Chapter Ten

339 11 1
                                    

CHAPTER TEN

“BABALIK na ako sa London,” deklarasyon ni Mabelle habang naghahapunan sila nang araw na iyon. “Matagal na rin ako rito,” sabi nito. Pagkuwa’y napako ang mga mata nito kay Angela.

“There are things I have to do. Hindi puwedeng lagi akong naririto.” Napabuntong-hininga ito. Kung para saan ay hindi niya alam.

“Huwag mong iiwan ang anak ko, ha, Angela. Mukhang napamahal ka na rin sa kanya. At natutuwa naman ako roon.”

Saglit na katahimikan ang nagdaan.

“Babalik ako just for the wedding. After three months of preparation.” Bumaling ito kay Rafael na marahan namang tumango rito.

“Okay,” sabi nito. “After three months.” Pagkatapos ay bumaling ito kay Christine at ngumiti.

“Magiging abay ka na,” sabi nito.

I can’t stand this, she cried silently. Ayaw niyang may mahalata sinuman sa mga nakaharap.

“Alam kong nalulungkot ka rin, anak. Sorry pero may mga kailangang gawin si Mommy sa malayo. Promise, kapag nalibre ako ay ikaw kaagad ang iisipin ko.” Bumaling ito sa kanya. “I know she’s upset. Please, reassure her and comfort her for me.”

And who will comfort me?

“Ikaw na ba ang maghahatid sa akin sa airport, Rafael? Or should I ask—”

“Ihahatid kita,” pakli nito.

Nagpatangu-tango si Mabelle. “Good. As soon as I reach London, I’ll be in touch. Don’t worry.”

Inabot nito ang palad ni Rafael at pinisil iyon. It was too much for Angela’s shattered emotions. Magdamag siyang umiyak nang gabing iyon.

NAPAKATANGA ko! sabi ni Angela sa kanyang sarili. Paano niya napaniwala ang sarili na mahal na nga siya ni Rafael? To the point na ipinagkatiwala niya rito nang hindi iilang beses ang kanyang sarili? Para lamang malaman sa bandang huli na talaga ngang si Mabelle ang nagmamay-ari dito? Bakit ba pansumandali niyang nakalimutan na empleyado nga lang pala siya nito? Para nahalikan lamang siya ni Rafael, nayakap, nag-ilusyon na kaagad siya nang ganoon kadali. Sino ngayon ang kanyang sisisihin? Gusto niyang magalit sa kanyang sarili. Hindi naman sinabi sa kanya ni Rafael na mahal siya nito. Wala rin naman itong ipinangako sa kanyang anuman. Bakit tila naghahangad siya nang higit-higit pa sa maaari nitong ibigay sa kanya? Hindi niya lubos maisip kung paano siya mawawala sa eksena. Ngunit paano naman si Christine kung iiwan niya? Papayagan ba niya ang sarili na maging libangan na lang ni Rafael sa mga panahong wala si Mabelle? At kapag naroon naman si Mabelle ay sa isang tabi muna siya? Ganoon nga ba siya katanga?

“Aalis na pala si Mabelle mamayang hapon, ano, Angela?” tanong ni Aling Marta. “Babalik daw siya pagkaraan ng ilang buwan para sa kasal. Sila ba ang magpapakasal?”

Mayroon pa bang iba?

“H-hindi ho ako nakikialam sa mga personal na affairs nila.”

“Pero nalulungkot ka.”

Saglit silang nagkatitigan. Nag-isip si Angela. Puwede ba niyang pagkatiwalaan si Aling Marta ng kung anuman ang nasa kalooban niya? Lalo at kailangang-kailangan niya ng makakausap? Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at agad siyang napaiyak sa harapan nito.

“Ano’ng problema, iha?” tanong nito. “Nasasaktan ka, hindi ba? Mahal mo na si Rafael.”

She began to tell her the whole story.

“Pero wala hong kahulugan kay Rafael ang lahat ng naganap sa amin, Aling Marta,” pagtatapos niya.

“Pero sa iyo ay mayroon.”

Mahal Mo Ba Ako by Eloisa LeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon