10

3.6K 78 3
                                    

Exciting:)

Use wifi or load!

Mira:

After 4 days na naka kulong sa hospital, joke.

Nakabalik na ako sa school. Sa 4 days na 'yon ay may dalawang laro kami, pero hindi nila ako pinayagan, pero panalo pa rin naman.

Mag isa na lang ako sa daanan, dahil halos lahat ay nasa room na nila.

I was shocked to see Atasha, walking to...to our locker?

Tiniklop niya ang papel na hawak niya at shinoot sa locker... Ko?

Locker ko?! So siya 'yon?! The abm girl?

"Tasha?" Napatil si Atasha sa pag lagay ng papel sa loob at napatingin sa'kin.

"U-uhh... I-i can, uhm" she's stuttering.

"I think we should talk after out classes." Iyon lang ang sinabi ko at dumeretso sa classroom.

Siya?! Siya 'yong may gusto sa'kin?! Nauna siya magkagusto bago ako?

Ang hirap paniwalaan. Eh hindi ko naman siya kilala no'ng grade 8 ako, kaklase ko ba siya? Wala naman akong Atasha na kilala ah.

"Hello! Oh, problemado?" Milan greeted me with a smile, but suddenly the smile dropped , when she saw na medyo tulala ako.

"May nalaman lang."

"H-ha?"She's stuttering, may alam 'to.

"Kaibigan mo si Atasha diba?" I asked, agad siyang napaubo.

"Oo! Bakit? Hehe"

"Pati ikaw kinakabahan, 'wag na nga."

After my classes ay dumeretso ako sa isang coffee shop. Dito kami mag uusap ni Atasha.

 Dito kami mag uusap ni Atasha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



(Pinterest)

Nakaupo lang ako at hinihintay si Atasha.

Nang bumukas ang pinto ay agad nagtama ang tingin namin ni Atasha.

"Late ba ako?" Iyon ang unang tanong niya.

"Hindi naman, so-" I didn't finish my words dahil nagsalita siya.

"Wait! Hihinga lang ako!"

Medyo natawa ako sa inasta niya.

"Ok, game, aamin na ako. Oo, ako 'yong abm student na nagbibigay sa'yo ng letter. I am the girl na may crush sa'yo noong grade 8 ka. First day 'yon ng first quarter. Nakita kita sa may pilahan, naka green headband ka pa no'n, tapos bagsak ang buhok mo, feeling ko pa amoy baby powder ka kasi ang puti mo tapos kahit pawisan fresh. No'ng nakita kong kasama mo lagi si Cali, kinabahan ako, akala ko may crush kayo sa isa't isa. Pero tinanong ko siya kung magka ano-ano kayo. Sabi niya kapatid daw, ede mas nalungkot ako, kasi pinsan ko si Cali, kaya ibigsabihin ba no'n pinsan din kita? Pero sabi niya hindi ka raw Vergara, pero kapatid ang turing sa'yo. Kaya pinagpatuloy ko ang pagkakaroon ng crush sa'yo. Bawat recess, lunch time. Hinahanap kita, at doon ko pipilitin si Sofia na tumambay." She stopped at huminga ng malalim.

Palagi (BOOK 1)Where stories live. Discover now