Demon Says 7

19 9 7
                                    

[11, June]

[News: Isang babae ang natagpuan sa isang kakahuyan na hindi na makilala sa kadahilanang brutal ang pagkakamatay nito. Nakumpirma ng pamilya ng biktima na ito si Charity Ozarez na tatlong araw na umano hindi nakikita. Base sa autopsy ay namatay ito kagabi lamang.]

•••

"Nakikiramay po kami." Sabay sabay kaming nagpunta sa burol ni Charity. Lahat kami ay hindi pa rin makapaniwala sa pagkawala niya. Parang kailan lang ay kausap lamang namin siya. Pero ngayon, heto siya at nasa harap namin.. nasa harap namin ang kaniyang abo.

"Salamat," tipid na saad sa amin ni Ate Lottie, ang kapatid ni Charity. Mahahalata sa kaniya ang bakas ng hindi pagkakaroon ng maayos na tulog dahil halata iyon sa mga mata niya. Naiintindihan namin dahil hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay.

Binigyan kami isa-isa ng kape ng nagseserve doon na tinanggap naman namin.

"Nasaan pala si Millie? Bakit kayo lang?" Tanong ni Ate Lottie.

"Nasa lola po niya, nagpapalamig ng ulo at nagpapakalma roon," sagot ni Olly.

"Pero chinat na namin siya tungkol sa nangyari, hindi pa nga lang nagse-seen," dagdag pa ni Theron.

Tumango tango si Ate Lottie at naupo sa tabi ko.

"Weird ang kinikilos ni Cha noong makalawang araw lang, bakit hindi ko 'yon napansin agad?" Naglandas ang kaniyang luha nang magkuwento. "May mga pagkakataong nag-aaway kami at nagtatampuhan pero hindi ko ito gusto para sa kaniya." Tuluyan na itong napahagulgol. Nilapitan ko ito at niyakap.

Inaalo ko lamang siya at hinahagod ang likod. "Mabibigyan ng hustisya ang pagkawala ni Cha." Tumingala ako upang pigilan ang pagtulo ng aking luha.

Ngunit sa pagtingala ko ay napansin ko ang ilaw sa kisame. Bakit parang mapula ito?

At bakit may tumutulo..

Tumulo ito sa pisngi ko.

Dugo?

DUGO NGA ITO!

Demon SaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon