Chapter Four

153 3 1
                                    

CHAPTER FOUR

“HI, ANGELA!”

Nagulat si Angela nang matagpuan sa loob ng kanyang silid si Rafael. Aatras sana siya, lalo na nang maalalang nakamanipis na pantulog lamang siya nang mga oras na iyon. Ngunit wala siyang ibang patutunguhan. Ipinagsalikop na lamang niya sa dibdib ang dalawa niyang kamay. Tumayo si Rafael mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama, lumapit sa pintuan at ito na ang nagsara niyon.

“Where have you been?” tanong nito sa napakalambing na tinig. Gusto yata niyang panawan ng ulirat.

“H-hindi ako makatulog. Kaya bumaba ako at uminom ng gatas. B-bakit ka naririto?”

Sa halip na sagutin ang tanong niya, lumapit ito at paanas na nagsalita. “Ganyan pala ang hitsura mo kapag matutulog. I also like it that way.”

Bigla ang pag-iinit ng kanyang mukha. Sinasamantala yata ni Rafael ang pagiging boss nito at ginagawa ang lahat ng gusto nitong gawin. Sinasabi ang anumang maisipan. Sensing that she was on a dangerous ground, she stepped back quickly.

“Bakit ka ikako naririto sa loob ng silid ko?”

“Kumakatok ako. Walang sumasagot, eh, kaya pumasok na ako. Malay ko ba naman na nasa ibaba ka pala... at ganyan ang suot mo.”

Lalo siyang pinamulahan. “H-hindi ko naman akalain na gising ka pa pala. I mean, nakita kong sarado na ang ilaw sa silid mo... pati na rin sa study room kung saan ka madalas na magbabad.”

“Hindi mo naman siguro akalain na gising pa nga pala ako at naroon sa silid ni Christine, hindi ba? Binibigyan ko lang ng kaunting words of encouragement ang anak ko para ipagpatuloy na ang pagpapakabait niya. But then, kung talaga nga palang tulog na ako ay nagiging libangan mo na ang mamasyal sa buong kabahayan ng ganyan ang—”

“Akala ko nga ay tulog ka na!” pagpupumilit niya.

“I assumed that a nice girl like you would put on a robe or something modest kapag lumalabas ng silid niya. Nagkamali pala ako. Iba ka ba sa inaasahan ko?” Nakita niyang nanunudyo na naman ang mga mata nito.

“How dare you to insinuate that!”

“But then, how do you think had I known? What I see is what I believe.”

Nagbuntong-hininga siya at pilit na kinalma ang sarili. Pagkuwan ay narinig niya ang malakas na halakhak ni Rafael.

“Puwede bang tumigil ka? Walang nakakatawa. If you’ll excuse me, Mr. Sevilla. Siguro naman ay puwede kang lumabas sandali para naman maayos ko muna ang sarili ko kung kailangan mo akong makausap.”

“Talk nicer. Or else ay hindi ako aalis dito,” sabi nito na alam na alam niya sa tono na nang-iinis.

“Will you please excuse me, Mr. Sevilla. While I make myself more presentable to be interviewed by my employer?” sabi niya sa tinig na nang-uuyam.

“Certainly, Miss Delgado. Hihintayin kita sa study room para makapag-usap tayo nang maayos.”

NANGINGINIG si Angela sa inis habang inaayos ang kanyang sarili. Ang mokong na iyon at talaga nga yatang ugali na ang manamantala. Dapat sa mga ganoong lalaki ay nilalayasan. Pagkatapos ay nakapag-isip siya. Bakit ako lalayas? Mayamaya pa ay bumaba na siya at nagtungo sa study room. Inabutan niya roon si Rafael na nagbabasa. Nagtaas ito ng paningin nang maramdaman ang kanyang presensiya.

“Sit down, Angela,” sabi nito.

Luminga-linga siya. Ang pinaka-convenient na upuan ay sa tabi nito upang makapag-usap sila nang maayos. At nang mga oras na iyon ay nakaupo ito sa mahabang sofa. Umupo siya sa pinakadulo niyon.

Mahal Mo Ba Ako by Eloisa LeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon