Chapter Five

146 1 0
                                    

CHAPTER FIVE

ABALA noon si Angela sa pagluluto sa kusina nang marinig niyang nagsalita si Rafael.

“Where’s Christine?”

“Friday pa lang naman, hindi ba? Which means may pasok pa siya ngayon.” Hindi siya nag-abalang tumingin dito nang sabihin iyon. Kung may balak na naman itong tudyuhin siya ay mabuti na iyong maaga pa lang ay makaiwas na siya.

“Ah, oo nga pala. Today is Friday, may pasok si Christine sa eskuwela. Which only means na dadalawa lang tayo sa bahay na ito sa buong maghapon. Isn’t that sweet?”

Naitirik niya ang mga mata. Sinasabi na nga ba at tama ang kanyang sapantaha.

“Busy ako, Mr. Sevilla. Huwag ninyo akong abalahin nang matapos sa oras itong ginagawa ko.”

“Talaga? Ah, busy ka nga pala. Can I help you nang matapos kaagad iyan?”

Napapitlag siya. Paano ay naramdaman niya mula sa kanyang likuran na hawak na siya nito sa magkabila niyang braso. Halos magkadikit na ang kanilang mga katawan. Ang hudyo at balak na namang manamantala!

Itinigil niya ang kanyang ginagawa at pumiksi palayo rito. “Ano sa palagay ninyo ang ginagawa ninyo, Mr. Sevilla?” tanong niya sa sarkastikong tinig. Kahit may hatid na kung anong kilig ang pagkakadikit ng mga katawan nila ay hindi niya iyon kailangang ipahalata. Kaya mas pinili niya ang magtapang-tapangan sa harapan nito.

“What does it look like I’m doing?” sa halip ay sabi ni Rafael. “Gusto mo ba ng tulong ko?”

“Kung wala kayong magawa ay sa iba na ninyo gawin, Mr. Sevilla.” Pagkasabi niyon ay ini-off niya ang stove dahil tapos na ang kanyang niluluto. “Wala ho akong panahon sa biruan ngayon, Mr. Sevilla.” Pormal pa rin ang anyo niya. “Puyat ako kagabi dahil sa paggawa ng reviewer ni Christine for her exam. At kung mamarapatin po ninyo, magpapahinga muna ako sa silid ko dahil maaga pa naman para ipaghain ko ng tanghalian ang mahal na prinsipe.”

Mabilis niya itong tinalikuran. Napahalakhak naman si Rafael sukat sa kanyang tinuran. Nasa puno na siya ng hagdan nang mapuna niyang nakasunod pa rin pala ito sa kanya.

“At saan naman kayo sa palagay ninyo pupunta, mahal na prinsipe? Mukhang hanggang sa silid ko ay balak pa ninyo akong sundan?”

Ngunit mukhang hindi ito basta-basta matitinag.

“Where am I going? Well, this is my house. Kahit libutin ko ang kabuuan ng kabahayang ito ay magagawa ko. At my pleasure.”

“Oo nga naman. Pasensiya na po kayo at nakalimutan ko.” Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng kanyang silid nang agawin sa kanya ni Rafael ang doorknob. Ito na ang nagbukas ng pinto. Pagkatapos ay inilahad nito ang palad upang makapasok sa loob. “Tuloy na po, mahal na prinsesa.”

Napangiti siya nang pakutya at tumuloy sa loob. Nagtaka pa siya nang mukhang wala pang balak na umalis si Rafael.

“May hinihintay ka pa?”

“Hinihintay ko lang kung sasabihin mo kung ano talaga ang gusto mong gawin ko. Should I leave or should I stay? Kung aalis ako, you can have some rest. If I stay, we could have some fun. Ano’ng gusto mo?”

“Lumayas ka sa harapan ko.”

“Ganoon lang?”

“Ganoon lang.”

“At kung ayoko?” Nabigla pa siya nang walang-babala siya nitong saklitin sa baywang. Ipiniksi niya ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

Mahal Mo Ba Ako by Eloisa LeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon