Chapter Six

150 3 0
                                    

CHAPTER SIX

GINABI sila ng uwi galing ng mall. Pagdating sa bahay ay agad na nakatulog si Christine. Hinatid ni Angela ang bata sa silid nito. Paglabas niya ng silid nito ay naabutan niya sa labas niyon si Rafael, tila hinihintay siya.

“Gusto mong manood ng VCD?” aya nito sa kanya. “Alam kong paborito mo si Bruce Willis. Kumuha ako ng kopya ng Sixth Sense.”

Napangiti siya. “Sige,” agad niyang sagot. “Tutal ay maaga pa naman. At Linggo pa lang bukas.”

Mag-a-alas-otso pa lang nang sumulyap siya kanina sa desk clock ni Christine. Ilang sandali pa ay nasa sala na sila at nakasalang na ang pelikula sa VCD.

“Can we turn off the light?” suggestion ni Rafael. “Para mas maganda.”

Tumango siya. “Sure.”

Wide screen ang TV sa sala; para na rin silang nasa loob ng sinehan.

“For a while,” mayamaya ay sabi nito. “Kukuha ako ng makukukot.”

Bahagya na lang siyang napatango sa sinabi nito. Engrossed na engrossed na siya sa kanilang pinapanood. Nang bumalik ito ay may dala na itong isang balot na tortillos at dalawang Coke in can.

“Ito lang ang nakita ko.” Umupo ito sa malapit sa kanya.

Mayamaya ay naramdaman niyang mas umusog pa si Rafael palapit sa kanya. Nang sumandal siya sa kinauupuan ay tuluyan na siyang tinabihan nito. Nang sulyapan niya ito ay nakita niyang hinahagod nito ng tingin ang kanyang kabuuan.

“Do you know you’re beautiful, Angela?” tanong nito.

Alam na niya iyon. Ngunit ang marinig ang papuring iyon mula sa mga labi nito ay langit yata para sa kanya.

“Masarap namang tumira dito sa bahay ko, hindi ba?” bigla ay tanong nito sa seryosong anyo.

Nawala na ang konsentrasyon nila sa kanilang pinapanood.

“O-oo,” maikli niyang sagot.

“Minsan ay nagtataka ako kung ano pa ang hinanap ni Mabelle. Gayong ibinigay ko naman sa kanya ang lahat.”

Mukhang nais ni Rafael na maglabas ng sama ng loob. Hininaan niya ang volume ng TV upang ganap itong mabigyan ng sapat na atensiyon. Nakita niya ang lungkot na agad na gumuhit sa mukha nito. Gayunman ay hindi na iyon kasing-intense nang una nitong mabanggit ang ina ni Christine.

“Nilalakad ko noon ang papeles ko para sumunod sa mga magulang ko na nasa America. Nilalakad din ni Mabelle ang visa niya. Doon kami sa US embassy nagkita. Eventually ay hindi na-pursue ang balak sana niyang mag-try ng modeling career sa abroad. Hiniling niya na huwag na akong tumuloy sa America, so, hindi na nga ako tumuloy. And we lived together.”

May hapding naramdaman si Angela dahil sa mga sinabi ni Rafael. Hindi na niya kailangang itanong pa kung maganda si Mabelle. Isang modelo ang babae which meant she was dainty and glamorous, graceful and beautiful. Ano‘ng laban niya roon? She sank at the thought.

“But then, hindi pa rin nawala sa pangarap niya ang pagmomodelo. Inalok ko siya ng kasal ngunit tinanggihan naman niya. Tahasan niyang sinabi sa akin na mas mabuti ang gayon. So that when the opportunity crops up, hindi siya mahihirapang kumalas sa relasyon namin.”

Narinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ni Rafael.

“But eventually I got her pregnant. Again, I offered to marry her. I told her how much I love her then. For the second time ay tinanggihan niya ako. And her option then was to have our child aborted. Si Christine nga.” Nakita niya ang pagkuyom ng palad nito at ang pagtatagis ng mga bagang.

Mahal Mo Ba Ako by Eloisa LeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon