at may kung anong emosyon ang hindi ko mabasa. Tinukod ko ang noo ko sa kanyang noo. Muling naramdaman ng mukha ko ang malalim at mainit niyang hinga.

Ilang saglit pa'y pinitik ng isa kong kamay ang kanyang tenga sabay takbo.

"I got you there! Akala mo ha." sabi ko sabay halakhak.

Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon