Chapter Fourteen

802 66 12
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Una, gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa kwentong ito. Pasensya na at na-delay ang mga updates ko, biglang nagbago ang schedule ko and things got out of hand. Pero kahit ganoon ay nandyan pa rin kayo at naghihinay para mabasa ito. Maraming salamat!

Gusto kong batiin ang mga sumusunod na masugid na sumubaybay ng kwento, ang ilan dito ay mga readers ko since LMLIA days na hanggang ngayon ay nandyan pa rin at patuloy na nagbabasa. Maraming salamat po!

- Mark Lores
- Ethan Santos
- Ruel Solis
- Leigh Borbon
- Roj
- Кевин Кинг
- Mars Aguila
- Jharz Elemento
- John Paluyo
- Jared Earl Cruz (familiar name... hmmm... hehe.)
- Jerome So
- Ecnerwal Nek Kram
- Eli De Ocampo
- Zefyr
- AZ
- Hardname
- LSDee

(May nalimutan ba ako? Kung mayroon ay pasensya na po, pa-add na lang ako sa FB para mabati ko po kayo at mapasalamatan.) ^_^

May message po ako pagkatapos ng "Itutuloy". Hindi pa po tapos ang story ni Ray at Rome. Sana po ay subaybayan niyo pa rin ang kasunod na libro.


MULI MARAMING SALAMAT! ^_^


MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)


======================================================

BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com


CHAPTER FOURTEEN

ROME:

Nakaupo ako sa carpet ng madilim kong kwarto. Tumutusok sa balat ko ang napakalamig na buga ng aircon. Nakatingin man ako sa kawalan ay nakaukit pa rin sa aking isip ang lumuluha mong mukha. Bumigat ang dibdib ko. Naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na likido mula sa aking mata.

"Lalaki ako... Malinaw sa akin iyan, pero bakit ganito nararamdaman ko sa iyo Ray? Bakit ako nasasaktan? Bakit para akong dinudurog noong nakita ko ang iyong pag-iyak? Bakit sa tuwing iniisip ko na lalaki ako at hindi tayo pwede ay para bang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko? Ang hirap Ray... Ang sakit..."

Tinahak ng mata ko ang aking kama. Naalala ko ang mukha mong natutulog noong isang gabi, naalala ko ang pagyakap ko sa iyo, ganoon din ang mainit mong braso na bumalot sa katawan ko.

Napansin kong mahigpit na nakayakap ang mga braso ko sa aking katawan. Pumikit ako. Inisip ko na ikaw ang yumayakap sa akin. Napangiti ako. Napakasarap. Napakainit. Pakiramdam ko'y biglang nakumpleto ang pagkataong kong winasak ng dati kong iniibig, ito ang totoo kong naramdaman noong yinakap mo ako sa karaoke house. Mahina akong napaiyak. Na-miss na kita agad. Na-mimiss na kita ng sobra Ray.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal akong umiiyak. Tinaas ko ang aking ulo, tinuon ko ang mga mata ko sa paa ng kulay puting king-sized bed. Madilim man ay naaninag ko ang isang puting sachet. Dahan-dahan akong gumapang papunta rito. Pagkahawak ko rito'y napansin kong may katabi itong isang kulay itim na sachet. Bubuksan ko na sana ito nang marinig ko ang isang doorbell.

Lumiwanag ang aking pakiramdam. Naalala ko ang sulat na inipit ko sa iyong bag habang yakap-yakap kita sa Lake Ashi. Bumalik ka Ray!

Mabilis akong tumayo at dumiretso sa pinutang brown na gawa sa mahogany. Hindi na ako nag-ayos, wala akong pakielam sa itsura ko. Binuksan ko ang pinto.

Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon