AUTHOR'S NOTE:
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Batian portion. Next chapter na po, kailangan ko pang mag-review at marami pa akong gagawin. (namiss ko na ito! =D )
=============================================================
CHAPTER EIGHT
"Wow! Astig dito!" bakas sa boses niya ang excitement.
"Hala sige magsawa ka sa dami." sabi kong nakangiti sabay cross-arm.
Pumunta kami sa isang building na punung-puno ng manga comics, merchandise, Anime CD's, at pati na rin mga costume na ginagamit sa manga cosplay ay mabibili rito. Para itong isang paradise sa mga Otaku na gaya namin ni Rome.
Tumingin ako sa kanya. Bakas sa mga mata niya ang saya. Tumingin siya sa akin.
"Marami sigurong old version ng mga manga's dito."
"Yeah marami nga."
Naglakad kami. Inikot ko ang aking mga mata. Pumasok kami sa isang store na punung-puno ng manga comics. Sinalubong kami ng isang Japanese song na ang alam ko'y ginamit sa isang anime.
"Wow! Mayroon pa pala nito!" sabay kuha ng isang volume ng Hellsing sa isang shelf. "Heto rin oh ang dami!" sabay kuha ng Slam Dunk na manga sa 'di kalayuan.
Hinayaan ko muna siyang mag-enjoy doon, nag-ikot ako sa ibang lugar. May nakita akong ilang mga volumes na kinahihiligan kong manga, ang ilan dito ay Fairy Tail, Detective Conan, Fate/Stay night. Masaya akong kumuha ng mga kopya nito.
May mga nakita rin akong mga bagong manga na 'di ko pinalampas at pinatos ko na rin. Hahaha. Mahilig kasi ako magbasa ng mga stories, kahit anong genre ay okay sa akin basta na-catch ang attention ko at nagustuhan ko ang plot ay babasahin ko, lalo na kung manga ito.
Ilang saglit ang lumipas ay may kumalabit sa akin. Lumingon ako. Nakita ko siya.
"Gusto mo ito 'di ba?" sabi niyang nakangiti habang kinakaway sa akin ang limang volumes ng Detective Conan.
"Oh my gosh." agad kong kinuha iyon sa kanya. Tiningnan ko ang mga nakuha ni mokong. Aba! Ang dami rin ng kinuha niya.
"May nakita ka na bang Manga ng One Piece Bro?" sabay tapik ng kamao sa aking braso.
"Wala pa."
Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko. Ano na naman kaya ang nasa utak nito?
"What?" I gave him a quizzical look.
"Paunahan tayo makahanap ng One Piece."
"Game!"
"May dalawa na akong nakuha!" bigla niyang sabi sabay halakhak. Bwisit na ito, sarap tadyakan.
"Sigurado ka bang english iyan? Baka naka-nihongo iyan dude. Nganga ka pag-uwi mo, di ka pa naman marunong mag-Japanese." sabi ko sabay ngiting nang-iinis.
Tiningnan niya ang nakuha niya. "Ay gago!" bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Nagkamot siya ng ulo.
"Akin na iyan! Thanks Rome!" sabi ko sabay kuha noon sa kanya at humalakhak na nang-iinis.
BINABASA MO ANG
Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)
RomansaIf you will rank your chances from 1 to meeting your true love. What will it be? This is a story of a bisexual guy and a straight man, their paths crossed while on a vacation in Japan. Together, they go to places and discover things about each other...