Chapter Three

170 3 1
                                    

CHAPTER THREE

NATAWA si Rafael sa nakitang expression sa mukha niya. Hindi pa man yata siya nagsasabi ng kahit ano ay mukhang ipinagkanulo na kaagad siya ng sarili niyang damdamin.

“If you take the job, I will give you full authority over Christine. Lalo na kung maiiwan siya sa iyong mag-isa. She will depend on you for everything. I expect so much from my child, Angela. At kailangan kita para ma-meet ko ang expectations na iyon.” It was a vulnerable, concerned father who was facing her now.

“Matalino ang anak ko, Angela. Nagkataon lang na nagkaroon kami ng problema nitong nakaraang mga buwan. We were both healing our broken hearts.” Nakita niya sa mga mata nito ang kalungkutan na nakita na rin niya kay Christine.

“I’ll try my best, Rafael.” Nagkasundo na silang magtatawagan on a first name basis. “Kung ano ang magagawa ko para kay Christine ay gagawin ko. Promise.”

“I want Christine to grow up just like the other ordinary children. And any other children have mothers on their side,” sabi nito.

“May single parent din, Rafael. Either divorced, namatayan ng isang magulang, lumaking iisa lang ang kasama, pero naka-cope up at lumaking maayos. Never forget that. So it is possible for Christine to grow up well-adjusted kahit pa wala ang mother niya. But just the same, don’t expect too much so you won’t get disappointed.”

Minsan pa ay tinitigan na naman siya ni Rafael. Nang hawakan nito ang kanyang palad ay hindi na siya tumanggi pa.

“Salamat, Angela. Salamat dahil naintindihan mo ang ibig kong sabihin.”

To ease the tension na kasalukuyang pumupuno sa paligid, nagawa niya ang magbiro.

“I-I think you have just put me through an emotional blackmail.” Natawa siya nang bahagya.

Natawa rin ito. “That was exactly my intention.”

Nagkibit siya ng balikat. “Well, right now, you are the most important person in Christine’s life. Aren’t you afraid that her affection for you will be diverted to me?”

“Okay lang. As long as your own affections turn to both of us.”

Bigla niyang nahila ang kamay na hawak nito.

“SI ALING Marta at Mang Dado lang ang mga kasama namin dito ni Christine. Si Aling Marta ang namamalengke at nag-aasikaso ng mga dapat asikasuhin dito sa bahay, samantalang si Mang Dado naman ang nagsisilbing hardinero at driver ko,” paliwanag ni Rafael. “Pero kung sa palagay mo ay kailangan pa natin ng dagdag na katulong, just tell me. Madali namang kumuha sa agency.”

“No,” maagap niyang sagot. “Okay na sa akin ang ganoong set-up.”

“Very well. Matutuwa si Miss Aguilar kapag nalaman niyang puwede na niyang i-pull out ang pamangkin niyang nagpa-part-time para kay Christine.”

Iginala niya ang paningin sa paligid. Napakaganda ng bahay ni Rafael. She wondered kung ano ang naging dahilan at nagawa pang iwan ng ina ni Christine ang gayong karangyaan.

“I’ll pay you a wondrous sum, Angela. Then, of course, you have the house and the car at your disposal. I’ll give you a generous allowance for food, clothing, for the needs of the two of you.”

Natawa siya.

“Something funny?” Nakakunot-noo si Rafael.

“Hindi kaya ang mas dapat mo sanang kinuha ay hindi isang tutor-governess, but... but another wife?”

Pagkatapos ay nakagat niya ang sariling dila. Mali yata ang nasabi niya.

Nagkibit ito ng balikat. “It depends. Kung papayag ka bang maging... another wife. Why not?”

Mahal Mo Ba Ako by Eloisa LeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon