Tashaaaa na may kanal humor.
🤙🤙👀👀
Atasha:
September 2.
Gosh, feeling ko nananaginip pa rin ako.
Crush ko for 5 years, girlfriend ko na?!
"Omg?! Hindi man worth it dati ang pag tulog namin sa'yo para magpapansin kay Mira, ngayon, SUPER DUPER WORTH IT NA!" Sofia said after ko ikwento ang buong pangyayari.
"Sus! Walang-wala 'yan sa canteen moments! Pinaka ultimate ultra max papansin." Milan said and rolled her eyes.
"Parang hindi kami inirapan no'ng nagkakilala eh" i said.
"Pa'no ba naman, hindi naman siya inaano tapos nilista mo kami sa noisy!" Reklamo ni Sofia.
"Hoy! Excuse me, nagdadaldalan kayo ni Atasha no'n!"
My phone buzzed. Kaya habang nag aaway sila ay tinignan ko. It's my honeybunchsugarplum. Joke, corny.
Mj🤍
(Mira) Good Morning Adi🤍
Adi ndwjsbjebxhwihjdhdjedjsb
I smiled.
"NANLALAMANG!" sigaw ni Sofia
"Shhh! Lubayan niyo muna ako, mag-away muna kayo."
(Atasha) Morning Adi!! Sa'n ka?
Hindi naman nagtagal at nag reply na rin siya.
(Mira) Court:) may laban ulit kami against FEU mamaya, pero tambay muna kami dito.
Ay oo nga pala, wala rin dito si Steffi eh. Hindi na rin kami ang bantay dahil may bago na silang coach, pero assistant na kami!
" Tara sa court! " Pag aya ko sakanila.
" Ayoko"
"Mainit"Nagtunugan naman ang phones namin.
Coach Jeric: Court, may practice.
" Lakas ko kay Lord, tara na!"
No choice sila.
Pagkarating namin ay agad hinanap ng mata ko si Mira.
Magkasama sila ni Cali.
Ok, hindi ko muna guguluhin para hindi PDA.
Naupo muna kami sa bench.
Sumandal ako kay Milan at yumakap.
My isip bata is attacking. Hehe!
"Ice cream tayo mamaya." I said.
"Okiedokie!" Milan answered
"Okie!" Sofia answered while eating.Inaantok na ako. Nakasandal pa rin ako kay Milan.
Nagulat ako dahil bigla niya akong pinagkakalabit.
"Teh! Bebe mo, ansama ng tingin sa'kin oh, sasakalin ko 'yan." She whispered, kaya dumilat ako at tinignan.
Sama ng tingin! Para naman papatulan ko si Milan!
YOU ARE READING
Palagi (BOOK 1)
Romance(MIKHAIAH) What if you meet your palagi? Palaging nandiyan, palaging kasama mo, palagi kang ililigtas, palaging papagaanin loob mo. Atasha Queen Arceta. The campus crush, Abm student, flight attendant, bust chose to pursue photography. Mira's one...