AUTHOR'S NOTE:
Gusto ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng readers ko. Hindi ako nakapagpost kahapon gawa ng nagloko ang internet namin kagabi. Pasensya na. Kaya heto, bumawi ako, dinagdagan ko ng kaunti ang Chapter na ito. Sana po'y magustuhan niyo.
BTW, MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION.
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Muli, MARAMING SALAMAT!
(Sa chapter 7, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)
======================================================================
CHAPTER SIX
"Ang daming tao bro. Parang LRT." sabi niya habang bumababa ng bus.
"MRT kamo dude. Mas maraming tao roon." sagot ko. Humalik ang swelas ng aking sapatos sa semento.
"Parehas lang 'yun."
Inikot ko ang aking mga mata. Nakita kong kumakaway ang isang red flag. Alam kong sa tour guide namin iyon. Sinundan namin ito at nakipagsiksikan sa mga tao. Iba't-ibang lahi ang mga nandito, may European, Japanese, American, at iba pa.
"Excited na ako sa River Cruise!" sigaw ko. Kasama sa tour namin ang Sumida River Cruise. Maiikot namin ang ilang parte ng tokyo habang nakasakay sa river boat. Exciting!
Ilang saglit pa'y binati kami ng mga nakahilerang haligi na kulay gray; gawa ang mga ito sa bakal. Sinusuportahan nito ang bubuong ng port.
"Ray! Ang gara naman ng boat! Ngayon lang ako nakakita ng design na ganyan. Parang robot sa mga anime o di kaya'y parang submarine na puro salamin na naka-angat sa tubig. Ang ganda!" masayang sabi ni Rome na parang bata. 'Di ko napigilang mapangiti. Maraming beses ko na itong nakita ngunit ako ma'y namamangha pa rin sa ganda ng disenyo nito. Isa itong klase ng water bus na exclusive sa Tokyo. Tokyo Cruise Ship ang tawag sa boat na iyon.
"Rome, I think hindi iyan ang sasakyan natin." napakmot ako sa aking ulo. Tumingin ako sa kanya.
"Ha!?" nanalaki ang kanyang mga mata.
"'Yun oh." sabay turo ko sa isang puting River Cruise Boat. May dalawang palapag ito at walang bubong ang itaas.
"Pwede na rin." napangiwi siya. Parang nadismaya ba.
"Parang napilitan."
"Kakaiba kasi 'yun." sabi niya sabay turo sa isang boat na manghang-mangha siya.
"Maganda rin naman ito ah. Tingnan mo, pwede tayo 'dun sa second floor. Mahangin. Malamig. At..." natigilan ako. Sasabihin ko sana'y romantic. Buti na lang napigil ko ang dila ko. Hehe.
"At?"
"At presko kagaya mo." biro ko sabay tawa.
"Baliw." nangingiti niyang sabi.
"Lakas."
Tiningnan ko ang kanyang tenga. Medyo malaki ito. Pero kahit ganoon ay hindi ito nakabawas sa malakas niyang dating. He's still cute. Hindi ko napigilang mapangiti.
"Ano meron bro?" bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Ha?"
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya. Shit. Kanina ko pa ata siya tinititigan. Baka kung ano isipin nito ah.
BINABASA MO ANG
Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)
RomanceIf you will rank your chances from 1 to meeting your true love. What will it be? This is a story of a bisexual guy and a straight man, their paths crossed while on a vacation in Japan. Together, they go to places and discover things about each other...