AUTHOR'S NOTE:
(PLEASE READ!) =)First, nasabi ko last chapter na i-eedit ko ang Chapter 1-4 ng "Love, Stranger". But then since hindi kakayanin ng oras ko dahil back to school ako (currently studying nihongo), sa BOOK or E-BOOK version (SOON in BUQO) na lang po ng "Love, Stranger" ang EDITED AND BETTER VERSION NG STORY NA ITO. Syempre, may pera na pong involve iyon at dapat lang na maganda ang pagkakasulat nun. I'll try to edit pa rin po kung kaya ng oras ko pero minsan hindi na talaga kaya eh.
Second, I would like to thank everyone na bumabasa ng "Love, Stranger". Welcome po ang feedback and suggestion para maimprove ko pa ang pagsusulat ko. I accept any criticism as long as hindi bastos ang pagkakasabi.
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Muli, MARAMING SALAMAT!
(Sa chapter 7, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)
======================================================================
CHAPTER FIVE
Binati kami ng isang malaking gate na gawa sa kahoy at copper. Tumingala ako at nakita ko ang mga beams na sumusuporta sa napakalaking gate. Traditional Torii o Japanese gate ito, pero sobrang kapal at laki talaga.
"Nabanggit mo kanina na kaya ka marunong mag-japanese dahil sa work mo."
"Yeah."
"So ano ang work mo?"
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang sinusundan niya ang European couple na kasama namin sa tour bus.
"Why do you ask?" I gave him a quizzical look.
"Random question lang." sabi niya sabay tingin sa akin. Weird ng taong ito, tinatanong ko siya kanina sa Happo-en Garden tungkol sa sarili niya para makilala ko siya pero hindi ako sinagot ng maayos. He's making fun of me. So I think I should do the same.
"Call-boy." sagot ko sa kanya habang diretsong nakatingin ang aking mga mata sa kanya. Kitang-kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata.
"Seryoso ka?" alam kong hindi siya makapaniwala sa sinagot ko. Nakakatawa ang itsura niya.
"Yeah. I can do it with a girl or boy." seryoso ang tono ng aking boses habang diretsong nakatingin sa kanya. "Iyan din ang work ko pag nasa pinas ako. Foreigners ang customer ko." dagdag ko pa sabay ngiti. Nakatingin pa rin siya sa akin. Mistulang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tanging swelas ng aming sapatos at mga daldalan ng mga kasama namin ang ingay na aming naririnig.
Ilang segundo ang lumipas ay bigla akong humalakhak. Nagbago ang kanyang mukha. Bakas ang inis dito.
"I got you there." sabi ko habang humahalakhak. Halos mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa.
"Nice talking ka rin eh nuh?" naiinis niyang sabi.
"So how does it feel na sagutin ka ng hindi maayos?" sabi ko habang tinataas-taas nang paulit-ulit ang aking kilay na para bang nang-iinis. "You did that to me remember? Tatay Rome na tambay na may doseng anak at lahat panganay." sabay halakhak. Yes! Nakaisa ako.
"Funny bro."
"Yeah dude. Funny. Ngayon inamin mong nakakatawa ang mga sagot mo." napansin kong napakamot siya ng ulo. Natauhan siguro si gago sa kagaguhan niya kanina. I made him taste his own medicine.
BINABASA MO ANG
Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)
RomanceIf you will rank your chances from 1 to meeting your true love. What will it be? This is a story of a bisexual guy and a straight man, their paths crossed while on a vacation in Japan. Together, they go to places and discover things about each other...