28

3.3K 63 1
                                    

Mira:

Nasa ibang bansa kami ngayon. Dito kami magpapakasal.

Ilang taon... Ilang taon ko 'tong pinangarap.

And now im here. Standing infront of her.

"You may now kiss." Ngumiti kami ni Atasha, we kissed.

Pagkatingin namin sa mga bisita ay umiiyak na si Steffi.

Abay ka sis.

Pagka baba namin sa altar ay agad yumakap si Steffi.

"Wahh!! Kasal na kayo! Parang dati lang sa'kin pa kayo nanghihingi ng update sa isa't isa!" Pagdradrama ni Steffi. Habang si Gwy ay kanina pa punas nang punas sa mga luha ni Steffi.

"Ikaw pa rin naman ang baby namin!" Nakangiting sahi ni Atasha.

Who would thought na ang babaeng nagkakagusto lang sa'kin at hindi ko pinapansin dati ay ang mapapangasawa ko.

Dumeretso na kami sa venue.

D'on ay nawala na ang iyak ni Steffi. Dahil nagpaka jollibee na siya.

"Igiling mo pa! Kunwari hindi ka ina!" Sigaw ni Sofia.

Si Steffi naman ay todo sayaw.

"Atasha at Mira naman! Sayaw!!"

Ginagaya ko lang ang mga dance steps ni Atasha.

"Lambutan mo pa, Mira!" Sigaw ni Cali.

This day is the happiest day for me. Being with my friends, people who are close to me and ofcourse, my wife, Atasha.

"14 years of waiting... And now i can finally say that 'I am Married'! With! My crush when i was grade 8!" Nakangiting sabi ni Atasha sa mic.

"Well, maybe 9 years lang ang sa'kin, pero excuse me, i am now married sa dating nagpapapansin sa'kin, kahit hindi ko pinapansin!" Naghiyawan naman sila Cali.

Ngayon ay mag m-message na ang mga kaibigan namin.

Siyempre si Steffi ang una.

"Kanina pa ako umiiyak, iiyak ulit ako! So, congrats sainyo mga ate ko, Ate Mira na kakampi ko palagi. Kami rin madalas ang magkaintindihan. No'ng nag break sila, parang mga tanga eh, break-break pa, tapos ako ang guguluhin. Kumain na ba si Atasha? Ok lang ba si Mira? Kompleto ba kain ni Atasha? Kompleto ba kain ni Mira? Though umabot kayo sa gano'n, in the end, kayo pa rin talaga. Napaka saya ko, kasal na mga ate ko, na tinuring pa akong baby nila, pero ngayon ako ang may baby."

Napatingin kaming lahat sakaniya.

" Buntis ka ulit?!" Tanong ni Atasha.

Bahagyang napangiti si Gwy.

"Surprise?" Lalong lumakas ang hiyawan.

" Back to my speech, mga epal! So ayon! Napaka saya ko para sainyo! Mahal na mahal ko kayong dalawa! Ate Tasha, ano na? Gusto na ni Jiro ng playmate mula sa favorite ninangs niya! Iyon lang! Congrats sainyong dalawa!"

"Well, congrats sainyo, wala ako medyo masasabi, dahil taga tulak lang naman ako ni Atasha dati, or hinihitak niya lang ako kung nasaan si Mira. Congrats to the both of you, kami ang saksi sa mga pinagdaan niyo!" Sofia said.

" Pre... Pre... Congrats, Pre! Grabe, Pre! Parang kailan lang score iniiyakan ko, ngayon kayo na! Congrats, pre! Tsaka, please! Magkaroon na kayo ng baby! Ayaw na sa'kin ni Jiro!" Madramang sabi ni Jho, ikli-ikli lang naman ng messages!

"Well, congrats to the both of you. Kayo ang dahilan ng pag-aaway namin ni Steffi minsa, pero kayo rin dahilan ng pagbabati namin, gaya ng sabi ni Steffi, playmate sana ni Jiro galing sa kaniyang favorite ninangs. Congrats ulit!" Gwy said.

Palagi (BOOK 1)Where stories live. Discover now