16

3.1K 58 6
                                    

Mag drop kayo ng tanong sa conversation sa profile ko, kung may tanong kayo, ipa Tulfo natin 'yan! Eme🥰

Use wifi or load.

Atasha;

Awang-awa na ako kay Mira!

Minsan ayaw kumain, tulala sa kwarto. Halos itago ko na lahat ng matatalas na gamit dito. Kasi mentras makita niya magtatangka siya, tapos bigla siyang iiyak.

I think my new mission here is walang pwedeng sumampal sakaniya. At first i didn't know na gano'n pala ka big deal sakaniya 'yong isang sampal. Pero 'yong sampal pala na 'yon, magbabalik lahat ng trauma niya. Minsan kapag gabi bigla siyang iiyak. Sasabihin niya tama na, hindi na siya magkukulit.

(Hello, kuya. Balita?)

[Hmm, under investigation pa rin, pero hindi match ang finger print ni Mira sa fingerprint na nasa plastic ng drugs, so...tuloy lang, parang binibigyan lang talaga si Mira ng kasalanan. But ang iniisip ko, someone putted the drugs sa bag niya. And may naglagay sa kwarto niya. And about the money, pinaglalaban pa nila. Nanlalaban pa nga eh. Nakaw daw talaga ni Mira, but yeah, ako na ang bahala.]

(Thankyou, kuya!)

Mira didn't know na ginagawa ko 'to. Minsan ako ang pumupunta sa korte para tumayo kay Mira. Dahil sa lintik na drugs at nakawan na 'yon nagkakanda letse-letse lahat.

"Mira! I have a good news!"

She looked at me. She cried again.

"May scholarship ka na! And... Nahanap na kita ng trabaho, sa coffee shop!" She smiled at me, kahit kita sa mata ang lungkot ay ngumiti pa rin siya.

"Thankyou, Adi." She hugged me. Ang gaan sa pakiramdam kapag niyayakap niya ako.

Sa condo ko siya tumutuloy, kapag umaalis ako, lagi akong kinakabahan na baka magtangka nanaman siya. Kaya kinuha ko si Ling sa bahay ng parents ko at dinala sa condo para may pagka busyhan naman si Mira. And that's the best choice na nagawa ko.

"Aayos din ang lahat. Tara na! Linggo na oh, simba na tayo." Nakabihis na rin siya.

Pagdating namin sa simbahan ay agad siyang pumikit at nagdasal.

I love how Mira still trust Lord, kahit ganito ang nangyayari sakaniya. Kahit ako naman, even highs or lows kay Lord ako lalapit, kahit ga'no pa kamalas ang buhay.

Everything happens for a reason.

Lagi sa'kin nag c-chat si Cali kung kamusta si Mira. Alam niyang kasama ko si Mira. Our friends didn't know bakit hindi na nila nakikita si Mira, hindi ko naman masisisi si Mira. After everything, mahirap sakaniya 'yon.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Palagi (BOOK 1)Where stories live. Discover now