Chapter Four

980 78 17
                                    

AUTHOR'S NOTE:

First, gusto ko pong ipaalam na may mga i-eedit ako sa naunang Chapter regarding some typo, grammar, and spelling (I'll edit this chapter din, pinost ko lang po dahil sa request ng ilang readers. Hehe.) I'm planning to release this sa ebook (you can buy this sa BUQO soon pag tapos ko na) and plan ko ring gumawa ng full english version nito, depende po sa magiging pagtanggap niyo. Gusto ko makarating sa maraming tao at ibang lahi ang story na ito. This is something special at naniniwala ako sa mga aral at inspirasyon na mapupulot sa story na ito.

Second, Muli I would like to thank everyone na sumusubaybay sa "Love, Stranger". I promise na iimprove ko pa ang pagsusulat ko para sa inyo. ^_^

Sana po ay huwag kayong mahiyang magcomment regarding the story. Welcome rin po ang feedback and suggestion para maimprove ko pa ang pagsusulat ko. Please, please, comment lang po kayo. I accept any criticism as long as constructive at hindi bastos.

You can add me on my facebook, tara usap tayo. I want to keep in touch with you guys. Please like my page na rin, nandito po ang link sa external link. Thanks in advance!

Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week. Depende po pag feeling ko bitin or maiksi ang latest chapter. Hehehe. :-D

Muli, MARAMING SALAMAT!

(Next post, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)


======================================================================


CHAPTER FOUR

Hinubad ko ang suot kong black coat. Tumingin ako sa kanya, nakita kong tinanggal niya ang kanyang black jacket. Napalunok ako. Tumalikod ako sa kanya. Tinuon ko ang mga mata sa kulay gray na dingding ng CR. Bumilis ang tibok ng aking puso. Sobrang bilis. Parang sasabog ito. Hindi ako makahinga nang maayos. Nanlalamig ako. Pinilit kong pakalmahin ang nanginginig kong katawan, ngunit hindi ko magawa. Pinatong ko ang aking black coat sa lababong gawa sa granite.

Pasimple akong tumingin sa kanya. Topless na pala ang mokong. Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan; medium built ito. Mabilis akong tumalikod, baka mahuli niya akong tumitingin at baka ano pang isipin. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Lalo ako nanlamig. Hindi ako mapakali. Para akong naiihi na hindi ko maintindihan.

"Naiihi ako wait lang. Dami kong nainom na water eh." sabi ko sabay lakad nang mabilis at pumasok sa isang toilet cubicle. Sinara ko ang pinto ng toilet cubicle, narinig ko ang paglapat nito. Inhale... exhale. Nakita ko ang isang high tech na toilet. Maraming beses na akong nakapuntang Japan ngunit naaaliw pa rin ako sa toilet nilang high tech na maraming switch na iba't-ibang kulay. Inangat ko ang takip ng toilet. Binuksan ang butones at zipper ng aking pantalon. Naiihi ako pero alam kong hindi naman talaga. Marahil ay ganito lang ang nararamdaman ko dahil sa nakita.

"Shit Ray. Nahalata ba niya? Baka kung ano isipin niya. Nakakahiya. Putangina naman." sigaw ko sa aking sarili. Sinarado ko ang butones at zipper ng aking pantalon. I look stupid. Pinindot ko ang flush ng high tech na toilet; kunwari ay umihi ako. Nagbitiw ako ng isang buntong hininga. Pilit kong pinakalma ang sariling hindi mapakali.

"Act normal." bulong ko.

Lumabas akong cubicle. Bumungad sa akin ang makinis at magandang hulma ng kanyang likuran, broad din ang kanyang shoulders. Malapit ang kanyang mukha sa salamin habang ang kanang kamay niya'y hinihimas-himas ang kanyang mukha. Nanlaki ang aking mga mata. Napalunok ako. Muling bumilis ang tibok ng aking puso. Tangina bakit hindi pa siya nagsusuot ng damit? Muli akong tumalikod sa kanya at mabilis na naghubad ng damit. Binuksan ko ang aking leather crossbody bag at kinuha ang bagong biling souvenir shirt.

Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon