Chapter Nine

168 2 0
                                    

CHAPTER NINE

“YOU MEAN, five days silang dalawa ni Christine sa hotel, Rafael?” tanong ni Angela na halos hindi makapaniwala.

“Oo,” simpleng sagot nito.

“At pinayagan mo?”

“Nanay naman niya iyon.”

“Kahit pa. Hindi na sanay si Christine na si Mabelle ang kasama. Sino ang magbibihis sa kanya? Ang magpapakain?”

“Kayang lahat ni Mabelle iyon.”

“Sana ay hindi mo pinayagan nang hindi—” Napatigil siya nang mapunang titig na titig na pala sa kanya si Rafael. Saka niya napag-isip na may mali pala sa kanyang mga sinasabi.

“S-sorry,” nagawa niyang sabihin. “N-nanay nga pala niya iyon. Hindi siya pababayaan.”

“You’re so concerned with Christine, aren’t you?”

Saglit siyang natahimik bago sumagot. “Napamahal na siya sa akin.”

“Nakita ko pa ngang mas pinahalagahan mo siya kaysa sa ginawa ni Mabelle noon.”

“K-kasama iyon sa trabaho ko,” sagot niya. Kahit pa ang totoo ay alam niyang kung magkaminsan ay sobra-sobra na sa tawag ng tungkulin ang ginagawa niya. Parang tunay na anak ang turing niya kay Christine.

“I-isasama ba niya si Christine?” tanong niya na puno ng pag-aalala.

Natawa si Rafael. “Of course not. Bakit niya isasama? At sa tingin mo ba ay papayag ako gayong nandiyan ka naman?”

“Paano kung itakas niya? Kung hindi ipagpaalam? Puwede niyang gawin iyon dahil siya naman ang...”

Napahalakhak si Rafael. “Angela, Angela, you’re worrying about so many things. Hindi gagawin iyon ni Mabelle. Kilala ko siya. Ano ang gagawin niya sa isang paslit? Ruined her happy life? Sinasamantala lang niya ang ilang araw na naririto siya sa Pilipinas. Pero hindi nangangahulugan iyon na gugustuhin na niyang makasama ang anak niya habang panahon. Iniwan nga niya sa akin si Christine, hindi ba?” Nahimigan niya na naroon pa rin sa tinig nito ang pait.

Hindi na siya kumibo pa. Tutal naman ay sensible ang mga sinabi ni Rafael.

“Takot ka bang mawala si Christine, Angela? O takot kang mawalan ng trabaho?”

Nang sulyapan niya ito ay nakita niyang nakangiti naman ito. Napabuntong-hininga siya. Problema ngayong wala si Christine. At limang araw daw na mawawala ang bata. Mami-miss niya ito kahit pa ilang araw lang.

“Ano naman ang gagawin ko rito habang wala akong babantayan? Malinis naman ang bahay dahil weekly namang inaasikaso ni Aling Marta. Summer vacation naman ngayon at hindi rin problema ang eskuwela.” Muli ay napabuntong-hininga siya. “Matutulog na lang ako maghapon?” Pagkatapos ay napatingin siya kay Rafael at napatawa.

Natawa rin ito. “Sige. Matulog tayo maghapon.”

Napasimangot siya. “Oo na. Matulog ka sa silid mo at doon ako sa silid ko.”

“Doon tayong dalawa sa silid mo,” sabi nito.

“Rafael, ha! Hayan ka na naman.”

Napahalakhak ito. “Isn’t my idea amusing, sweetheart?” tanong nito na punumpuno ng panunudyo.

Hinimas nito ng likod ng palad ang kanyang pisngi. Pinaglandas iyon doon at pinababa hanggang sa kanyang leeg. Sarado naman ang aircon sa study room na kinaroroonan nila ngunit agad niyang naramdaman na tila nanlalamig siya. Dahil ba iyon sa paghagod na ginagawa ni Rafael sa kanya?

“You’re shivering,” anas nito na bahagyang inilapit ang mukha sa mukha niya. Agad siyang namula. O mas tamang sabihing kinabahan?

“H-hindi,” kaila niya bagaman bahagyang gumaralgal ang kanyang tinig.

Mahal Mo Ba Ako by Eloisa LeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon